Press Release
February 10, 2023

CIA with BA: Alan, Pia sort out love and legal troubles on Valentine's episode

As Valentines Week rolls in, Senators Alan Peter and Pia Cayetano take on two cases of heartbreak with legal consequences for those involved, as things continue to heat up with every new episode of the veteran lawmakers' new public service program.

In this weekend's edition of Cayetano in Action with Boy Abunda or CIA with BA, two women confront the man who has fathered children with both of them, with both women appealing for child support from him.

Another case the sibling senators attempt to resolve involves a man whose wife has cheated on him multiple times, with the full knowledge of their children.

Viewers can see the outcome of the two cases and how the two senators help everyone involved on Sunday, February 12 at 11:30 p.m. on GMA 7.

Senator Alan remarked that the most sensitive legal entanglements often involve questions of fidelity, commitment, and love. He added that seeing the two cases, no gender has a monopoly on behaviors that destroy intimate relationships.

"Di ba y'ung napaka-innocent at napaka-cute na symbol na ganyan, 'yun pala ay isa sa mga pinakamalaking magbigay ng heartache," the senator said, referring to the popular finger-heart hand sign.

"Kapag heartache, ano'ng kasunod? Kaso at problema sa legal," he added.

Asked by co-host King of Talk Boy Abunda what audiences should expect from this weekend's episode of CIA with BA, Senator Pia Cayetano admitted that viewers will definitely see some fireworks because of the very emotionally sensitive nature of the issues that will be discussed.

"Baka sabihin niyo, 'Ay si Senator Pia hindi naniniwala sa pag-ibig.' Believe me, naniniwala ako sa pag-ibig. I love being in love. Pero meron ding in-love na hindi nakakatulong sa buhay natin," she said.

CIA with BA, which aired its pilot episode on February 5, marks Senator Alan Peter and Senator Pia's debut outing as on-air legal advisers. Future shows - airing Sundays at 11:30 p.m. on GMA 7 - will help viewers learn more about the country's laws and how they affect their daily lives.

The sibling senators carry on the legacy of their late father and original Compañero of the airwaves Senator Rene Cayetano, who led and co-hosted the popular legal advice program Compañero y Compañera on radio and television from 1997 to 2001.


Problemang pag-ibig at legal, aayusin nina Alan at Pia sa Valentine's episode ng CIA with BA

Ngayong malapit nang mag-Valentine's Day, susubukan nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano na bigyang lunas ang dalawang kaso ng problemang pag-ibig na may legal consequences.

Patuloy na umiinit ang mga tagpo sa bawat panibagong episode ng bagong public service program na Cayetano in Action with Boy Abunda o CIA with BA.

Dalawang babae ang kukumpronta sa ama ng kani-kanilang mga anak, at hihingi ng suporta sa kanya upang pangtustos sa mga bata.

Isa pang kaso na susubukang ayusin ng magkapatid na senador ay tungkol naman sa lalaking makailang beses nang kinaliwa ng asawa - bagay na alam pa mismo ng kanilang mga anak.

Mapapanood ang kahihinatnan ng dalawang kaso na ito at paano matutulungan nina Senador Alan Peter at Senador Pia ang lahat ng sangkot ngayong Linggo, February 12 ng 11:30 p.m. sa GMA 7.

Komento ni Senador Alan, karamihan ng mga sensitibong kasong legal ay umiikot sa mga usapin ng katapatan sa karelasyon, commitment, at pag-ibig.

"Di ba y'ung napaka-innocent at napaka-cute na symbol na ganyan, 'yun pala ay isa sa mga pinakamalaking magbigay ng heartache," ayon sa senador habang gumagawa ng finger-heart hand sign.

"Kapag heartache, ano'ng kasunod? Kaso at problema sa legal," dagdag niya.

Nang tanungin ng co-host na si King of Talk na si Boy Abunda kung ano ang dapat abangan ng mga manonood sa bagong episode na ito ng CIA with BA, inamin ni Senador Pia na makakaasa silang makarinig ng maaanghang na salita at malalalim na hugot dahil sa napakasensitibong mga usapin.

"Baka sabihin niyo, 'Ay si Senator Pia hindi naniniwala sa pag-ibig.' Believe me, naniniwala ako sa pag-ibig. I love being in love. Pero meron ding in-love na hindi nakakatulong sa buhay natin," aniya.

Ang CIA with BA, na unang ipinalabas noong February 5, ay ang pinakaunang public service program nina Senador Alan at Senador Pia bilang mga legal adviser sa telebisyon. Tuwing Linggo, 11:30 p.m. sa GMA 7, matututo ang mga manonood tungkol sa mga batas ng bansa at paano nakakaapekto ang mga ito sa pang-araw-araw nilang mga buhay.

Ipinagpapatuloy ng magkapatid na senador ang naiwang legacy ng kanilang pumanaw na ama at original na Compañero na si Senador Rene Cayetano, na namuno at nag-co-host ng popular na legal advice program na Compañero y Compañera sa radyo at telebisyon mula 1997 hanggang 2001.

News Latest News Feed