Press Release
August 11, 2022

Sa Pagpanaw ni Lydia de Vega-Mercado

Kaisa ko ang buong bansa sa pagluluksa sa pagpanaw ng isang alamat - ang Asia's Sprint Queen na si Lydia de Vega-Mercado.

Hindi natin malilimutan ang karangalang ibinigay niya sa ating mga Pilipino mula noong dekada 1980s. Dahil sa kanya, naging kahanga-hanga ang Pilipinas sa ating karatig bansa.

Pero higit pa rito, atin siyang dapat pasalamatan sa inspirasyong ibinigay niya sa atin, hindi lamang bilang atleta at bilang Pilipino.

Salamat po at paalam, Ma'am Diay!

News Latest News Feed