Press Release
November 28, 2022

Gatchalian assails PAGCOR for lack of comprehensive growth strategy for POGOs

Senator Win Gatchalian assailed the Philippine Amusement Gaming Corp. (PAGCOR) for its failure to come up with a relevant and comprehensive plan on how to grow the Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) even as it calls for their continued presence in the country.

"Despite having taken a stand supportive of POGOs, it has become clear that PAGCOR lacks a thorough appreciation of the industry. Given many uncertainties relating to the industry, we cannot gamble on our peace and order, life, and liberty, and just cross our fingers that everything will work out fine," Gatchalian said.

According to him, the four-page roadmap of PAGCOR for the POGO industry presented at a hearing conducted by the Senate Committee on Ways and Means lacks any basis and context.

Unfortunately, PAGCOR's roadmap for the POGO industry does not have any of these details. At best, the roadmap is a mere wish list and at worst, plain rubbish," said Gatchalian, who chairs the committee.

PAGCOR's roadmap for the POGO industry sets a P10.227 billion revenue target by 2027, increasing from a projected income of P2.38 billion for the year, and a target of P3.45 billion in 2023, P4.84 billion in 2024, P6.29 billion in 2025 and P7.86 billion in 2026. According to PAGCOR, the components of the roadmap include intensifying inter-agency cooperation, encouraging more POGO hubs, increasing the number of licensees, and eliminating social ills.

Gatchalian took note, however, that while the roadmap is quite ambitious, PAGCOR lacks relevant data on the industry, such as total revenues from POGO operations across the globe, total number of operators, current market share of the country against its competitors, and other relevant information, that would enable the gambling regulator to make correct market assumptions and make suitable plans.

"Importante na naiintindihan nang husto ng PAGCOR bilang operator, bukod sa pagiging regulator, ang industriya ng POGO upang matimbang natin ang mga benepisyo kontra sa mga problemang dulot ng kanilang operasyon sa bansa. Nakakalungkot na walang matibay at komprehensibong plano ang PAGCOR kung paano palaguin ang industriya," Gatchalian said.

The Senate hearing is aimed at weighing the economic benefits derived from POGO operations in the country in the face of reported rise in criminality attributed to the industry.


Gatchalian binatikos ang PAGCOR dahil sa kawalan ng plano sa POGO

Binatikos ni Senator Win Gatchalian ang Philippine Amusement Gaming Corp. (PAGCOR) dahil sa kabiguan nitong makabuo ng isang komprehensibong plano kung paano palaguin ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa kabila ng posisyon nito na payagan silang manatili sa bansa.

"Sa kabila ng paninindigan ng PAGCOR na suportahan ang pananatili ng mga POGO, lumalabas na kulang ang PAGCOR sa masusing pagpapahalaga sa industriya. Dahil sa mga isyu sa industriya na walang katiyakan kung matutugunan, hindi natin dapat isugal ang ating kapayapaan at kaayusan, buhay, at kalayaan, at umasa na lang na magiging maayos ang lahat," sabi ni Gatchalian.

Ayon sa senador, walang basehan at konteksto ang apat na pahinang roadmap para sa industriya ng POGO na kanilang isinumite sa isang pagdinig ng Senate Committee on Ways and Means.

Ang roadmap ng PAGCOR para sa industriya ng POGO ay nagtatakda ng P10.227 bilyon na target na kita sa 2027, mas mataas sa inaasahang kita na P2.38 bilyon ngayong taon, target na P3.45 bilyon sa 2023, P4.84 bilyon sa 2024, P6.29 bilyon sa 2025 at P7.86 bilyon sa 2026. Ayon sa PAGCOR, ang mga bahagi ng roadmap ay kinabibilangan ng pagpapaigting ng inter-agency cooperation, paghikayat sa mas maraming POGO hub, pagpaparami ng bilang ng mga lisensyado, at pagsugpo sa mga suliranin na dulot nito sa bansa.

Gayunpaman, napansin ni Gatchalian na bagama't maganda ang hangarin ng roadmap ay kulang ito sa detalye, tulad ng kabuuang kita mula sa POGO operations sa buong mundo, kabuuang bilang ng mga operators, kasalukuyang market share ng bansa laban sa mga kakumpitensya nito, at iba pang impormasyon na magbibigay-daan sa PAGCOR na gumawa ng naayon at angkop na plano para sa industriya.

"Importanteng naiintindihan nang husto ng PAGCOR bilang operator, bukod sa pagiging regulator, ang industriya ng POGO upang matimbang natin ang mga kontra sa mga problemang operasyon sa bansa. Nakakalungkot na walang matibay at komprehensibong plano ng PAGCOR kung paano palaguin ang industriya," Gatchalian said.

Ang pagdinig ng Senado ay naglalayong timbangin ang mga benepisyong pang-ekonomiya na nakukuha sa mga operasyon ng POGO sa bansa sa harap ng napaulat na pagtaas ng kriminalidad na iniuugnay sa naturang industriya.

News Latest News Feed