Press Release
September 13, 2022

Tulfo reprimands NLRC, DOLE for slow resolution on worker complaints

Senator Idol Raffy Tulfo has reprimanded the National Labor Relations Commission (NLRC) for failing to speed up the agency's slow process in resolving labor disputes involving aggrieved Filipino workers and their employers, which has been persistent for decades now.

During the Sept. 12 hearing of the Senate Committee on Labor and Employment which Tulfo Vice Chairs, he urged NLRC to step up its effort in ensuring timely and effective resolution of laborers' complaints,

"Yung kasong kaya kong resolbahin ng dalawang araw bakit inaabot ng dalawang taon sa inyo bago masolusyunan? Pinapatagal ba dahil nagaaregluhan o nagtatawaran pa?" asked the Senator, who also hosts "Wanted sa Radyo."

"Dapat bilis bilisan niyo po 'yung pagtatrabaho niyo dahil there are many instances na kapag inaabot ng taon bago maaksyunan ang kaso ng mga manggagawa ay napapagod na sila at nagsu-surrender na - yung iba sa kanila ay nag-a-abroad na, yung iba naman ay wala ng pamasahe at resources kaya umuuwi na lang sa kani-kanilang mga probinsya.

"In other cases, by the time na natapos na yung kaso, kahit nanalo na po yung manggagawa, ay nailipat na po ang pangalan ng kompanya sa iba. Ang malala pa dito, minsan sila pa ang inuutusan ng sheriff na mag-identify ng bank accounts o property ng dating amo nila sa trabaho na pwedeng ma-garnish ng NLRC," he added.

NLRC Chairman Gerardo Nograles, during the said hearing, admitted that labor cases are taking more than a year to be resolved supposedly because of the delays in the issuance of the service of summons, which he had the Post Office to blame for - a reasoning which further irked Tulfo.

The Senator from Isabela maintained that NLRC cannot put the blame on the Post Office because the agency could have personally served the summons to the companies who are on the receiving end of complaints, to hasten the process.

Tulfo likewise urged the NLRC to address the snowballing of "fixers" in the agency, saying, "baka pwedeng linis-linisin niyo na po 'yang NLRC dahil napakadaming fixers diyan."

Nograles, who admitted that there is an alarming number of fixers operating in NLRC, said that they are working hard to address the issue and stop the rise of fixers.

Moreover, Sen. Idol expressed dismay over the failure of the Department of Labor and Employment (DOLE) to protect laborers' right by ensuring that they are properly compensated.

"Ang mga manggagawa na pinagsisilbihan po natin, marami po sa kanila ay naghihikahos, at hindi nakakatanggap ng tamang sweldo. The minimum wage right now in NCR is PhP570 per day, do you believe na mayroon pa ring nakakatanggap ng PhP200 at PhP300 per day? Di ho ba nakakahiya? Ang pinagsisilbihan po nating mga mamamayan - mga boss natin kung tawagin, eh sila po ang naghihikahos, sila ang kinakawawa ng sistema," he said.

To guarantee that employees are aware of their rights, Tulfo suggested to require companies to put up a signboard in their respective workplaces detailing employees' privileges and what they ought to receive.

"Ang aking suggestion, bakit hindi po kayo maglagay ng karatula sa bawat work station, especially sa mga factory, kung saan nakalagay kung magkano ang minimum wage doon sa lugar na iyon at ano pa yung mga benefits na dapat nilang matanggap, tulad ng proper computation ng overtime pay, at 13th month pay," he said.

"Nakalagay din dapat ang hotline na maaring maging sumbungan ng manggagawa kapag hindi naging compliant ang kompanyang kanyang pinagtatrabahuhan. That would serve as a deterrent against possible abuse of workers' rights," he added.

Ultimately, Tulfo said he is willing to work hand in hand with NLRC and DOLE to effectively address labor issues, stating, "Makakaasa kayo ng tulong from us sa pamamagitan ng pagpapasa ng batas, if needed, para mapabilis at ma-improve ang proseso ninyo."


