Press Release
September 26, 2022

Gatchalian seeks to reinstate budget cut of NBI; calls for intensified cybercrime prevention efforts

Senator Win Gatchalian is seeking to reinstate the cut in the National Bureau of Investigation's (NBI) 2023 budget to intensify the government's cybercrime prevention efforts.

The lawmaker has expressed concern that the National Expenditure Program (NEP) trimmed down the 2023 budget of the NBI to P1.8 billion from 2022's actual budget of P2.3 billion. This includes the lowering of the agency's budget for its anti-cybercrime enforcement unit to P21.2 million or a slash of almost twenty percent compared to this year's P26.4 million. According to Gatchalian, the reduction in the NBI'S budget could adversely affect its anti-cybercrime operations especially at a time when illegal activities, such as identity theft, credit card fraud, and proliferation of spam and phishing messages, continue to rise. He added that it is crucial to reinstate the cut in the budget of the agency while the Senate awaits the passage of the SIM Registration bill.

"Cybercrimes are flourishing in many territories including the Philippines. I would like to see that the NBI is fully equipped and has the necessary resources, especially in its fight against cybercrimes," said Gatchalian.

"We will do our best to reinstate the amount that was cut in the budget proposal," he stressed in support of the NBI's anti-cybercrime efforts.

In addition to reinstating the amount cut from the NBI's budget, Gatchalian said the imminent passage of the mandatory registration of SIMs is also expected to enable the NBI to effectively implement its anti-cybercrime campaign.

He emphasized that a substantial reduction in the number of cybercrimes in the country would help enhance the digital revolution in the country and underpin economic recovery.

"Kailangan nating magbigay ng nararapat na suporta sa NBI upang mapigilan at matunton ang mga kawatan na lalo pang nagiging sopistikado na ngayon. Kung nais nating paigtingin ng ahensiya ang pagpuksa sa cybercrimes, ibigay natin ang lahat ng nararapat na suporta dito," Gatchalian ended.


Gatchalian: Ibalik ang budget cut ng NBI; paigtingin ang laban kontra cybercrimes

Sa layuning mapaigting ang laban ng bansa kontra sa mga insidente ng cybercrime, kumilos si Senador Win Gatchalian upang ibalik ang natapyas na pondo ng National Bureau of Investigation (NBI) para sa susunod na taon.

Nagpahayag ng pagkabahala ang senador matapos na bawasan ang 2023 budget ng ahensya batay sa National Expenditure Program (NEP). Mula sa aktwal na pondong P2.3 bilyon ngayong taon, lumiit ito sa P1.8 bilyon para sa 2023.

Dahil dito, nabawasan din ng halos bente porsyento ang pondong inilaan para sa anti-cybercrime enforcement unit ng NBI para sa susunod na taon. Bumaba ito sa P21.2 milyon mula sa budget ngayong taon na P26.4 milyon. Kritikal ito, ani Gatchalian, dahil maaaring maapektuhan ang operasyon laban sa cybercrimes lalo na sa panahong patuloy na tumataas ang insidente ng credit card fraud, identity theft, at paglaganap ng mga spam at phishing messages. Dagdag pa ng senador, ngayon higit na kailangan ng mas mataas na pondo para dito habang inaasahan ang nalalapit na pagpasa sa senado ng SIM Registration bill.

"Ang mga insidente ng cybercrime ay umuusbong sa maraming teritoryo kabilang ang Pilipinas. Ang nais natin ay maging advanced ang NBI para labanan at matunton ang mga kawatan kaya kailangang kumpleto ang gamit nila," ani Gatchalian.

"Gagawin namin ang aming makakaya upang maibalik ang halaga na nabawas sa panukalang budget," ayon kay Gatchalian bilang suporta sa pagsisikap ng NBI laban sa cybercrime.

Sinabi din ni Gatchalian na ang napipintong pagpasa ng mandatory registration ng mga SIM card ay inaasahan din na magbibigay-daan sa NBI na epektibong maipatupad ang anti-cybercrime campaign nito.

Binigyang-diin ng senador na ang malaking pagbawas sa bilang ng mga cybercrimes sa bansa ay makatutulong sa pagpapahusay ng digital revolution sa bansa at pagpapatibay sa pagbangon ng ekonomiya.

"Kailangan nating magbigay ng nararapat na suporta sa NBI para mapigil ang mga kawatan na lalo pang nagiging sopistikado na ngayon. Kung nais nating paigtingin ng ahensiya ang pagpuksa nila ng cybercrimes, ibigay natin ang lahat ng nararapat na suporta sa kanila," pagtatapos ni Gatchalian.

News Latest News Feed