Press Release
September 19, 2022

Gatchalian urges LGUs to ramp up immunization programs

Senator Win Gatchalian is urging local government units (LGUs) to ramp up their programs to increase immunization coverage and prevent the outbreak of vaccine-preventable diseases.

Gatchalian made this call as the Department of Health (DOH) reported that 1 million children in the Philippines under the age of one remain unvaccinated. The DOH added that the Philippines is one of the 10 countries with the lowest immunization rate of children in the world. The agency further warned of an impending measles outbreak if immunization rates remain low.

The lawmaker also noted that the government should be aggressive in expanding vaccination coverage considering the COVID-19 pandemic's disruption of immunization programs.

"Maraming beses nang napatunayan ng agham na ligtas at mabisa ang mga bakuna laban sa pagkakasakit. Kaya naman sa tulong ng ating mga lokal na pamahalaan, dapat nating tiyakin na ang ating mga programa para sa pagbabakuna ay maabot lahat ng mga sanggol," said Gatchalian.

While the DOH said that it is working with medical societies and pediatric doctors' groups, Gatchalian cited the role of local governments in helping ensure an efficient rollout of the vaccination programs. The government's Expanded Program on Immunization (EPI) employs the Reaching Every Barangay Strategy (REB) to improve access to routine immunization. The EPI also seeks to ensure that all health facilities, including health centers and barangay health stations, have at least one staff trained on the REB.

Gatchalian also cited the role of LGUs under the Mandatory Infants and Children Health Immunization Act of 2011 (Republic Act No. 10152), which provides for free and mandatory basic immunization for infants and children up to age five. LGUs, for instance, together with the DOH, other government agencies, non-government organizations, and professional academic societies are mandated to ensure that appropriate information materials are available for distribution to the public.

LGUs, together with the academe, professional societies, and nongovernmental organizations shall also assist the DOH in undertaking continuing information, education, and training programs for all health personnel on the benefits of immunization against vaccine-preventable diseases.


Panawagan ni Gatchalian sa LGUs: Pagbabakuna ng mga kabataan paigtingin

Hinihimok ni Senador Win Gatchalian ang mga lokal na pamahalaan o local government units (LGUs) na paigtingin ang kanilang programa sa pagbabakuna upang maiwasan ang outbreak ng mga vaccine-preventable diseases.

Ito'y matapos iulat ng Department of Health (DOH) na may isang milyong sanggol sa Pilipinas na mas bata sa isang taong gulang ang hindi pa nababakunahan. Ayon pa sa DOH, ang Pilipinas ang isa sa sampung bansa na may pinakamababang bilang ng mga batang nabakunahan. Pinangangambahan din ng ahensya na baka magkaroon ng measles outbreak kung nananatiling mababa ang bilang ng mga kabataang bakunado.

Ayon kay Gatchalian, dapat maging agresibo ang pamahalaan pagdating sa pagbabakuna lalo na't naantala ito noong sumiklab ang pandemya ng COVID-19.

"Maraming beses nang napatunayan ng agham na ligtas at mabisa ang mga bakuna laban sa pagkakasakit. Kaya naman sa tulong ng ating mga lokal na pamahalaan, dapat nating tiyakin na ang ating mga programa para sa pagbabakuna ay maabot lahat ng mga sanggol," ani Gatchalian.

Bagama't nakikipag-ugnayan na ang DOH sa mga medical societies at grupo ng mga pediatric doctors, binigyang diin ni Gatchalian ang mahalagang papel ng mga LGU para sa mabilis na pagpapatupad ng mga programa para sa pagbabakuna. Sa ilalim ng Expanded Program on Immunization (EPI), ipinapatupad ang Reaching Every Barangay Strategy (REB) upang mabigyan ang mas maraming kabataan ng mga routine vaccines. Tinitiyak din ng EPI na lahat ng mga health center at barangay health station ay may isang kawaning may sapat na training sa REB.

Mahalaga din ang papel ng mga LGUs sa ilalim din ng Mandatory Infants and Children Health Immunization Act of 2011 (Republic Act No. 10152) na layong bigyan ng libre at mandatory immunization ang nga batang hanggang limang taong gulang. Responsibilidad, halimbawa, ng mga LGUs, kasama ng ibang ahensya ng pamahalaan, non-government organizations, at iba pang mga professional academic societies na tiyaking may sapat na information materials na ipapamahagi sa publiko.

Dapat ding alalayan ng LGUs ang DOH, kasama ang akademya, mga professional societies, at non-government organizations sa information, education, at training programs para sa lahat ng mga health personnel pagdating sa mga benepisyong hatid ng pagbabakuna.

News Latest News Feed