Mabagal na pagresolba ng NLRC sa mga kasong inilalapit ng mga manggagwa, ikinagalit ni Tulfo

Pinagalitan ni Senator Idol Raffy Tulfo ang National Labor Relations Commission (NLRC) dahil sa mabagal na pagproseso nito sa mga labor disputes na kinasasangkutan ng mga naagrabyadong empleyado at kanilang employers.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Labor and Employment noong Setyembere 12 kung saan Vice Chairperson si Tulfo, hinimok ng mambabatas ang ahensya na bigyang solusyon ang mga problema sa lalong madaling panahon.

"Yung kasong kaya kong resolbahin ng dalawang araw bakit inaabot ng dalawang taon sa inyo bago masolusyunan? Pinapatagal ba dahil nagaaregluhan o nagtatawaran pa?" tanong ni Tulfo na host din ng "Wanted sa Radyo."

"Dapat bilis bilisan niyo po 'yung pagtatrabaho niyo dahil there are many instances na kapag inaabot ng taon bago maaksyunan ang kaso ng mga manggagawa ay napapagod na sila at sumu-surrender na. Yung iba sa kanila ay nag-a-abroad na, yung iba naman ay wala nang pamasahe at resources kaya umuuwi na lang sa kani-kanilang mga probinsya.

"In other cases, by the time na natapos na yung kaso, kahit nanalo na po yung manggagawa ay nailipat na po ang pangalan ng kompanya sa iba. Ang malala pa dito, minsan sila pa ang inuutusan ng sheriff na mag-identify ng bank accounts o property ng dating amo nila sa trabaho na pwedeng ma-garnish ng NLRC," dagdag niya.

Inamin ni NLRC Chairman Gerardo Nograles, sa nasabing pagdinig, na may delay sa kasalukuyang proseso at kailangang ayusin ang sistema para mapabilis ang pagresolba sa mga kaso.

Sinabihan din ni Tulfo ang NLRC na sugpuin ang tumataas na bilang ng fixers sa ahensya. "Baka pwedeng linis-linisin niyo na po 'yang NLRC dahil napakadaming fixers diyan."

Nagpahayag din ng pagkadismaya ang Senador sa kabiguan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na protektahan ang karapatan ng mga manggagawa sa pamamagitan ng pagtiyak na tama ang kanilang sinusweldo.

"Ang mga manggagawa na pinagsisilbihan po natin, marami po sa kanila ay naghihikahos, at hindi nakakatanggap ng tamang sweldo. The minimum wage right now in NCR is PhP570 per day, do you believe na mayroon pa ring nakakatanggap ng PhP200 at PhP300 per day? Di ho ba nakakahiya? Ang pinagsisilbihan po nating mga mamamayan - mga boss natin kung tawagin, eh, sila po ang naghihikahos, sila ang kinakawawa ng sistema," ani Tulfo.

Upang matiyak na alam ng mga empleyado ang kanilang mga karapatan, iminungkahi ni Tulfo na dapat maglagay ng signboard ang mga kumpanya sa kani-kanilang mga work stations kung saan naka-detalye ang mga benepisyong dapat na natatanggap ng mga empleyado.

"Ang aking suggestion, bakit hindi po kayo maglagay ng karatula sa bawat work station, especially sa mga factory, kung saan nakalagay kung magkano ang minimum wage doon sa lugar na iyon at ano pa yung mga benefits na dapat nilang matanggap, tulad ng proper computation ng overtime pay, at 13th month pay," ani Tulfo.

"Nakalagay din dapat ang hotline na maaring maging sumbungan ng mangaggawa kapag hindi nagging compliant ang kompanyang kanyang pinagtatrabahuhan. That would serve as a deterrent against possible abuse of workers' rights," dagdag niya.

News Latest News Feed