Press Release
September 15, 2022

PUBLIC HEARING ON THE ALARMING CASES OF KIDNAPPING, ABDUCTION, AND DISAPPEARANCES
September 15, 2022

OPENING STATEMENT OF SENATOR RONALD "BATO" DELA ROSA:

Good morning. Meron tayong apat na resolutions referred to this committee at iisa lang ang objective nito kundi imbestigahan itong spate of kidnappings na nangyayari dito sa ating bansa para maklaro natin kung ano 'yung estado ng peace and order ng ating bansa, at matanggal 'yung mga alinlangan, 'yung takot ng mga kababayan natin dahil nga sa social media, sa mga video na nagkalat ngayon sa social media, talagang ang reaksyon ng mga tao ay puro pangamba at takot. At ako mismo, being the chairman of Public Order and Dangerous Drugs, I am in receipt of a lot of texts, a lot of messages inquiring me, "Sir, pahintuin ko na ba itong anak namin mag-aral dahil mukhang takot na kami dahil sa nangyayari ngayon na maraming naki-kidnap." So para mawala itong kanilang pangamba, ilahad natin 'yun lahat, ang totoong estado ng kapayapaan ng ating bansa kaya andito tayo ngayon.

So, but before I continue on, I would like to congratulate the Philippine National Police for your very big accomplishment yesterday in Pampanga, wherein marami kayong na-rescue na mga traffic persons, mga foreigners, at meron din kayong naaresto, 'di ba? Marami rin. And just this morning, I talked to the provincial director of Cavite and he told me about their accomplishment na 'yung, within 36 hours, 'yung na-kidnap at ni-rape at pinatay na 16 years old do'n sa Cavite ay nahuli na nila ang suspect somewhere in Bulacan and thank you for, 'yung pagsusumikap ninyo.

Again, 'yung PNP, kayo palagi ang whipping boy. Sabi ko nga, sometimes, I praise you, sometimes I castigate you, they may come in different forms, but iisa lang ang ibig sabihin no'n, na kami, ang publiko ay umaasa sa inyo na sana ay kayo ay magtagumpay sa inyong mandato na ma-maintain ang peace and order ng ating bansa. Dahil wala man kaming ibang mapupuntahan kundi ang Philippine National Police because according to the Constitution, there is only one police force, national in scope, civilian in character, and that is the Philippine National Police. Kapag nagkaleche-leche 'yung sitwasyon natin, 'yung ating peace and order, hindi naman sinisisi ng taumbayan 'yung NBI, hindi sinisisi ang Immigration, hindi sinisisi 'yung mga mayor, hindi sinisisi 'yung mga governor, hindi sinisisi 'yung PAGCOR, hindi, Kundi ang Philippine National Police! Ang sabi nila palagi, "Pulis natin kasi patulog-tulog", "Pulis natin kasi walang ginagawa." Kaya we are here today para malaman natin, para malaman natin 'yung totoong pangyayari. Minsan nga, naka-castigate ko kayo, but please take it as a challenge. Do not take it as an offense because alam naman ninyo kung gaano ko kayo kamahal. Without the Philippine National Police, there is no Senator Bato Dela Rosa. 'Yan ang aking utang na loob sa ating organization kaya sana gampanan ninyo ng husto ang inyong papel. You take all my comments as a challenge para gampanan talaga ninyo. And I'm sure, you are reacting properly.

Kaya before matapos itong hearing na ito, this committee hopes na masagot natin 'yung mga nagging questions na pumapalibot sa ating kapaligiran. Number one, about kidnapping, itong mga kidnapping involving foreign nationals, being Chinese, Cambodian, Singaporean, Vietnamese as victims or as suspects, dahil sila-sila nga sabi nagki-kidnap-an. So titignan natin ngayon kung ito ba ay mga POGO-related, ito ba ay CASINO-related or ito ba 'yung tradisyonal na kidnapping for ransom victimizing itong ating mga, mostly Filipino-Chinese citizens ng ating bansa. At kung ito'y POGO-related, klaruhin natin kung sinong mga POGO-involved dito para naman, andito 'yung taga-PAGCOR, kapag involved sila sa mga kidnapping or trafficking or sa slavery na nakikita natin ngayon, then, we'll ascribe to right away, cancel the permit. And we have Immigration here to deport them summarily, right away, for being undesirable aliens. Madali lang 'yan, palayasin kaagad natin! "Ikaw. You are making crimes here, you are committing crimes here. Go away! We don't need you here!" 'Di ba? So andito tayo ngayon para malaman 'yan at 'yung atin namang mga kidnappings na nagreresulta sa, sometimes rape, sometimes death, marami, maraming, may mga records tayo dito, mga babae na nawawala. Ito 'yung laman ng resolution ni Sen. Imee, 'yung mga babae na mga nawawala, hindi ko na iisa-isahin, alam niyo 'yon. You should show us what are the updates as far as these cases are concerned. So 'yun lang naman siguro, 'yung mga video na nagsi-circulate, si Sen. JV, I would like to acknowledge the presence of Sen. JV Ejercito. Thank you for coming.

Sen. JV Ejercito: Thank you, Mr. Chairman.

Sen. Dela Rosa: Thank you po. Mamaya, may ipapakita si Sen. JV mamaya na mga video and please give us updates. Nando'n 'yung mga video na merong tinanggalan ng tainga, merong video na hinahampas ng maso. Very cruel na mga tao ito. Merong video na binaril at sinasaksak pa. Parang nagsasaksak ng baboy! Tsak, tsak, tsak, gano'n! So you can just imagine kung maengkwentro itong mga tao diyan sa mga hotel diyan, lasing, ma-trip-an ka, gaganunin ka. Tsak, tsak, tsak! Paanong...? Merong video doon na tinapon na Chinese national doon sa Kawit, Cavite. I don't know kung 'yung kasama doon na mga binalot-balot doon eh kwan ba 'yon, mga tinadtad ba 'yon or sabi ng PD kanina, hindi daw. Isang tao lang daw 'yung namatay do'n. They have progress on their investigation. At meron din tayong video na 'yung parang abduction or robbery along the Skyway. Skyway. Pwede palang gawin 'yan in broad daylight. So ito'y magbibigay ng takot sa mga tao. So klaruhin natin ito kung ito ba talaga'y nangyayari sa ating bansa at kung ito'y nangyayari, ano nang ginagawa ninyo, at kung ito'y hindi sa ating bansa, kalruhin natin na hindi 'yan nangyayari sa amin. Because this gives undue fear from our residents.

So from here, I would like to yield the floor to Sen. Imee Marcos for [her] opening statement.

Salamat. Thank you.

News Latest News Feed