Press Release
September 19, 2022

Robin: Mismong Saligang Batas ang Malinaw na Walang Puwang para sa Diskriminasyon Base sa Kasarian

Mismong Saligang Batas na ang malinaw dito: Walang puwang sa Pilipinas para sa diskriminasyon laban sa tao base sa kasarian nito.

Iginiit ito ni Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla nitong Lunes, sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality at ng Committee on Finance.

Ayon kay Padilla, sa panimula ng Saligang Batas ay inihayag na ng sambayanang Pilipino ang hangad na bumuo ng makatarungan at makataong lipunan, at magtatag ng pamahalaan na kakatawan sa kanilang mithiin at lunggatin - at titiyak para sa sarili at angkanang susunod ng mga biyaya ng kalayaan at demokrasya "sa ilalim ng pananaig ng batas at ng pamamahalang puspos ng katotohanan, katarungan, kalayaan, pag-ibig, pagkakapantay-pantay at kapayapaan."

"Napakalinaw po doon, Mahal na Tagapangulo, na wala pong sinabi ditong kasarian. Wala tayong pinipiling kasarian. Ang sinasabi po rito sa panimula ng ating Konstitusyon na lahat po tayong mga Pilipino ay pantay-pantay. Hindi lamang po sa mata ng Panginoong Diyos kundi sa mata ng batas ng tao," aniya sa tagapangulo ng komite na si Sen. Risa Hontiveros.

Todo suporta rin si Padilla sa panimulang salita ni Hontiveros sa pagkakapantay-pantay ng mga Pilipino, lalo na't dahil ito ang sinasabi ng ating Saligang Batas.


Robin: No Less than Constitution Says No Room for Gender-based Discrimination

No less than the Philippine Constitution is clear on this: There is no room in the Philippines for gender-based discrimination against anyone.

This was stressed Monday by Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla at the hearing of the Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality and the Committee on Finance.

Padilla cited the Preamble of the 1987 Constitution where the sovereign Filipino people expressed their intent to build a just and humane society, and establish a government that shall embody their ideals and aspirations - as well as secure for themselves and future generations the blessings of independence and democracy "under the rule of law and a regime of truth, justice, freedom, love, equality, and peace."

"Napakalinaw po doon, Mahal na Tagapangulo, na wala pong sinabi ditong kasarian. Wala tayong pinipiling kasarian. Ang sinasabi po rito sa panimula ng ating Konstitusyon na lahat po tayong mga Pilipino ay pantay-pantay. Hindi lamang po sa mata ng Panginoong Diyos kundi sa mata ng batas ng tao (It is clear, Madam Chairperson, that there is no favoring of one gender over another. The Constitution is clear that all Filipinos are equal, not only in the eyes of God but also in the eyes of the law)," aniya sa tagapangulo ng komite na si Sen. Risa Hontiveros.

Padilla likewise voiced full support for Hontiveros' opening statement that Filipinos are equal, saying no less than the basic law of the land says so.

*****

Video: https://www.youtube.com/watch?v=mEDH8rnzuFc

News Latest News Feed