Press Release
May 6, 2022

HONTIVEROS WARNS VS IMPENDING HUMANITARIAN CRISIS IN TRANSPORT SECTOR AS BUDGET FOR PANTAWID PASADA RUNS OUT

Senator Risa Hontiveros on Friday urged the government to provide additional support to public utility vehicle (PUV) drivers and operators amid the sustained high costs of fuel and other products due to the ongoing war in Ukraine.

"Hindi talaga sapat at paubos na ang natatanggap na tulong sa ating mga bus, jeep, at tricycle. Kapag pinabayaan natin silang tumigil sa pasada, wala tayong masasakyan," said Hontiveros.

The senator also warned that the incumbent drivers and operators of traditional PUVs are now officially being squeezed out by the presence of better capitalized new entrants who neither suffered through the pandemic nor had to deal with the inaction of the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) on fare petitions.

Upon the recommendations of the Department of Energy (DOE), the Pantawid Pasada program was approved in March. But with the current situation, the P6,500 per month that tricycle and jeepney drivers got through their Landbank-issued Pantawid Pasada cards has hardly given them any breathing room.

"Yung P6,500 para sa jeepney drivers, halimbawa ay isang buwang pantapal lang sa dagdag-presyo ng langis at iba pang bilihin. Kapag hindi ito nasundan, ang ending ay hindi man lang aabot sa minimum wage ang kita ng mga drivers at mapipilitan na silang tumigil ng pasada," Hontiveros explained.

The plight of PUV drivers falls under the mandate of the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). However, Hontiveros said that the government as a whole must come up with long-term interventions.

"The objective is to allow jeepney drivers and minimum wage workers the same take home pay before the price of fuel and basic goods went crazy," she added.

Hontiveros pointed out that excess oil-related value-added tax (VAT) revenues for 2021 were supposed to have been assessed and made available to the Department of Budget and Management (DBM) by the end of April 2022.

"This could be used to finance the second tranche of Pantawid Pasada," Hontiveros suggested.

However, Hontiveros also warned, "But we should come up with a more sustainable, long-term response to this humanitarian crisis in the transport sector. Hindi pwedeng kada buwan ay maghahagilap tayo ng pondo para sa Pantawid Pasada. Kailangan ng transport sector ng kapanatagan sa gitna ng krisis."


HONTIVEROS NAGBABALA NA MAGKAKAROON NG KRISIS SA TRANSPORT SECTOR, PROBLEMADO ANG PAGPONDO SA PANTAWID PASADA

Hinimok ni Senator Risa Hontiveros ang gobyerno na magbigay ng karagdagang suporta sa mga driver at operator ng public utility vehicle (PUV) sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at iba pang produkto dahil sa nagpapatuloy na digmaan sa Ukraine.

"Hindi talaga sapat at paubos na ang natatanggap na tulong sa ating mga bus, jeep, at tricycle. Kapag pinabayaan natin silang tumigil sa pasada, wala tayong masasakyan," ani Hontiveros.

Nagbabala rin ang senador na ang mga kasalukuyang driver at operator ng mga tradisyunal na PUV ay unti-unting napapatalsik ng mga baguhang may sapat na kapital at hindi nakaranas ang pagdurusa sa panahon ng pandemya. Buko rito, itong mga tinatawag na "new players" ay hindi rin kinailangan na humarap sa kawalan ng aksyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga petisyon para taasan ang pamasahe.

Base sa rekomendasyon ng Department of Energy (DOE), inaprubahan ang Pantawid Pasada program noong Marso. Ngunit sa kasalukuyang sitwasyon, ang P6,500 kada buwan na natamo ng mga tricycle at jeepney drivers sa kanilang Landbank-issued na Pantawid Pasada cards ay halos wala ring nabibigay na ginhawa sa kanila.

"Yung P6,500 para sa jeepney drivers ay nagiging buwanang pantapal lang sa dagdag-presyo ng langis at iba pang bilihin. Kapag hindi ito nasundan, ang ending ay hindi man lang aabot sa minimum wage ang kita ng mga driver at mapipilitan na silang tumigil ng pasada," paliwanag ni Hontiveros.

Ang kalagayan ng mga PUV driver ay nasa ilalim ng mandato ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Gayunpaman, sinabi ni Hontiveros na ang gobyerno sa kabuuan ay dapat magkaroon ng pangmatagalang interbensyon.

"Hangad natin na ang jeepney drivers, kasama ang mga minimum wage workers, ay makatanggap ng take home pay na may halagang parehas sa tinatanggap nila bago nagwala ang presyo ng gasolina at pangunahing bilihin," diin ng senadora.

Ipinunto ni Hontiveros na ang labis na oil-related value-added tax (VAT) para sa 2021 ay dapat na masuri at magagamit na sa Department of Budget and Management (DBM) sa katapusan ng Abril 2022.

"Maaari itong magamit upang finance the second tranche of Pantawid Pasada," giit niya.

Dagdag-paalala ni Hontiveros: "Ngunit dapat tayong magkaroon ng pangmatagalang tugon sa krisis na ito sa sektor ng transportasyon. Hindi pwedeng kada buwan ay maghahagilap tayo ng pondo para sa Pantawid Pasada. Kailangan ng transport sector ng kapanatagan sa gitna ng krisis," paalala ni Hontiveros.

News Latest News Feed