Press Release
November 22, 2022

TRANSCRIPT OF INTERPELLATION
Senator Risa Hontiveros with DSWD Sec. Erwin Tulfo

Commission on Appointments
November 22, 2022

Senator Risa Hontiveros (SRH): Una po tungkol sa Expanded Solo Parents Welfare Law implementation na binanggit din ni Sec kanina. The effective implementation of the Expanded Solo Parent Welfare Act relies much on the gathering and consolidation of the solo parent database, and the DSWD is the repository of this database. Paano po iniintend ng DSWD i-harmonize yung solo parent registry mula sa listahanan data ng inyong department at yun naman records ng community-based monitoring system ng mga LGUs? At pwede bang makakuha ng timeframe para sa consolidation nitong database?

Sec. Erwin Tulfo (SET): Nainform na po namin Your Honor yung po DILG kasi manggaling po sa kanila yun sila po yung magbibigay yung mga local government units mga munisipyo sila ang magbibigay po ng listahan sa DILG kami po ay bibigyan ng DILG yun po inaantay namin and we have already informed them your Honor we asked them if pwede as much as possible they can do it they were asking to give them a few months, your honor.

SRH: Salamat, Mr. Chair. So yung sinabi po ng DILG na ibibigay nila sa department niyo within a few months, may estimate po ba kayo kung posibleng within the first quarter of next year ito?

SET: Sana po I believe that we will have to ask them again 'kailangan din naman yun your Honor para sa aming files sa aming system kasi po baka po may mga magrereklamo, mga magsusumbong lalo na sa mga retail industries sa mga tindahan kasi medyo yung mga solo parent po natin may mga discount sila na matatanggap actually sa mga tindahan.

SRH: Salamat Mr Chair Sec so kung sabihin natin best case scenario within first quarter maibigay ng DILG sa department niyo yung mga data nila posible ba within the second quarter maconsolidate na ng DSWD so by June ay pwede na po talagang masimulan na lahat ng solo parents na andun sa database niyo pakinabangan lahat ng benefits sa batas?

SET: Your Honor, kung pahintulutan niyo ako gagamitin ko yung pangalan niyo para kulitin yung DILG na ilabas po yung listahan within the first quarter your Honor.

SRH: Ok lang naman po Mr Chair Sec kasi di naman galit sa akin si Sec Abalos, at tulad ninyo alam din nila na tulad ni Majo at yung iba pang kasamahan dito ay authors po ng expanded solo parents welfare act. Salamat, Sec.

The DILG also has a mandate to Supervise LGUs to ensure that they are able to perform mandates that are assigned to them. They also have a program called the Seal of Good Local Governance that develops the indicators including for social protection mandates, based on which recognition and rewards for minimum compliance are given. Has the DSWD Secretary officially reached out to the DILG Secretary ulit to make sure that indicators for minimum compliance with the Solo Parents Act become part of the SGLG goals of Local Government Units?

SET: Actually your Honor, meron po kaming initial na usapin tungkol diyan pati na po kaming gagawin para mas extensive po yung usapan hinggil diyan within the next few weeks siguro palipasan lang po itong Christmas your Honor, para mailatag po ng maayos. Gusto talaga na iyan ay tatakbo ng smoothly gusto ko lang ipagdiin lang sayo your honor na yung hong gustong discounts na inaasam asam at inaantay ng mga solo parents para sa mga 0-6 years old hindi po makakapag-umpisa kasi wala pa daw yung sinasabi ng BIR ito yung aming tinututukan ngayon at kinukulit sila na kung pwede hindi makapagbigay ng discounts kailangan sa BIR po yun may approval ng BIR. So ito po yung tinututukan your Honor para ma-fully implement na itong expanded solo parents' welfare law.

