Press Release
February 6, 2023

Transcript of Interview in PolitiSkoop
Senator Risa Hontiveros with Michael Fajatin and Ina Andolong in PolitiSkoop (Politiko)

Q: I'm sure you heard our intro, what are your initial thoughts about yung pagreresume ng joint patrolling ng Amerika at Pilipinas sa South China Sea. How do you think this will affect itong mga lalo na mga recent incidents again of Chinese vessels in Philippine territory?

SRH: Right. Well una ung mga recent incidents na yun nakakagalit talaga kasi tuloy-tuloy yung pambubully ng Tsina sa atin sa sarili nating karagatan, yung recent incident na doon malapit sa Mischief Reef eh siguradong nasa loob ng ating exclusive economic zone. Matagal na nating alam yung iba pa nilang ginagawa, yung pagpipigil sa ating mangingisda, makapangisda sa sarili nating territorial waters, yung pagbungkal nila sa ating seabed, para naman magtayo ng artificial islands sa loob ng West Philippine Sea at i-militarize ang mga ito para lalong palakasin ang kanilang false claim na itong mga karagatang ito ay nasa loob ng kanilang 9-dash line.

Lalo lang pinahihirapan ng Tsina tayo at iba pang claimant countries ng ASEAN dito sa South China Sea partikular sa ating West Philippine Sea na magsulong ng code of conduct in the South China Sea at iba pang mga rules-based na kasunduan dito sa ating karagatan. Eh sana batid ito ni Presidente at patotohanan nila ang kanilang sinabi na he will not give up one square inch of Philippine territory, i-apply na rin niya yung land-based measurement na yun sa ating karagatan. So sa ganyang konteksto ay welcome ang pagresume ng joint military exercises ng Pilipinas sa Estados Unidos as I would welcome joint maritime exercises unang-una na sa mga ka-miyembro natin sa ASEAn lalo na halimbawa Vietnam, Indonesia, kahit Brunei na nagpapakita sa atin ng mga proactive epektibo at mapayapa pa ring paraan ng pag-check sa Tsina at pagpilit sa kanya na magbehave.

I would also welcome joint maritime exercises kahit doon sa ibang mga formations tulad ng QUAD at sa iba ng naval powers na interesado rin sa rules-based na kasunduan dito sa West Philippine Sea at sa buong South China Sea.

Pero at ito yung malaking pero ibang usapin yung dagdagan yung lima nang sites sa ilalim ng EDCA o yung di ba Enhanced Defense Cooperation Agreement ng apat pa kasi palagay ko ni hindi pa yan usapin ng magagalit ba ang Tsina halos wala na akong pakialam kung magalit siya kasi siya yung gumagawa ng nakagagalit sa atin. Kung gusto natin, at ito ang gusto ko rin, kung gusto ng isang interdependent foreign policy mas maigi na wag nang balikan yung mga bahagi ng kasaysayan natin bilang dating kolonya ng Estados Unidos tulad ng hindi tayo papayag na magpasakop sa anumang paraan sa Tsina, pero magbuo nga tayo ng mutually-respectful at beneficial relationship sa lahat ng mga bansa na gagalangin din tayo tulad ng paggalang natin sa kanila. So talagang nag-aalala ako at palagay ko maiging alamin namin mabuti, kaming mambabatas, ano ba itong pagdagdag ng apat pang kampo o facilities di lang ng Pilipinas pati ng Estados Unidos sa ating bansa.

Q: Bago po dumagdag itong mga sinasabing dagdag-access bilang Pangulo, sabi nyo umaasa kayo, ako rin po, kasi may kamakailang pahayag po si Pangulong BBM sinasabi na mas madali na ngayon dahil mas matulin ang komunikasyon, within 5 minutes sabi nyang ganon may mayatawagang opisyal sa mga ganitong klaseng pangyayari. Hindi po ba pupwede na kung nakausap nyo ang mga ehekutibo, anyare? Ano pong tingin nyo po diyan, ma'am?

SRH: Di ko alam kung matagal na nilang pinag-uusapan at pinaghahandaan itong pagdagdag ng EDCA sites pero kung ito ay in the less probable scenario na ito ang reaksyon doon sa mga ginagawa ng Tsina sa atin at itong kamakailan lang, pinakarecent na pagtail nila sa isang vessel nila eh medyo exagge naman yung pagdagdag ng EDCA sites. At tayo ang magtantiya kung ano ang nasa best interest natin in the national interest at tayo ang magtakda ng mga terms of engagement hindi lang sa Tsina, di lang sa Estados Unidos, pero sa lahat pa ng mga bansa sa loob nitong ating teritoryo.

