Press Release
October 1, 2022

Gatchalian heeds call for help for Bulacan amid destruction of Typhoon Karding

Heeding a call for help for Bulacan after being hit by Super Typhoon Karding, Senator Win Gatchalian moves to provide much-needed assistance to residents in some municipalities in the province.

A former mayor of neighboring Valenzuela City, Gatchalian comes to the rescue of thousands of families whose homes were either submerged in flood waters or damaged by the recent typhoon.

Gatchalian is visiting the municipality of San Miguel, Bulacan today, October 1, to distribute sacks of rice to about a thousand affected families. The Sangguniang Bayan of San Miguel passed a resolution placing the entire municipality of San Miguel under a state of calamity due to the damaging effects of the flood on agriculture, livelihood, and infrastructure.

Later in the day, Gatchalian will visit the remains of the rescuers who perished in the line of duty and will give financial assistance to the families of the five heroes.

Earlier in the week, Gatchalian co-sponsored a Senate resolution honoring the extraordinary heroism of the five members of the Bulacan provincial disaster risk reduction and management office. He also proposed a legislation that seeks to classify rescuers as regular employees of the local government units they serve, give them appropriate benefits, and provide them with the necessary training and tools they need to execute their mandate.

"Panahon na upang gawing regular sa kanilang trabaho, bigyan ng tamang benepisyo, pagsasanay, at kagamitan ang ating mga rescue teams sa lahat ng LGUs. Kilalanin natin ang kanilang makabuluhang papel sa ating lipunan, lalong-lalo na sa mga panahong nararanasan natin ang hagupit ng kalamidad at sakuna," Gatchalian added.


Gatchalian tumugon sa panawagan ng tulong para sa Bulacan matapos manalasa ni 'Karding'

Bilang tugon sa panawagan ng tulong para sa Bulacan matapos tamaan ng bagyong Karding, agad kumilos si Senador Win Gatchalian para magbigay ng kinakailangang tulong sa mga residente sa ilang munisipalidad sa lalawigan.

Isang dating alkalde ng kalapit na Valenzuela City, si Gatchalian ay magbibigay tulong sa libu-libong pamilya na ang mga tahanan ay nalubog sa tubig baha o nasira ng nagdaang bagyo.

Bibisita si Gatchalian sa munisipyo ng San Miguel, Bulacan ngayong araw, Oktubre 1, para magbigay ng mga sako ng bigas sa may isang libong apektadong pamilya. Isinailalim sa state of calamity ang San Miguel sa bisa ng isang resolusyon mula sa Sangguniang Bayan ng San Miguel kasunod ng naging epekto ng baha sa agrikultura, kabuhayan, at imprastraktura.

Bibisitahin rin ni Gatchalian ang mga labi ng limang rescuer na nasawi sa kanilang tungkulin at magbibigay ng tulong pinansyal sa kanilang mga naiwang pamilya.

Si Gatchalian ay co-sponsor ng isang resolusyon ng Senado na nagbibigay ng parangal sa kabayanihan ng limang miyembro ng Bulacan provincial disaster risk reduction and management office. Iminungkahi rin niya ang isang batas na naglalayong gawin silang regular na empleyado ng mga local government units na kanilang pinaglilingkuran at bigyan ng naaangkop na mga benepisyo, mga pagsasanay, at kinakailangang mga kagamitan upang maisagawa ang kanilang mandato.

"Panahon na para gawing regular sa kanilang trabaho, bigyan ng tamang kagamitan, pagsasanay, at kagamitan ang ating mga rescue team sa lahat ng LGUs. Kilalanin natin ang kanilang magiging papel sa ating lipunan, lalong-lalo na sa mga panahong nararanasan natin ang hagupit ng kalamidad at sakuna," sabi ni Gatchalian.

News Latest News Feed