Press Release
October 13, 2022

Robin, Binisita si Dating Senador de Lima sa Kampo Crame

Pinuntahan ni Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla si dating Sen. Leila de Lima sa Philippine National Police General Hospital sa Kampo Crame nitong Miyerkules para tiyakin sa kanya na hindi katuruan ng Islam ang kaguluhan, terorismo at pananakot.

Ani Padilla, pinuntahan niya si de Lima hindi bilang senador kundi isang Muslim at kapwa Bikolano, para iparating sa kanya na kung ano ang ginawa ng mga Abu Sayyaf na nagtangkang i-hostage siya noong Linggo ay hindi naaayon sa Islam.

"Gusto ko po iparating sa kanya, kung anumang ginawa nitong Abu Sayyaf, ang nagawa nilang hindi maganda, nagawa nilang kaguluhan, terorismo o pananakot, yan ay hindi katuruan ng Islam," ayon sa mambabatas.

"Yan ang mensahe na aming pinadala kay Sen. de Lima na isang Bikolano din ako, na talagang ako ay nalungkot din at nabigla din at nagpapasalamat din po sa PNP sa aking kababayan na Igorot na naging bayani sa pangyayaring ito," dagdag niya - tinutukoy niya si P/Cpl. Roger Agustin na nasugatan sa insidente noong Linggo.

Ibinunyag din ni Padilla na napagusapan nila ni de Lima ang posibilidad na magkaroon ng home furlough pero nabanggit sa kanya ni Azurin na gusto ni de Lima na mananatili sa Kampo Crame, "kaya nirerespeto natin yan."

Nagpasalamat din muli si Padilla kay PNP chief P/Gen. Rodolfo Azurin Jr. sa kanyang apology sa hindi tamang paggamit ng salitang "Muslim" ng ilang pulis para tumukoy sa mga hostage-taker noong Linggo.

Aniya, hindi na kailangan magbigay ng apology si Azurin pero ginawa pa rin niya at nagpakumbaba siya.


Robin Visits former Senator de Lima at Camp Crame

Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla visited former Sen. Leila de Lima at the Philippine National Police General Hospital in Camp Crame on Wednesday to reassure her that criminality and terrorism are not part of the teachings of Islam.

Padilla said his visit was not as a senator but as a Muslim and a fellow Bicolano, adding he wanted to drive home the message that what Abu Sayyaf members who held her hostage last Sunday did not act in accordance with Islam.

"Gusto ko po iparating sa kanya, kung anumang ginawa nitong Abu Sayyaf, ang nagawa nilang hindi maganda, nagawa nilang kaguluhan, terorismo o pananakot, yan ay hindi katuruan ng Islam (I wanted to stress that whatever these Abu Sayyaf members did wrong, that was not the teaching of Islam)," he said.

"Yan ang mensahe na aming pinadala kay Sen. de Lima na isang Bikolano din ako, na talagang ako ay nalungkot din at nabigla din at nagpapasalamat din po sa PNP sa aking kababayan na Igorot na naging bayani sa pangyayaring ito (That is the message I wanted to relay to Sen. de Lima who like me is a Bicolano. I was saddened and surprised over what happened. But I thank the PNP and my fellow Igorot who played the hero's role)," he added - referring to P/Cpl. Roger Agustin, who was wounded in Sunday's incident.

Padilla said he discussed the possibility of home furlough for de Lima but PNP chief P/Gen. Rodolfo Azurin Jr. said de Lima chose to stay in Camp Crame. "Kaya nirerespeto natin yan (So we respect that)," he said.

Padilla also thanked Azurin for his public apology over the improper use of the word "Muslim" by some policemen in referring to the hostage-takers.

He said Azurin did not need to give an apology yet was humble enough to give it.

News Latest News Feed