Q: What are your main apprehensions about increasing yung presence in nila sa ating military bases?

SRH: Alalahanin lang natin yung mapait na kasaysayan kahit noong formally independyente na tayo sa Estados Unidos pero nung mayroon pa silang military at naval bases dito partikular yung Clark at Subic at ung iba na mas maliit pa, naging mabigat siya sa ating pakiramdam at pagproject at yung realidad bilang isang independyenteng bansa.

Ang dami ring nangyaring mga paglabag sa karapatan ng mga Pilipino sa loob ng mga baseng iyon noon at pati sa labas na kahit noong wala. After na binoto down nag-no ang Senado noong 1991 sa renewal ng RP-US military bases agreement, historic talaga at dapat gunitain at ipagmalaki, kahit pagkatapos noon ay dumami pa rin ang mga insidente laban sa mga Pilipino sa kamay ng mga US military personnel yung nangyari kay Jennifer Laude, yung nangyari sa iba pa, hindi ko lang marecall immediately yung pangalan pero meron pa rin. And sa panahon lalo na ngayon na nakasulong na rin tayo, tatlong dekada na mula noong officially wala na yung military bases dito naconvert na sila, nagkaroon nga sila ng Bases Conversion and Development Authority na yung proceeds niya dapat talaga malaking ambag sa military modernization ng PNP ay aatras pa ba tayo?

Hindi ba ang mga hakbang ay pasulong, hindi paatras? At yung tinanong nyo rin kanina, hindi rin makakatulong sa palagay ko, sa pagpapalamig, sa pagde-escalate ng mga tension ngayon sa pagitan ng US at Tsina hindi lang dito sa West Philippine Sea pati sa palibot ng Taiwan at iba pa, so baka para sa ating bansa, regionally sa ASEAN pati globally baka kailangang i-rethink yung mga paraan ng pagbibigay ng mutual support na mga bansa sa isa't isa bukod dito sa mala-basing agreements na naman yung mga dagdag na access sites.

Q: Pababain po natin para sa kapakanan ng normal na pilipino kasi syempre mayroong nakikinig sa inyo, kayo alam ko at talagang binubuntutan din kayo hindi ng Tsina ng mga bashers, kung nasaan kayo bawat salita ni mam kasi kayo ang pangungahing lider ngayon ng oposisyon. Simplehan po natin, hindi po dahil mayroon tayong ganitong mutual defense agreement, EDCA, kung anu-ano man, itong mga sinasabing military exercises, hindi po gyera, ang ating pangunahing iniisip dito kundi kung ano mang salita ang gamitin, diplomasya ba, friendly relations ba, yung karapatang maigit yung hindi tayo nabubully, yung mga ganito po ma'am, ano po para sa mga mamamayan ang nais ba natin talaga?

SRH: Ang nais talaga natin at walang wala sa listahang yun ang giyera, ni hindi siya last option, wala siya sa mga options. At least sa inisyatibo natin hindi tayo, sa pananaw ko, hindi tayo ang mag-iinstigate ng anumang pamamaril o karahasan laban sa Tsina. In fact, all these years, siya ang nambubully sa atin, siya ang gumagawa sa atin hindi pa outright physical na violence bagama't naalala natin yung binangga niya yung isang shipment vessel natin tapos iniwan sa high seas. Ang kapitan at crew noon, mga Vietnamese pa ang sumagip sa kanila but all these years, kumbaga iba't ibang klaseng karahasan, kung hindi physical, over-all, yung psychological, environmental, economic laban sa ating mga mangingisda, so ang atin namang pangunahin palagay ko sa ating arsenal kumbaga na hindi marahas ay yung political at oo, diplomatiko gamit ang pinakamalakas na sandata natin, ang mapayapa ring sandata pero napakalakas yung panalo. natin sa Hague Tribunal.

Q: Let's talk more about ung pagbubuntot nga, kasi militia vessels pa talaga.. What do you think is going on? Why would they do that? And tama lang po ba palagay nyo ang naging reaksyon ng ating side? I think they just reported on it, hindi naman nila kinonfront or whatever. What do you think about that whole situation?

SRH: I think ang ginagawa ng Tsina, ay yung matagal na niyang ginagawa, ipinagpupumilit pa rin na sa kanilang diumanong 9-dash line sakop ang west philippine sea so umaastang as if doon sa palibot ng Mischief Reef na hindi tayo ang dapat magtaboy sa kanila. Nagpaparamdam sila na aprang kanila iyon at tayo ang walang karapatan doon kaya't binabantayan nila tayo sa tubig na iyon, baligtad eh.

