Press Release February 6, 2023 Robin to Youth Groups: ROTC to Help Fight off Invasion Attempts Having a Reserve Officers' Training Corps (ROTC) training is needed to help prepare Filipinos fight off attempts to invade the Philippines. Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla stressed this on Monday at a Senate hearing on bills to include ROTC in higher levels of education. "Ito ay ginawa natin, itong ROTC, huwag po sana tayo sumailalim sa kanino mang foreign power. Sana tayo po ay maging independent, hindi tayo utusan ng kahit sinong foreign na bansa, at ginagawa po natin ito sa pagdepensa ng ating independensya, ng ating kalayaan, at higit sa lahat, tayo po ay Pilipino (We are including ROTC in higher education because we want to make sure we do not fall under any foreign power. We want to remain independent and not be under any foreign country. ROTC will help defend our independence and freedom, and our being Filipinos)," Padilla said after hearing the positions of youth groups on the matter. Padilla earlier noted that ROTC is also needed to help youths prepare to respond to disasters. He pointed out the Philippines can never discount the possibility of an invasion on the country because it occupies a very strategic area in Asia. "Hindi natin ito ginagawa para maging militar ang ating kabataan. Ginagawa natin ito para tayo ay magkaroon ng chain of command para alam natin kung saan natin umpisahan at saan natin tatapusin (We are not doing this to militarize the youth. We are doing this because we want to instill a sense of chain of command where we will know what to do)," he added. Robin sa Kabataan: ROTC, Makakatulong Para Labanan ang Mananakop Ang pagkaroon ng Reserve Officers' Training Corps (ROTC) ay kailangan para makatulong na maging handa ang mamamayang Pilipino para labanan ang anumang tangkang pananakop sa Pilipinas. Iginiit ito ni Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla ngayong Lunes, sa pagdinig ng Senado sa mga panukalang batas na tinatalaga ang ROTC sa mataas na antas ng edukasyon. "Ito ay ginawa natin, itong ROTC, huwag po sana tayo sumailalim sa kanino mang foreign power. Sana tayo po ay maging independent, hindi tayo utusan ng kahit sinong foreign na bansa, at ginagawa po natin ito sa pagdepensa ng ating independensya, ng ating kalayaan, at higit sa lahat, tayo po ay Pilipino," ani Padilla matapos magpahayag ng posisyon sa isyu ang grupong kabataan. Nabanggit ni Padilla noon na kailangan din ang ROTC para tulungan ang kabataan na maging handa sa pagtugon sa sakuna. Ayon din kay Padilla, hindi maiaalis ang posibilidad na may magtatangkang manakop sa Pilipinas dahil nasa napakahalaga at napaka-strategic na lugar ito sa Asya. "Hindi natin ito ginagawa para maging militar ang ating kabataan. Ginagawa natin ito para tayo ay magkaroon ng chain of command para alam natin kung saan natin umpisahan at saan natin tatapusin," dagdag niya. ***** |
Thursday, April 17
Wednesday, April 16
Tuesday, April 15
|