Press Release
December 4, 2022

Gatchalian seeks to enhance consumer protection amid frenzied Christmas shopping

As consumer spending accelerates ahead of Christmas and New Year festivities, Senator Win Gatchalian is seeking to amend the Consumer Act of the Philippines (Republic Act No. 7394) to strengthen the rights of consumers and enhance measures designed to protect them.

"It is important that consumers are empowered to make well-informed decisions as they choose products and services for themselves and their loved ones as this will also empower legitimate enterprises to grow their businesses," Gatchalian said, as he filed Senate Bill 942 or The Enhanced Consumer Act.

Among the amendments include requiring English or Filipino translation of product labels written in foreign characters or languages before they are allowed to enter the country. This would also enable authorities to determine whether the product has complied with all other labeling requirements and provide consumers with proper guidance on the contents and origin of the product.

The proposed measure also seeks to expand authority to close down establishments caught in flagrante delicto (in the act of committing a misdeed) selling substandard and hazardous products.

Further, the bill also seeks an expansion of regulation on protection from aggressive marketing promotions that significantly impair the average consumer's freedom of choice on the purchase of a product and service.

"Ang panukalang batas na ito ay naglalayon na lalo pang palakasin ang karapatan ng konsyumer sa bansa at isulong ang maayos na pamantayan ng kalakalan para sa buong ekonomiya," Gatchalian said.

The proposed measure provides for the adoption of policies that would take into account the 8 basic consumer rights namely the right to basic needs, right to choose, right to representation, right to redress, right to consumer education, right to safety, right to a healthy environment, and right to information.

The bill also spells out responsibilities that consumers need to exercise. These are critical awareness, consumer action to assert and ensure that their rights are protected and not exploited, and social concern or becoming more aware of the impact of the consumption on other citizens, environmental awareness, and solidarity.


Paigtingin ang proteksyon ng mga mamimili ngayong Christmas rush --Gatchalian

Sa gitna ng biglaang dagsa ng mga mamimili bago sumapit ang pasko, sinabi ni Senador Win Gatchalian na sa ganitong panahon ay hindi dapat naaabuso ang karapatan ng mga mamimili, bagkus dapat ay nabibigyan pa nga ng proteksyon.

Kaugnay nito, sinabi ng senador na nais niyang maamyendahan ang Consumer Act of the Philippines (Republic Act No. 7394) upang palakasin ang karapatan ng mga mamimili at pahusayin ang mga hakbang na dinisenyo upang protektahan sila. Inihain niya ang Senate Bill 942 o Enhanced Consumer Act.

"Mahalaga na bigyan ng kapangyarihan ang mga konsyumer kaugnay sa pamimili para sa kanilang sarili at sa kanilang mga mahal sa buhay dahil kaakibat nito ang pagbibigay ng kapangyarihan sa mga negosyante na mapalago ang kanilang mga negosyo," sabi ni Gatchalian.

Ani Gatchalian kailangang magkaroon ng Ingles o Filipino translation sa label ng mga produkto na nakasulat sa foreign characters o wikang banyaga bukod sa Ingles bago ito payagang makapasok sa bansa. Ito ay magbibigay-daan din sa mga awtoridad na matukoy kung ang mga produkto ay sumusunod sa labeling requirements upang mabigyan ang mga mamimili ng wastong gabay sa mga produktong binibili nila.

Ang panukalang batas ay naglalayong palawigin ang awtoridad na ipasara ang mga establisyimento na mahuhuli sa aktong nagbebenta ng mga substandard at mapanganib na mga produkto.

Hangad din ng panukalang batas na palawakin ang regulasyon sa proteksyon ng mga mamimili laban sa anumang marketing promotions na nakakapinsala sa kalayaan ng karaniwang mamimili sa pagpili ng mga produkto at serbisyo.

"Ang panukalang batas na ito ay naglalayon na lalo pang palakasin ang karapatan ng konsyumer sa bansa at lalo na ang maayos na pamantayan ng kalakalan para sa buong ekonomiya," Gatchalian said.

Ang naturang panukala ay nagpapatibay ng mga patakaran na magsasaalang-alang sa walong pangunahing karapatan ng mga mamimili tulad ng karapatan sa pangunahing pangangailangan, karapatang pumili, karapatan sa representasyon, karapatang tumubos, karapatan sa edukasyon ng mamimili, karapatan sa kaligtasan, karapatan sa isang malusog na kapaligiran, at karapatan sa impormasyon.

Nakasaad din sa panukalang batas ang mga responsibilidad ng mga mamimili kabilang dito ang aksyon nila na tiyakin na ang kanilang mga karapatan ay protektado at hindi napagsasamantalahan.

News Latest News Feed