Kahit paulit-ulit nilang itakwil ang Hague Tribunal Ruling kahit paulit-ulit nilang sabihin o gawin ang kasinungalingan na kanila yung bahaging iyon ng South China Sea, yung West Philippine Sea, hindi yan magiging totoo dahil ang buong mundo na ang nagsalita tungkol diuan sa pamamagitan ng Hague tribunal at sa pamamagitan ng sunud-sunod na pagsuporta din ng ibang mga bansa sa ating tagumpay doon, hindi lang ng Estados Unidos, kundi iba pang mga bansa dito sa Asya at sa iba pang continent o rehiyon ng mundo. I think pinagpupumilit lang talaga nila ang kanilang kawalang-karapatang assertion or claim pero tayo pa rin ang nasa tama at yung reaksyon natin, ng panig natin.

Well sa ngayon, habang isinusulong pa rin ng Armed Forces at Defense Department ung sinasabi nilang credible defense posture, at the very least ginawa na nila yung kaya nilang gawin, iulat ito, ireklamo, sigurado ako nagfile ng diplomatic protest ang ating department of foreign affairs hanggang sa ngayon so kailangang isustain natin yan at dagdagan pa sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga lalo na unang-una na sa mga kapwa ASEAN countries na like-minded sa atin para mas epektibo natin macheck, mapushback ang Tsina sa kanilang mga ganitong ginagawa.

Q: Ako ang gusto ko pong sabihin sa ating mga mamamayan, siguro ang pinakamadaling analogy dyan sa parking sa mall, Alam mo na yung parking sa mall, alam mo na ito yung pupunta ka, papark ka, pero bigla na lang tatayo na lang na tao doon parang sa kanya yung parking tapos makikipag-away ka, kakaiba talaga itong sa Tsina.

SRH: Sa iyo yun, kunwari yung sa mga parking sa persons with disability, reserved. Walang disability ang Pilipinas pero in fact, may lakas tayo sa Hague ruling, tapos sisingit sila doon, magpoposte.

Q: Gaano na po ngayon kahirap kasi kayo huling administrasyon, ngarag kayo, itong administrasyon ngarag kayo. May kakaiba po ba ang paninindigan, posturing, pahayag, at relations ng dating Pangulo, si Duterte sa China, at ito pong posturing ni Pangulong BBM naman sa China. May pagkakaiba po ba ang dating administrasyon sa ganang inyo sa ngayong administrasyon, o mas madali po ba? Ano po bang pagkakaiba?

SRH: Mayroon namang pagkakaiba at least sa pananalita at sa posturing na sana tumawid sa aksyon talaga, Kasi yung nakaraan umabot siya sa pagjoke na maging probinsya na lang daw tayo ng Tsina tapos ang daming mga aksyon na injurious sa national interest at para sa akin sa diwa, umabot sa treason kasama ang Tsina. Yung ngayon, ayon na nga gusto kong panghawakan yung sinabi ni Presidente na ni isang square inch na teritoryo ng Pilipinas at mukhang nagpipivot back siya sa Estados Unidos pero sana nga wag namang humantong sa tulad ng dating administrasyon na halos naging kolonya tayo ng Estados Unidos sa usapin ng foreign policy.

So ngayon sana ay mas isulong ni Presidente ang independent at interdependent foreign policy na bukas sa lahat basta't sila rin ay gumagalang sa atin tulad ng paggalang natin sa kanila so tingnan natin kung at saka kakaiba no, I mean, di tulad nung nakaraang administrasyong Duterte, ngayon nagbukas ulit sa joint military exercises, sa Estados Unidos sana nga hindi umabot sa dagdag access sites at sana magpaunlad ng mas maraming mutually-respectful and beneficial security relationships din sa iba pang mga bansa, unang-una na ang ASEAN.

Q: Last question na lang po sa topic na ito, ito pong diplomatic protest, sa senado po, ano po ba, kasi po naririnig ko po prang napupuno na nga po kayong lahat dahil kakaiba na nga po ang ginagawa ng mga vessels na ito, ano po ang magagawa ng Senado na pinakamatindi, sa ganang ganito pong pambubuntot, pangingialam, pang-aagaw, pmababangga, pang-aapi sa ating mga karagatan sa Pilipinas po.

