Press Release
November 20, 2022

Gatchalian's World Children's Day message: Sustain crackdown vs. online sexual abuse of children

Amid the global celebration of World Children's Day today, November 20, Senator Win Gatchalian is urging the government to sustain the momentum of its crackdown on online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC).

Considering the passage of two relevant laws, Gatchalian said that the government is now better equipped to combat OSAEC as well as other forms of child trafficking and abuse. These are the Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022 (Republic Act No. 11862) and the Anti-Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) Act (Republic Act No. 11930).

According to the study entitled "Disrupting Harm in the Philippines: Evidence on online child sexual exploitation and abuse," 20% of internet-using children aged 12-17 were victims of grave instances of online sexual exploitation and abuse during the past year. The study surveyed 950 children. When these findings are scaled to the population, up to 2 million children were subjected to these harms last year.

According to the study, the experiences of victims include being blackmailed to engage in sexual activities or being coerced to engage in sexual activities through promises of money and gifts.

Gatchalian also recalled how the COVID-19 pandemic increased children's exposure to OSAEC. In 2021, the Department of Justice (DOJ) reported that it has received more than 2.8 million reports on online sexual exploitation of children (OSEC), more than twice the nearly 1.3 million reports for 2020. The DOJ also reported that for last year, it launched official investigations on 268 OSEC cases, almost four times the 73 cases handled in 2020.

"Bahagi ng pagtataguyod natin sa kaligtasan at kapakanan ng mga kabataan ang pagtiyak sa kaligtasan ng internet, lalo na't ginagamit ito para sa iba't ibang uri ng karahasan at pang-aabuso. Nitong mga nakaraang buwan ay naipasa natin ang mga mahahalagang batas upang paigtingin ang pagsugpo sa pang-aabuso sa ating mga kabataan gamit ang internet," said Gatchalian.


Mensahe ni Gatchalian sa World Children's Day: Sugpuin ang online sexual abuse of children

Sa gitna ng pagdiriwang ng World Children's Day ngayong araw, Nobyembre 20, hinimok ni Senador Win Gatchalian ang gobyerno na panatilihin ang maigting na pagsugpo sa online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC).

Ani Gatchalian may dalawang bagong batas na lalo nagpapaigting sa kakayahan ng pamahalaan na sugpuin ang OSAEC at iba pang uri ng child trafficking at pang-aabuso laban sa mga kabataan. Ito ang Anti-Trafficking in Persons Act of 2022 o Republic Act No. 11862 at ang Anti-Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) Act o Republic Act No. 11930.

Ayon sa isang pag-aaral na pinamagatang "Disrupting Harm in the Philippines: Evidence on online child sexual exploitation and abuse," 20 porsyento ng mga kabataang gumagamit ng internet at may edad 12 hanggang 17 ang nakaranas ng matinding online sexual exploitation and abuse noong nakaraang taon. May 950 na kabataan ang nakilahok sa naturang survey. Kung itutugma ang resulta nito sa kabubuan ng populasyon, lalabas na aabot sa 2 milyong kabataang Pilipino ang nakaranas ng ganitong klaseng pang-aabuso at karahasan.

Ayon sa pag-aaral, ilan sa mga naranasan ng mga biktima ang pag-blackmail sa kanila upang pumayag silang gumawa ng mga malalaswang aktibidad. Ang iba naman ay pinipilit na gumawa ng mga sekswal na aktibidad kapalit ang pera at mga regalo.

Matatandaan ding tumaas ang panganib na kinaharap ng mga kabataan noong kasagsagan ng pandemya. Noong 2021, iniulat ng Department of Justice (DOJ) na may natanggap ito na ng halos tatlong milyon o 2.8 milyong ulat ng online sexual exploitation of children (OSEC), halos doble sa 1.3 milyong naiulat noong 2020. Iniulat din ng DOJ na noong nakaraang taon, naglunsad ito ng opisyal na imbestigasyon sa 268 na kaso ng OSEC, mas mataas ng halos apat na beses sa 73 na isinagawa noong 2020.

"Bahagi ng pagtataguyod natin sa kaligtasan at kapakanan ng mga kabataan ang pagtiyak sa kaligtasan ng internet, lalo na't ginagamit ito para sa iba't ibang uri ng karahasan at pang-aabuso. Nitong mga nakaraang buwan ay naipasa natin ang mga mahahalagang batas upang paigtingin ang pagsugpo sa pang-aabuso sa ating mga kabataan gamit ang internet," ani Gatchalian.

News Latest News Feed