Press Release February 6, 2023 Alan, Pia help resolve family dispute in premiere of public service program Emotions ran high during the pilot episode of Cayetano in Action with Boy Abunda or CIA with BA, the newest public service program on GMA 7 featuring veteran lawmakers Senator Alan Peter, Senator Pia Cayetano, and the country's King of Talk Boy Abunda. On its premiere episode on February 5, 2023, the program took on a family dispute where a wife was suspecting her husband of having an affair with their niece. This was coupled with the additional accusation that the niece was getting more financial support from the husband than the wife. The husband, however, maintained that there was no affair to speak of and that the alleged financial support to his niece was in fact short-term loans that he was providing to her. Sympathizing with the women involved, Senator Pia said the husband should have more consideration for his wife's feelings and that of his own family because their suspicions might be coming from a place of fear or insecurity. "Kaya niyo po bang intindihin na kaya ganyan ang asawa niyo ay dahil nakaramdam na siya na nasaktan siya dati, kaya kapag nalaman niya na may binibigyan kayo ng pera nang patago sa kanya, mapapaisip siya na 'Naku, baka nangyayari na naman,'" she said. Senator Alan, meanwhile, advised all the parties involved to strive towards forgiveness, and that this could only be achieved when everyone involved owns up to their shortcomings and commits to making up for them. "Madaling magbati na temporarily lang, pero talagang y'ung resolution kasama din dyan ang repentance. Ang asawa kung tingin niya guilty ka talaga, hindi ka niya mapapatawad nang hindi mo inaamin in public, kasi napahiya na rin siya dahil sa 'yo e," he said. "It is only the truth that will settle this, but we are grateful that they shared their lives with us," he added. With the help of the CIA with BA production staff, the conflicting parties were brought before the Lupong Tagapamayapa of Barangay Lower Bicutan in Taguig, where they were able reach an amicable settlement to their dispute. All parties involved also pledged to commit to the agreements set forth in their signed dispute settlement document. Last Sunday's episode marked Senator Alan Peter and Senator Pia's debut outing as on-air legal advisers, and future shows - airing Sundays at 11:30 p.m. on GMA 7 - will help viewers learn more about the country's laws and how they affected their daily lives. The sibling senators carry on the legacy of their late father and original Compañero of the airwaves Senator Rene Cayetano, who led and co-hosted the popular legal advice program Compañero y Compañera on radio and television from 1994 to 2001. Earlier in the episode, co-host Boy Abunda acknowledged Companero's legacy, saying the show CIA with BA was "inspired" by the late senator's body of work and impact on the Filipino popular consciousness. "Kuya Alan, Ate Pia, ang ipapangako natin is that we will work hard para maipagpatuloy ang legacy na naiwan ni Senator Rene," Abunda said. Alitan ng isang pamilya, inayos nina Sen. Alan, Sen. Pia Cayetano sa unang salang ng CIA with BA Naging madamdamin ang pilot episode ng Cayetano in Action with Boy Abunda o CIA with BA, ang pinakabagong public service program ng GMA 7 kasama ang mga beteranong mambabatas na sina Senator Alan Peter at Senator Pia Cayetano, at pati ang pambansang King of Talk na si Boy Abunda. Sa unang episode nito noong February 5, 2023, tinalakay sa programa ang alitan ng mga magkakamag-anak kung saan pinaghihinalaan ng isang babae ang kanyang asawa ng pakikiapid sa kanilang pamangkin nilang babae. Sinamahan pa ito ng akusasyon na pineperahan ng pamangkin ang kanyang tiyuhin. Bwelta ng lalaki, walang nangyayari sa pagitan nila ng kanyang babaeng pamangkin, at hindi siya namimigay ng pera sa kanya kundi pinapautang lang daw niya ito. Nakisimpatya si Senador Pia sa mga babaeng sangkot sa alitan, at pinaalalahanan niya ang lalaki na dapat mas intindihin niya ang mga damdamin ng kanyang asawa at ng sarili niyang pamilya. Dagdag pa ng senadora, maaaring nanggagaling ang mga pagdududa ng asawang babae sa nakaraang mga pangyayari na nagdulot ng takot o insecurity sa kanya. "Kaya niyo po bang intindihin na kaya ganyan ang asawa niyo ay dahil nakaramdam na siya na nasaktan siya dati, kaya kapag nalaman niya na may binibigyan kayo ng pera nang patago sa kanya, mapapaisip siya na 'Naku, baka nangyayari na naman,'" aniya. Samantala, pinayuhan naman ni Senador Alan ang magkabilang panig na magpatawaran, ngunit mangyayari lamang daw ito kung ang lahat ng sangkot sa alitan ay umamin sa kanilang mga pagkukulang at magsikap na makabawi sa mga ito. "Madaling magbati na temporarily lang, pero talagang y'ung resolution kasama din dyan ang repentance. Ang asawa kung tingin niya guilty ka talaga, hindi ka niya mapapatawad nang hindi mo inaamin in public, kasi napahiya na rin siya dahil sa 'yo e," aniya. "It is only the truth that will settle this, but we are grateful that they shared their lives with us," dagdag niya. Matapos mamagitan ang CIA with BA sa nag-aalitang magkaanak, isang amicable settlement ang pinirmahan nila sa harap ng Lupong Tagapamayapa ng kanilang barangay sa Lower Bicutan, Taguig. Ang dalawang panig ay kusang-loob na nagkasundong ayusin ang kanilang alitan at nangakong tutupad ng buong katapatan sa kanilang mga napag-usapan. Ito ang kauna-unahang paglabas nina Senator Alan Peter at Senator Pia bilang mga on-air legal advisers. Sa mga susunod na episode - na pinapalabas kada Linggo, 11:30 p.m. sa GMA 7 - matututunan pa ng mga manonood ang mga batas ng bansa at paano ito nakakaapekto sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Itinutuloy ng magkapatid na senador ang legacy ng kanilang yumaong tatay at original Compañero na si Senator Rene Cayetano. Matatandaang pinangunahan at naging co-host ang nakatatandang Cayetano ng popular na legal advice program Compañero y Compañera sa radyo at telebisyon mula 1994 hanggang 2001. Naunang sinabi ng co-host na si Boy Abunda na "inspired" daw ng legacy ni Compañero Rene Cayetano ang CIA with BA, gawa na rin daw ng impact nito sa buhay ng maraming Pilipino at sa kulturang popular ng bansa. "Kuya Alan, Ate Pia, ang ipapangako natin is that we will work hard para maipagpatuloy ang legacy na naiwan ni Senator Rene," ani Abunda. |
Thursday, April 17
Wednesday, April 16
Tuesday, April 15
|