Press Release
October 27, 2022

DOE must set order, direction for PNOC family -- Gatchalian

The Department of Energy (DOE) should put the Philippine National Oil Company (PNOC) and its subsidiaries in order and set guidance for the state-owned company amid ineffective performance of its mandate.

Gatchalian noted that PNOC was created in 1973 primarily to provide an adequate supply of petroleum products to meet domestic requirements as well as promote the exploration and development of local petroleum sources. However, PNOC and its subsidiaries have been unable to effectively conduct activities in line with their respective mandates.

The lawmaker noted that PNOC companies are stuck in a quagmire. For instance, PNOC Renewables Corp. (PNOC RC) has incurred P380 million in losses since 2013 while PNOC-Exploration Corp. (PNOC EC) has failed to produce oil and gas outside of the Malampaya gas field.

Similarly, PNOC'S targeted fuel relief program (TFRP), which aims to aid the most vulnerable fuel-consuming sectors during periods of fuel supply disruption or high volatility in prices, has been rendered useless by the Pantawid Pasada Program.

The same can be said about PNOC's strategic petroleum reserve (SPR) which has been put on hold like the TFRP. The SPR was conceptualized as a strategic oil stockpile to ensure long-term stability and security of oil supply in the country. Further, PNOC's energy supply base (ESB) project, intended to provide world-class energy supply base port facilities, has not been carried out successfully many years after its inception, according to Gatchalian.

"Kailangan nating palakasin ang mandato ng PNOC dahil malaking tulong sa ating ekonomiya kung magkakaroon tayo ng sarili nating mapagkukunan ng langis para hindi nakasalalay sa pag-angkat natin ng produktong petrolyo ang suplay at presyo dito sa bansa," Gatchalian said.

"The importance of government presence in the field of oil exploration and development cannot be overemphasized especially as the country deals with energy-related challenges coming from external forces. It is high time the energy department provides a focused direction for PNOC," he added.


Gatchalian hinimok ang DOE na magtakda ng kaayusan, direksyon para sa PNOC

Dapat isaayos ng Department of Energy (DOE) ang Philippine National Oil Company (PNOC) at mga subsidiary nito at magtakda ng patnubay para sa kumpanya sa gitna ng hindi epektibong pagganap ng mandato nito, ayon kay Senador Win Gatchalian.

Ayon sa senador, ang PNOC ay nilikha noong 1973 para siguraduhin ang sapat na suplay ng mga produktong petrolyo at matugunan ang mga pangangailangan sa loob ng bansa at para itaguyod ang exploration at pagpapaunlad ng mga lokal na mapagkukunan ng langis. Gayunpaman, hindi nagampanan ng PNOC at ang mga subsidiary nito ang epektibong pagsasagawa ng kanilang mga mandato.

Sinabi ng mambabatas na ang mga kumpanya at subsidiaries ng PNOC ay wala sa ayos. Halimbawa, ang PNOC Renewables Corp. (PNOC RC) ay nakapagtala ng P380 milyon na pagkalugi mula noong 2013 habang ang PNOC-Exploration Corp. (PNOC EC) ay nabigong makapag-produce ng langis at gas, maliban sa Malampaya gas field.

Gayundin, ang target na fuel relief program (TFRP) ng PNOC, na naglalayong tulungan ang mga sektor na direktang apektado sa tuwing tumataas ang presyo, ay hindi na napakinabangan ng programang Pantawid Pasada.

Dahil dyan ay itinigil muna ang TFRP. Ganyan din ang nangyari sa strategic petroleum reserve (SPR) ng PNOC. Ang SPR ay binuo upang magtatag ng isang strategic oil stockpile upang matiyak ang seguridad sa suplay ng langis sa bansa. Bukod dito, ang energy supply base (ESB) ng PNOC, na naglalayong magbigay ng world-class energy supply base port facilities, ay hindi naman talaga naisakatuparan, ayon kay Gatchalian.

"Kailangan nating palakasin ang mandato ng PNOC dahil malaking tulong sa ating ekonomiya kung magkakaroon tayo ng sarili nating mapagkukunan ng langis at para hindi laging nakasalalay sa pag-angkat natin ng produktong petrolyo ang suplay at presyo dito sa bansa," dagdag ni Gatchalian.

"Ang kahalagahan ng presensya ng gobyerno sa larangan ng exploration at development ng langis ay napakahalaga lalo na't ang bansa ay humaharap sa mga hamon na may kinalaman sa enerhiya na nagmumula sa labas ng bansa. Panahon na para magbigay ang DOE ng maayos na direksyon para sa PNOC," pagtatapos niya.

News Latest News Feed