SRH: Actually salamat sa tanong na yan kasi paalala din sakin. Pagkatapos noong huling privilege speech noong nakaraang taon ni Sen Francis, actually nagkaroon ng desisyon ang Senado maglalabas kami ng resolusyon, expressing the sense of the Senate laban sa insidenteng kanilang itinalakay noon yung pagnakaw ng isang Chinese coast guard speedboat ng debris ng Chinese missile na nireretrieve noon ng Philippine Navy rubber boat doon naman sa may Pag Asa Island, sa kalayaan municipality so timing na timing ngayon ay unang mga linggo ng bagong taon ay dapat at [pwedeng pwede na naming ituloy iyan lalo na't nadagdagan pa ng insidenteng ito.

Q: Next topic na po tayo, we're trying to get your thoughts on some of your colleagues' push to have more benefits for former Presidents. This is specifically from Senator Bong Go, Senator Bato Dela Rosa, Senator Mark Villar, Senator Francis Tolentino. Una sa lahat, obviously they are all affiliated with the former president, President Duterte, ano ba, do you think this is something that should be prioritized at this point?

SRH: Hindi ko pa kasi nababasa yung bill nila, babasahin ko pa muna, pero totoo rin na sa ngayon pa lang na mayroon naman ding mga benefits or courtesies sa mga dating Pangulo. I think a measure of security para sa kanila, syempre, at lahat ng mga special na okasyon sa pagkaalam ko lagi silang imbitado, may seats of honor sila doon, halimbawa yung mga SONA, lagi silang imbitado. Hindi ko pa alam ano yung kino-contemplate ng mga kasama ko na madagdag na benepisyo at in fairness sa kanila, hindi ko pa naman nakita yun doon sa priority legislative agenda, ni namin sa Senado, ni sa LEDAC.

And totoo, bukod diyan or higit diyan, marami na ring nakalista na priority at totoong prayoridad lalo na yung mga economic priorities, top of mind na concerns pinakamalapit sa puso at bituka ng ating mga kababayan, yung mga economic issues lalo na nitong unang quarter, yung inflation, presyo ng pagkain, yung pagtaas sana ng sweldo at sahod, yung pagpapatupad talaga ng ating universal healthcare system, karapatan at kagalingan ng ating gig workers. Marami. Pag if ever tinalakay na yung kanilang bill or bills, I'm sure masisiyasat naming mabuti kung kailangan ba talaga iyon

Q: Ako naman kasi inisip ko, again, considering the composition of the senators pushing for were all affiliated with the former President. Do you think the former President has something to do with this request basically for them di ba?

SRH: Di ko sigurado, I'm sure komportable naman sila sa home city nila ngayon pero hindi ko alam, in fairness sa kanila, hindi ko alam kung may input sila dito sa mga bills.

Kami naman sa Senado, syempre lago naman kaming may institutional courtesy sa ibang branches of government misnan nga kami yung hindi nabibigyan noon. Pero kami laging mayroon sa kanila at sa mga dating occupants nila. Tingnan natin.

Q: Benepisyo naman po ng ating agrikultura, hindi yung Department of Agriculture ha, yun talagang nasa sektor ng agrikultura kasi yung department yata natin hindi ko po masabi kung anong gusto kong sabihin pero yun nga po yung mga taga sektor ng agrikultura ay umaaray nang umaaray. Yung pagmumura naman po ng mga bilihin dahil talagang masakit na po talaga sa bulsa hindi na ako makakain ng omelette na may sibuyas na itlog. Ano na ang latest sa ating agrikultura sa imbestigasyon, sa inyong panukalsa, sa inyong pagtutulak na sinasabi ngang cartel na nga raw.

SRH: Kaya sa susunod na pagdinig diyan sa krisis sa sibuyas eh nagmahal na talaga sukat pambili ng mga gamit sa isang tindahan ang cute, noong sabado, nakakabili ng liquid hand soap, ng plastic containers, itutuloy po ang aming pagdinig. Once and for all, mabunyag at mabasag yang cartel na iyan. Talagang abot na talaga sa hapag ng ating kainan at abot talaga sa lupa sa ilalim ng talampakan ng ating mga magsasaka.

Kagagaling ko nga lang po sa Mindoro, both occidental at Oriental, konsultasyon kasama ng dating Presidential advisor on Food Security and Agricultural Modernization, si dating Sen Kiko Pangilinan. Doon po as Naujan, actually hometown ng maternal grandfather ko, eh mga magsasaka sila sa palay at doon naman sa San Jose, sa Occidental, mga magsasaka sa sibuyas ang top of mind ng lahat ng Pilipino ngayon. Hay naku marami po silang mga problemang sinabi, pagsusuri sa problemang iyon at mga panukalang solusyon.

