Press Release
December 21, 2022

Gatchalian seeks creation of national traffic enforcement and management center

Senator Win Gatchalian is seeking the establishment of a national traffic enforcement and management center for an efficient traffic enforcement and road safety policy.

"Mahalaga na meron tayong maayos na sistema ng traffic management sa bansa para sa kaligtasan ng mga motorista at pasahero at maayos na daloy ng trapiko sa mga kalsada lalo na tuwing kapaskuhan at dagsa ang mga tao sa tuwing may mall sale," the senator stressed.

Gatchalian's Senate Bill No. 1059 or An Act Establishing the National Traffic Enforcement and Management Center (Traffic Center), aims to build the capacity of traffic enforcers by providing them training in all areas of traffic enforcement and management including traffic engineering, road safety, accident investigation, driver training, post-accident management, and understanding violations.

The proposed traffic center, which shall be attached to the Department of Transportation (DOTr), shall be the primary training center for all traffic enforcement personnel in the country. This means that a certification from the center shall be necessary for the deputization of traffic enforcement personnel of local government units.

"A properly trained traffic enforcer coupled with the best practices in the enforcement of traffic laws will ensure a safer road for the public, particularly to motorists and pedestrians, and better traffic management system," said Gatchalian, emphasizing that traffic enforcers play a vital role in maintaining public order and road safety.

The proposed measure also aims to undertake road safety audits on highways and road transportation projects and traffic management schemes to identify road risks and hazards.

The bill also seeks to train the public in the basics of road traffic laws, drive education and behavior, the current status of road environment and enforcement, and causes and hazards that lead to road accidents.

The proposed measure also seeks to enable the "Traffic Center" to scientifically research the causes and consequences of road collisions and accidents as well as prepare effective systems for their analyses in order to provide remedial measures.


Pagtatag ng national traffic enforcement management center iminumungkahi ni Gatchalian

Iminungkahi ni Senador Win Gatchalian ang pagtatatag ng isang pambansang traffic enforcement at management center para sa isang mahusay na pamamahala ng trapiko at patakaran para sa kaligtasan sa kalsada.

"Mahalaga na meron tayong maayos na sistema ng traffic management sa bansa para sa kaligtasan ng mga motorista at mga pasahero at para sa maayos na daloy ng trapiko sa mga kalsada lalo na tuwing kapaskuhan at dagsa ang mga tao sa tuwing may mall sale," ani Gatchalian.

Ang Senate Bill No. 1059 o An Act Establishing the National Traffic Enforcement and Management Center (Traffic Center) na panukala ni Gatchalian ay naglalayong palakasin ang kapasidad ng mga traffic enforcer sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pagsasanay sa lahat ng larangan ng pamamahala ng trapiko kabilang ang traffic engineering, kaligtasan sa kalsada, aksidente, pagsisiyasat, pagsasanay sa pagmamaneho, post-accident management, at pag-unawa sa mga paglabag.

Ang iminungkahing traffic center, na ikakabit sa Department of Transportation (DOTr), ay magiging pangunahing training center para sa lahat ng traffic enforcement personnel sa bansa. Nangangahulugan ito na kailangan ang isang sertipikasyon mula sa naturang center para sa deputization ng traffic enforcement personnel ng local government units.

"Ang isang properly-trained na traffic personnel na dumaan sa sinasabing best practices sa pagpapatupad ng batas trapiko ay magbibigay kasiguruhan ng kaligtasan sa kalsada para sa publiko, lalo na sa mga motorista at pedestrian, at mas mahusay na sistema ng trapiko," sabi ni Gatchalian, na nagbigay-diin na ang mga traffic enforcer ay may malaking papel sa pagpapanatili ng kaayusan ng publiko at kaligtasan sa kalsada.

Ang panukalang batas ay naglalayon ding magpatupad ng road safety audits sa mga highway, mga proyektong may kinalaman sa transportasyon, at sa pamamahala ng trapiko upang matukoy ang mga panganib sa kalsada.

Layon din ng naturang panukala na sanayin ang publiko sa mga pangunahing kaalaman sa mga batas trapiko, tamang edukasyon at asal para sa mga drivers, kalagayan ng mga kalsada at pagpapatupad ng batas, at mga sanhi at panganib na humahantong sa mga aksidente sa kalsada.

Nais din ni Gatchalian na sa pamamagitan ng kanyang panukalang "Traffic Center", makakapagsaliksik ng mga sanhi at bunga ng mga banggaan at aksidente sa kalsada gayundin ang paghahanda ng mga epektibong sistema para sa kanilang mga pagsusuri upang makapagbigay ng mga solusyon.

News Latest News Feed