Press Release
January 18, 2023

After 10 years, Jinggoy wants Batas Kasambahay amended to further safeguard workers, employers

AFTER 10 years of its implementation, Senator Jinggoy Ejercito Estrada has set his sights on further strengthening the Batas Kasambahay, this time providing safeguard measures to employers and their families from domestic workers with "criminal minds."

"The enactment of Batas Kasambahay, a landmark legislation governing the rights and liabilities of both house helps and their employers, was a long and arduous one. It took years and several Congresses before it was finally passed into law," said Estrada, principal author and sponsor of RA 10381, otherwise known as the "Domestic Workers Act."

"While we have seen its benefits for the kasambahays, there is a need to provide equal protection to their employers given the fact that the nature and place of their work are so intimate to the latter," he added.

In revisiting the RA 10361 also called "Batas Kasambahay" which was signed into law on January 18, 2013, Estrada introduced provisions in his Senate Bill No. 456 establishing greater responsibility and accountability on private employment agencies (PEA).

The PEAs, he said, must ensure that the domestic helper that they recruit and refer to employers have no criminal records.

Estrada said PEAs shall have the responsibility to ensure that there is sufficient information, such as bonafide residence and family background, through actual verification and supported by relevant documents, among them clearances from barangay, police, and the National Bureau of Investigation (NBI) and birth certificates.

The senator also introduced a sub-section in Section 36 stating the liabilities of PEAs in relation to any criminal act committed by the domestic helper in the first year of employment.

Such accountability shall cease after one year from the first day of the domestic worker's employment with the employer, he said.

"Matapos ang isang dekada ng pagpapatupad nitong Batas Kasambahay, nakita natin na kailangang paigtingin ang proteksyon maging ng mga employer mula sa mga mapagsamantala at kawatang nagkukunwaring mamasukan na kasambahay," said Estrada.


Jinggoy nais paigtingin ang proteksyon ng mga employers sa ilalim ng Batas Kasambahay

SAMPUNG taon matapos maisabatas Batas Kasambahay na pangunahing isinulat ni Senador Jinggoy Ejercito Estada, isinusulong naman ngayon ng mambabatas ang pag-aamyenda ng batas upang bigyan ng karampatang proteksyon ang mga employers at kanilang mga pamilya mula sa mga namamasukang domestic helper na may criminal record.

"Ang Batas Kasambahay, na isang landmark legislation na naglalatag ng mga karapatan at pananagutan sa batas ng mga kasambahay at kanilang mga employer, ay dumaan sa masusing proseso sa loob ng ilang taon bago ito naging isang ganap na batas," ani Estrada, punong may-akda at sponsor ng RA 10361 na kilala rin sa tinatawag na "Domestic Workers Act" at naging ganap na batas noong Enero 18, 2013.

"Bagama't nakita natin sa mga nakalipas na taon ang mga benepisyo nito para sa mga kasambahay, may mga pangangailangan para paigtingin ang pagbibigay proteksyon sa mga employer," dagdag niya.

Ipinapanukala ni Estrada ang pagrepaso ng RA 10361 sa pamamagitan ng kanyang ipinasang Senate Bill No. 456 na nagrerekomenda ng pagtatatag ng mas mabigat na responsibilidad at pananagutan sa mga private employment agencies (PEAs).

Aniya, dapat tiyakin ng mga PEAs na walang criminal record ang kasambahay na kanilang tinatanggap at nirerekomenda sa mga employer.

Dagdag pa ni Estrada na ang mga PEAs ay may pananagutan sa pagtiyak ng sapat na impormasyon, katulad ng tirahan at family background at pagsasagawa ng aktwal na beripikasyon at kaukulang dokumento kabilang ang mga clearance barangay, pulis, at National Bureau of Investigation (NBI) pati na rin ang birth certificate.

Sa kanyang ipinapanukalang sub-section sa Section 36 ng nasabing batas, nakasaad dito na may kakaharaping pananagutan sa batas ang mga PEAs sakaling makagawa ng anumang krimen ang kasambahay na kanilang inirekumenda sa unang taon ng paninilbihan.

Wala nang responsibilidad ang mga PEAs matapos ang unang taon ng paninilbihan, ayon kay Estrada.

"Matapos ang isang dekada ng pagpapatupad nitong Batas Kasambahay, nakita natin na kailangang paigtingin ang proteksyon maging ng mga employer mula sa mga mapagsamantala at kawatang nagkukunwaring mamasukan na kasambahay," sabi ni Estrada.

News Latest News Feed