Sabi nila wag naman sanang bumababa sa P100 man lang bawat kilo ang kanilang ani para hindi sila luging-lugi kasi sabi nila, ang mahal na nga ng mga bilihin, ang ,ahal ng production cost, nagtriple rin talaga ang pataba, halimbawa urea, eh sa baba naman ng bili ng sibuyas sa kanila, halos kakainin na lang nila or halos wala na silang benta, baligtad eh. Kulang na kulang sila para sa susunod na planting season.

Sabi sa amin ng mga magsasakang iyon lalo na doon sa San Jose, Mindoro Occidental, proud sila at may datos sila para i-back up yung yabang nila, kaya daw iprovide ng San Jose ang pangangailangan ng sibuyas ng buong bansa kaya hamon nila yun sa sinasabing kakulangan daw ng sibuyas na kailangang mag-angkat so hiling nila unang-una sa ating gobyerno, magpagawa ng mas marami at sapat na mga cold storage facilities. Para yung ani nilang sibuyas halimbawa ngayong quarter, hindi kaagad mabubulok, aabot hanggang --

Q: At kunin ng oportunistang cartel na sabihin wala naman kayong cold storage, kami naman. Parang ganoon ang nangyayari.

SRH: At dahil wala pa silang cold storage sa ngayon napipilitan tuloy yung mga magsasaka ibenta sa napakamurang, naku mayroon doon sa San Jose, ang sakit sa puso niya, binenta na lang ng 8 hanggang 15 piso yung iba na kapwa niya nagtatanim ng sibuyas, sa sama ng loob, pinang-sisiga na lang sa tabi ng kanilang punong acacia kaysa ibenta sobrang palugi halos pamigay na lang na presyo. Pero kung may cold storage daw sila, kaya nilang i-store at ilabas na lang kung mataas ang presyo ng sibuyas, yung kanilang ani.

Kailangan kasi na cold storage para hindi lang iiimbak kasi pag inimbak lang ng walang cold storage may isa lang na mabulok mahahawa lahat. So malalaman talaga natin sa buwan ng Pebrero ano yung mga magiging presyo sa ngayon ah, na wala pang cold storage at dahil panahon na nga ng anihan. Nagaalala nga sila dahil sabay na mag-aani at kung magaangkat pa ay baka bumagsak pa ang presyo.

Q: Bakit ka nga naman mag-aangkat sa panahon ng anihan? SRH: Korek. Parang nanadya.

Q: Oo nakaka-asar. Katakot-takot po yung intel fund nila, sabi nila kung alam daw nila, alam po nila yan. Kung magtatanim ang lahat ng Pilipino ng sama ng loob ang dami na nating inani.

SRH: Diba? Pwede na tayo mag-export ng sama ng loob.

Q: Do you think at this point the President should be blamed for this situation? Kasi he is still the head of the DA, wala pang inaappoint.

SRH: Siya dapat ang magtake ng bull by the horns. Oom, kasi ayaw, hindi pa rin sila nag-aappoint ng agriculture secretary, kahit ang dami nilang trabaho bilang presidente at kailangan nila ng katandem na full time na haharap sa ganito, sabi niyo nga long-standing and strategic problems so habang sila pa yung DA Secretary please, Mr. President, aksyonan talaga.

In fairness sa kanila noong nakaraang linggo, sinasabi na top of mind din nila sobra daw silang concerned dito sa problema sa sibuyas.

Q: Kukuha daw ng expert.

SRH: Dyusko po, sana working expert kasi noong una kasi sabi ng DA mag-aangkat sila ng medyo malaking halaga nang iaangkat na sibuyas. Mas mabuti yung announcement ni Presidente pagkatapos noon na dapat calibrated importation, sinuportahan ko yun, sabi ko dapat kalahati lang ng sinasabi ng DA na i-aangkat ang i-aangkat muna, hintayin muna yung pag-ani, kung masasabi nila na kaya namin yan at hindi na kakailanganing mag-angkat lalo na kapag dinagdagan na ng cold storage facilities.

So sana please pansinin ito ni Presidente, gamitin nila hindi lang ang sama ng loob ng mga magsasaka kundi pati ang kanilang mga mungkahi at hiling para maging mas self-sufficient na tayo sa sibuyas at malay natin, balang araw ay makapagangkat tayo niyan, ng sibuyas at hindi ng sama ng loob.

