Press Release
August 31, 2022

Gatchalian urges schools: Enforce child protection program to combat sexual harassment

Senator Win Gatchalian is urging the country's basic education institutions to enforce their child protection program to combat all forms of violence and abuse against learners, including sexual harassment.

Gatchalian made this call as the Department of Education (DepEd) probes six teachers who allegedly made sexual advances on learners at the Bacoor National High School in Cavite. A social media post on the learners' experiences went viral on August 28. According to DepEd spokesman Michael Poa, the teachers under investigation have not been given teaching loads since then.

"Mariin nating kinokondena ang ganitong uri ng pang-aabuso at karahasan sa ating mga mag-aaral. Ang mga paaralan ay dapat nagsisilbing ligtas na espasyo. Walang lugar sa ating mga paaralan ang pang-aabuso at karahasan at hindi dapat natin ito pinapalagpas," said Gatchalian, Chairman of the Senate Committee on Basic Education.

Gatchalian cited the role of DepEd's Child Protection Unit (CPU), which is mandated to formulate policies concerning the right of basic education learners to protection from all forms of violence, abuse, neglect, cruelty, exploitation, and maltreatment. The CPU is also mandated to establish and maintain a monitoring and reporting mechanism for all child protection-related concerns.

In enforcing child protection programs, the senator said that schools should mobilize their Child Protection Committees (CPC), which were created under Department Order No. 40 s. 2012 or the Child Protection Policy. Aside from creating child protection policies, CPCs are also tasked to identify learners who may be experiencing abuse and exploitation, and to report cases involving child abuse.

Based on the results of the National Baseline Study on Violence Against Children in the Philippines (2016), about 17.1% of children aged 13 to below 18 experienced any form of sexual violence, 5.3% of which happened in schools.


Gatchalian: Pairalin ang child protection program kontra sexual harassment

Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang mga paaralan sa bansa na pairalin ang pagpapatupad ng programa para sa child protection upang labanan ang lahat ng uri ng pang-aabuso at karahasan, kabilang ang sexual harassment.

Ito ay kasunod ng imbestigasyon ng Department of Education (DepEd) sa anim na guro na diumano ay nagsamantala sa mga mag-aaral sa Bacoor National High School sa Cavite. Nag-viral noong Agosto 28 ang isang social media post ukol sa sinasabing naging karanasan ng mga mag-aaral. Ayon kay DepEd spokesman Michael Poa, hindi na binigyan ng teaching load ang mga guro simula noong magsagawa ng imbestigasyon.

"Mariin nating kinokondena ang ganitong uri ng pang-aabuso at karahasan sa ating mga mag-aaral. Ang mga paaralan ay dapat nagsisilbing ligtas na espasyo. Walang lugar sa ating mga paaralan ang pang-aabuso at karahasan at hindi dapat natin ito pinapalagpas," ani Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Basic Education.

Binigyang diin ni Gatchalian ang mahalagang papel ng Child Protection Unit (CPU) ng DepEd na may mandatong bumuo ng mga polisiya sa karapatan ng mga mag-aaral na mabigyan ng proteksyon laban sa karahasan, pang-aabuso, at pagmamaltrato. Mandato rin ng CPU na bumuo at magpanatili ng mekanismo para sa pag-ulat at pag-monitor ng mga usaping may kinalaman sa proteksyon ng mga kabataan.

Sa pagpapatupad ng mga programang may kinalaman sa pagbibigay proteksyon sa mga kabataan, iginiit ng senador na dapat pakilusin ng mga paaralan ang kanilang Child Protection Committees (CPC) na nilikha sa ilalim ng Department Order No. 40 s. 2021 o ang Child Protection Policy. Maliban sa paglikha ng polisiya hinggil sa proteksyon ng mga kabataan, mandato rin ng mga CPC ang pagtukoy sa mga mag-aaral na maaaring dumaranas ng pang-aabuso, pati na rin ang pag-ulat ng mga kasong may kinalaman sa pang-aabuso ng mga kabataan.

Batay sa naging resulta ng National Baseline Study on Violence Against Children in the Philippines (2016), labing-pitong (17.1) porsyento ng mga kabataang may edad na labing-tatlo (13) at hindi aabot sa labing-walo (18) ang nakaranas ng karahasang sekswal. Tinatayang limang (5.3) porsyento ng mga karanasang ito ay naganap sa mga paaralan.

News Latest News Feed