SRH: Salamat, Mr Chair. And Im sure ma-appreciate din ng mga partner LGUs ng department maisaayos itong usapin with the BIr so yung pakinabang ng mga solo parents sa mga discounts na on the side of maging bahagi harinawa ito criteria para sa SGLG. Sabi niyo Sec within a few weeks o palipasin ang Pasko so posible po ba maganda kasi kung Enero pa lang unang buwan ng bagong taon ay kasama na ang compliance sa Expnaded Solo parents welfare act bilang criteria sa SGLG na alam ito ng mga LGUs. so posible kaya within the first months or month of the new year?

SET: Na-schedule na po yan we have already asked them inaantay po namin ang DILG hinggil po diyan so babalikan po namin sil ana kailangan na po talaga badly needed po yan kailangan pong ipatupad ang batas na yan alang ala sa mga kababayan natin sa solo parent.

SRH: At harinawa Sec maisama ang compliance doon sa SGLG criteria. In light of the various circumstances affecting the implementation of the 4Ps program, at narinig ko nga po Sec, binanggit niyo kanina yung ilang mga pangaabuso pagsusugal, gamit yung cash transfer, pagbebenta nung card, bagamat I would say Sec batay sa mga documentation, minority lang po ito, ang majority po ng mga 4Ps parent leaders lalo na ay compliant po talaga. Kaya nakapagtapos po sila at ang department sa pamamagitan ng 4Ps ng maraming nagtapos sa mga high school bilang valedictorian at salutatorian at saka mga yun mga scholars sa SUCs. So in light of various circumstances, including those, I filed Senate Resolution 218 calling for the convening of the 4Ps Oversight Committee. This Oversight Committee shall initiate the sunset review of the program. Maari pong mairinig kay Sec, dagdag po sa sinagot niyo kay Majo, yung inyong assessment sa 4Ps programs, ano yung mga current plans sa implementasyon at mga reporma, mga innovations na gusto ninyon isulong?

SET: Susuportahan namin yan, yung inyong panukala o yung resolusyon na iyan kasi kailangan ko kung ako yung tatanungin personally as Sec of DSWD kailangan po talagang idiin ang 4Ps po natin kung talaga ito ay effective, effective naman po siya Madam Chair unfortunately iyon nga sinabi ko meron lang ifine tune po diyan po sa 4Ps kasi kagaya ng sinasabi na marami kasi biglang nawawala na lang your Honor hindi naman nagpapaalam eh sa IRR po yun sa batas yun na kailangan magpaalam po sila pagkatapos bigla na lang magususmbong magrereklamo pupunta sa social media bakit hindi raw sila natanggap eh wala na kasi sila doon sa kanilang tinitirahan iba na yung kanilang ika nga tirahan yung iba po nagabroad po yun ang ating kailangan natin ifind out your honor, kasi yung iba po pinapasa nila nagiging OFW pinapasa nila sa nanay nila dapat hindi na sila kasali yun yung dapat kailagan linawin po natin sino ba ang ppwede OFW sinasabi po ng iba eh wala pa naman kaming 25,000 less ang kinikita namin, OFW pero may anak pa rin ako, hanggang ilang hanggang anong grado kasi kung may anak sila na anim ya yung sinasabi natin so kung nakagraduate na yung eldest hanggang sa bunso po kailangan ba tuloy tuloy sila? eh kung ganun ang mangyayari your honor sosobra po sila sa sa limit ng 7 years lamang na ipinasa po ng Kongreso.

SRH: Salamat Sec, Mr. Chair I think moving forward mga importanteng tanong at isyu po iyon na kailangan talakayin ng department at sa anumang suporta maibibigay ng lehislatura, interesting po for exmaple ni Sec na tungkol sa gaano katagal naalala ko po tuloy na maging dito sa kaninang napag-usapan nating expanded solo parents welfare law ay inextend po yung unang pakinabang hanggang 18 years old lamang sa 22 years old so in any case, progressive yung legislation at may mga input o payo mula sa executive ay mas napapaganda po namin yung batas at ng executive yung implementation nito. I'll leave it at that for now.

News Latest News Feed