Press Release
May 18, 2022

SPEECH OF SENATOR RISA HONTIVEROS
DURING THE COMELEC PROCLAMATION

May 18, 2022

Magandang araw po sa lahat.

Alam nyo, palagi nating sinasabi noong kampanya na papunta pa lang tayo sa exciting part. Sa tingin ko, walang nag-akala na ganito pala ka-exciting, hindi lang ang exciting part, kundi maging ang susunod na anim na taon. Ang dami pa tuloy nating exciting parts na pupuntahan.

We did it, mga kasama. I am very proud of the Filipino people for coming out in record numbers and performing our civic duty. Napakalaking karangalan na pinagkatiwalaan akong muli ng masang Pilipino.

Maraming, maraming salamat po sa bagong mandato. Agyamankami unay! Balbaleg ya salamat. Dacal pung salamat! Dios Mabalos! Daghang Salamat. Muchas Gracias. Madamo guid nga salamat. Shukran!

Looking back at everything we went through, I cannot help but think that it is almost a miracle that I am standing before you today. But the truth is, I am able to mark this new journey because of the love and hardwork of everyone around me: my family, my staff and campaign team, sa aking partidong Akbayan, my friends, allies, and, of course, all Filipinos dreaming of a better life. All of you who are watching and supporting, hindi ako mauubusan ng pasasalamat para sa inyong lahat.

Ito ay isa ring buong pusong pagtanggap sa lahat ng tungkulin at responsibilidad bilang isang mambabatas sa 19th Congress. Makikipagtulungan tayo sa mga dati at bagong makakasama sa Senado upang ipaglalaban ang isang lipunang marangal, makatarungan, at may pagkakapantay-pantay.

Tuloy rin ang ating kampanya para sa Healthy Buhay at Hanapbuhay at sa pagpasa ng mahahalagang batas para sa mamamayan. I look forward to working with everyone.

Mga kasama, hindi iisa ang magiging liwanag natin. Hindi tayo naghahanap ng tila iisang kandilang may sindi sa kawalan.

Bagkus, ituring natin ang bawat isa na mga alitaptap na sama-samang kumukutitap hanggang dumating ang bagong umaga. Let us look after each other. Walang iwanan.

Tuloy ang laban.

News Latest News Feed