Press Release
February 5, 2023

Gatchalian seeks Senate inquiry on implementation of anti-bullying law

Senator Win Gatchalian has filed a resolution seeking a Senate inquiry on the status of the implementation of the Anti-Bullying Act of 2013 (Republic Act No. 10627) to address the alarming incidence of bullying in the country's schools to recommend policy and legislative interventions for its effective enforcement.

Gatchalian filed Proposed Senate Resolution No. 454 following a series of incidents related to bullying in schools, including a fatal stabbing involving two students from Culiat High School in Quezon City and the physical altercation between two Ateneo de Davao University students.

Gatchalian emphasized how bullying adversely affects the performance of learners. Results of the 2018 Programme for International Student Assessment (2018) show that among 15 year-old learners from 79 participating countries, Filipino learners are the most exposed to bullying with 65% of them experiencing bullying at least a few times a month.

The assessment also showed that learners who reported being threatened scored 56 points lower in Reading compared to those who had no or less frequent experiences.

The Chairman of the Senate Committee on Basic Education pointed out that a comprehensive analysis and gap review of Republic Act No. 10627 is needed. He pressed the need to ensure that every school is effectively implementing procedures described in the anti-bullying law, including immediate responses, reporting, fact-finding and documentation, intervention, and disciplinary measures.

The Department of Education (DepEd) Order No. 55 s. 2013 or the Implementing Rules and Regulations (IRR) of Republic Act No. 10627 designates the Child Protection Committee (CPCs) as the Anti-Bullying Committee, which will handle bullying cases in public or private schools. The forming of CPCs in every public and private school was first mandated by DepEd Order No. 40 s. 2012 or DepEd's Child Protection policy, which promotes zero tolerance on abuse and violence against children.

"Sa gitna ng nakakaalarmang mga insidente ng bullying at karahasan sa ating mga paaralan, napapanahon ang pagsusuri natin sa umiiral na batas upang matiyak na maitataguyod natin ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga mag-aaral. Kailangang masugpo natin ang bullying sa ating mga paaralan, lalo na't nagdudulot ito ng pinsala sa kanilang pag-aaral at mental health," said Gatchalian.


Pagrepaso sa pagpapatupad ng anti-bullying law isinusulong ni Gatchalian

Inihain ni Senador Win Gatchalian ang isang resolusyon upang repasuhin ng Senado ang pagpapatupad ng Anti-Bullying Act of 2013 o Republic Act No. 10627. Layunin ng panukalang pagrepaso na matugunan ang nakakaalarmang mga insidente ng bullying sa mga paaralan at magpanukala ng mga kinakailangang polisiya at mga legislative intervention para sa epektibong pagpapatupad ng nasabing batas.

Inihain ni Gatchalian ang Proposed Senate Resolution No. 454 kasunod ng ilang mga insidenteng may kinalaman sa bullying sa mga paaralan. Kabilang sa mga insidenteng ito ang pananaksak sa isang estudyante ng Culiat High School sa Quezon City na kinasangkutan ng isa ring estudyante ng paaralan. Ang pinakahuli ay ang alitan sa pagitan ng dalawang mag-aaral sa Ateneo de Davao University.

Binigyang diin ni Gatchalian ang pinsalang dulot ng bullying sa performance ng mga mag-aaral. Batay sa resulta ng 2018 Programme for International Student Assessment (PISA) kung saan lumahok ang 79 na bansa, ang mga Pilipinong mag-aaral na 15-taong gulang ang may pinakamaraming karanasan sa bullying. Ayon sa pag-aaral, 65% sa kanila ang nakaranas ng bullying ng ilang beses sa isang buwan.

Lumabas din sa pag-aaral na mas mababa ng 56 points sa Reading o Pagbasa ang mga mag-aaral na nakakatanggap ng mga banta kung ihahambing sa mga mag-aaral na kakaunti o walang karanasang tulad nito.

Ayon sa Chairman ng Senate Committee on Basic Education, kinakailangan ng masusing pag-aaral kung mabisa nga ba ang Republic Act No. 10627. Aniya, kailangang tiyakin na epektibong pinapatupad ng bawat paaralan ang mga mekanismong nakasaad sa batas, kabilang ang agarang pagtugon, pag-ulat, pagkalap ng impormasyon, pag-dokumento, at pagdidisiplina.

Sa ilalim ng Department of Education (DepEd) Order No. 55 s. 2013 o ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act No. 10627, magsisilbing Anti-Bullying Committee ang Child Protection Committees (CPC) sa mga paaralan.

"Sa gitna ng nakakaalarmang mga insidente ng bullying at karahasan sa ating mga paaralan, napapanahon ang pagsusuri natin sa umiiral na batas upang matiyak na maitataguyod natin ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga mag-aaral. Kailangang masugpo natin ang bullying sa ating mga paaralan, lalo na't nagdudulot ito ng pinsala sa kanilang pag-aaral at mental health," ani Gatchalian.

News Latest News Feed