Q: May mga instances na nakikinig ang pangulo, so sana ito pakinggan niya at huwag na makinig sa mga bumubulong na miyembro ng cartel o kakilala ng mga miyembro ng cartel.

SRH: Right, mga middleman.

Q: Yung mga sinasabi pong cartel, kilala sila, identified sila, Diba po sa Senado, sinabi, "Kilala niyo, eh kilala na daw ng lahat." May binigay na mga pangalan si Senator Raffy. Ang nakakatawa po may nang-babash, "Bakit sisisihin ang Pangulo?" Eh siya din ang Agricultural Secretary. So parang nalilito po yung tao din.

SRH: Eh sabi nga ni dating NEDA Secretary Ciel Habito sa ngayon nafire na malamang ang DA Secretary, kung hindi si Presidente nga pala yun.

Q: Ano po ang ating final dito? Ang taumbayan parang nahihirapan na po no, hindi na po talaga makaangat sa buhay. Itong sibuyas ang ating pinaguusapan, yung Maharlika fund ang ating pinag-uusapan, yung foreign trips ang ating pinag-uusapan, pero yung lokal nga po, sa mga bahay, ganito na ang nangyayari. May drastic measures po bang mangyayari na kayo po ay mag-aalburuto sa Senado?

SRH: Ay matagal na kaming magandang nag-aalburuto sa Senado dahil sa mga ganitong isyu. Noong nakaraang Kongreso, nagkaroon pa nga ng Committee of the Whole investigation dito rin sa mga agricultural smuggling issues at muli dahil, parang nagiging "Bahay Kubo" crisis ito dahil sibuyas, napipinto daw yung bawang, eh daanan na natin lahat ng gulay sa Bahay Kubo na nagkakakrisis.

Q: Kamote na lang po.

SRH: Dysukupo. So ipagpapatuloy ng Senado iyan, may pagdinig yata kami ngayong linggo at dadalhin ko po yung mga nalaman namin ni dating Sen. Kiko sa Mindoro sa atensyon ng aking mga kasama at pati yung kanilang mga pagsusuri at mga panukala.

Dahil hindi po ito ngayon lang, sabi nga, hindi ito ngayon lang bumuluga sa atin, matagal na natin dapat isinayos ang agrikultura dahil tayo ay isang agrikultural na bansa, archipelago kaya dapat malakas ang pangngisda. Mayaman actually ang lupa natin, pagyamanin naman natin ang ating mga polisiya at programa para yumaman na rin sa wakas ang ating mga mangingisda at magsasaka.

Q: Your thoughts lang po doon sa UN Special Rapporteur coming to the Philippines as an expert on forensic pathology. Do you this is a welcome development doon po sa ICC probe or do you think may chance na maging welcoming ang gobyerno?

SRH: I hope maging welcoming, at least pinanghahawakan ko pa rin yung unang sinabi ni Justice Secretary Remulla na out of compliance but merely of comity, out of courtesy - okay na yun, I will take that - ay magtatake daw ng impormasyong kakailanganin ng ICC at kasama ng mga balo at ulila ng extrajudicial killings, ng War on Drugs, ay pinagdiwang ko talaga, winelcome ko yung matagal nang hinihintay na developments dito sa ICC.

Q: Yung official po will be coming not as an official of the ICC but as an expert in forensic pathology? In a way, this could mean na maging welcoming na rin tayo sa probe?

SRH: Maganda po yun. Harinawa, at maganda yung pagpunta ng forensic expert dito para may katandem din yung walang kapagurang Doktora Fortun, my gosh, halos nagiisang eksperto dito, dalawa lang ba sila pero siya talaga yung aktibo dito sa isyung ito, para mayroon naman siyang kausap at katandem, kaavalidate sa kanyang marami at napakahalagang findings so far. So yes very welcome.

Q: Ang sabi po ni JPE, i-aarrest ang pangit po nun.

SRH: No. Nagiisa lang naman ang nagsabi noon I think and I hope may mga ibang voices na nagsabi na hindi ganoon, tayo'y bahagi ng community of nations, dati tayong naging at sana ay muli maging miyembro ng International Criminal Court, aba ay founding member tayo ng United Nations na siyang namuno, nagtataguyod sa convention sa karapatang pantao.

Q: Sa kanila na nanggaling - kapag walang kasalanan, walang itinatago, harapin.

SRH: Korek.

News Latest News Feed