Press Release
February 11, 2023

Excerpts of Public Dialogue with Senator Risa Hontiveros and Atty. Chel Diokno, and Sibuyan Island residents

February 10, 2023

SRH: Maayong aga sa inyong tanan, kay Mayor Trina na unang taga-Romblon na nagmessage sa amin tungkol sa pakikipatulungan partikular dito sa mga kababayan sa Sibuyan. At sila po na galing sa tradisyon ng kanilang angkan ng pagdepensa at pagtanggol sa kalikasan ng buong Romblon, at kapwa leader kababaihan at kaibigan.

Si Atty Chel Diokno, isang batikang human rights at environmental lawyer. Ang aking isa pang seatmate si Rodney, matagal ng kasama sa iba't ibang sites of struggle sa iba't ibang komunidad laban sa mina at para ekolohiya.

..

Q: Ako po si Anghel Rosas, residente po ng . Naging personal driver ni Rodney. Hindi po ito katanungan.Isa sa pinakamasakit na nangyari sa amin dito ay narasanan namin sa kamay ng pulisan. Na ang masakit po ang aming pong expectations ay sila po ay kakampi namin. Nung una pong gabi noong dumating sila dito kasi ngayon lang namin nakita dito sa Sibuyan ang mga anti-rally police. May mga panghampas, may mga pang-shield. Matahimik ang lugar namin.

Hindi po namin nakita ang ganoong senaryo. At nung gabing pong iyon, sa harap ni Captain Rivera, ang representative ng mining at si Rodney, sa harap niya po siya yung nagmediate. Hinanap po ni Rodney ang mga taga-mining, sa harap niya po hindi naipakita ng mga minero ang papeles na hinihingi. Pero kahit na po na alam niya na walang papeles yun pa din ang nangyari, pinayagan pa rin po niya. Ganoon din po noong medyo mas marahas pa ang nangyari, sa kamay po ng pulisan.

Ang concern ko lang po ay baka mabalik yung dating sitwasyon, na ang sinusunod ng mga pulis ay ang ating mga politiko. Hindi po yung batas. Kasi alam po nila na wala pong papeles. Either hindi nila alam kung sino ang tama, kasi dapat ikaw yung law enforcement, dapat alam mo kung ano ang legal o hindi. Kung ano ang tama o hindi. Kasi nung gabi na pumunta sila dito, iyan po ang nasa isip ko. Alam ba nila talaga kung sino papakinggan nila dito? Kasi meron akong pakiramdam, nung pumunta sila, kasi matahimik, pang-11th day namin dito, wala pong krimen na nangyayari, matahimik talaga po kami.

Kaya nabigla po kami na pumunta sila dito na may mga anti-riot sila na mga gears, kasi wala po talaga kaming gulo. Kahit yung mga minero nirerespeto namin sila, isa naming pinaglalaki sa mga taga-Sibuyan, we are peace loving people. Nandyan lang po yung mga truck nila, kung violente ang mga taga-Sibuyan, pwede namin batuhin yung mga ano nila, kasi andyan lang sila. Pero ni isang bato... wala po kami binato. Kahit nung nag-aano po ang mga pulis, naggigirian po ang mga pulis at mga tao, wala pong violence na nanggaling sa amin. Siguro kung matuloy po yung investigation nyo po sa senado, sana po ay maano natin, kailangang malaman ng mga pulis kung sino talaga ang papanigan nila... kaya sa mga pulitiko doon sa mga taas, at kung ano ang sabi ng mga pulitiko, sasabihan sila ng mga pulitiko doon na legal yan, legal yan nagmina, kahit naman alam nila walang mga papeles, susundin pa rin nila kung ano'ng utos sa kanila.Naaawa po kami doon po sa mga kapulisan po na nandito po na taga amin may mga kapulisan po kami na umiiyak po sa amin kasi alam nila na hindi tama ang ginagawa, kaya lang po naiipit o sila kasi kailangan nilang sumunod sa order.

Q: Mga kamag-anak po namin, yung mga ibang pulis po dito mga kamag-anak po namin, Senator, Atty Chel, mga kamag-anak po namin talagang umiiyak sila kaya lang sabi nila, order po sa amin. Yun ang masakit kasi sumusunod sila sa tingin namin, siguro tama kami, maling order. Dahil po inuutusan po sila ng mataas po sa kanila na inutusan din ng mas mataas pa sa kanilang mga pulitiko. Sana po ay hindi mangyari ulit ito na ang sinusunod ng mga pulis ay hindi yung batas natin kundi ang mga utos sa kanila ng mga pulitiko. Maraming salamat po.

SRH: Damo gid nga salamat man. Pagdating po namin ni Atty Chel sa San Fernando, doon kami lumapag kaninang umaga, si Ma'am Binasoy ang nagwelcome sa amin at ako bilang babae, lagi akong natutuwa kapag kabaro ang nasa posisyon ng responsibilidad at alam ko po yung detachment, yung detachment ay sa pag-uusap-usap ng mga kaupo dire, mukhang matagal nang pinlano iyan at mukhang hindi po taga San Fernando po sila.

Kaya tulad ng pag-appreciate ko sa pag-welcome ni Ma'am Binasoy kanina, naappreciate ko rin po yung paghatid sa amin dito ng maaliwalas, pagbantay sa amin nung dumalaw kami sa monumento kay Konsi Armin ng mga PNP San Fernando. Speaking of kamag-anak, ang akin din pong late husband, si Frank Baraquel ay PNP Officer at kung buhay siya ngayon, sigurado akong makikiisa din suya sa inyo.

SRH: Noong una pong nagmessage sa akin si Mayor Trina, nagmessage ako at tumawag kay Chief PNP Azurin, at salamat naman kay Chief PNP Aziurin, pinatawag po nila sakin si Regional Director Police Brigadier General Hernia na nagbigay ng updates na magkakaroon ng dayalogo na nandoon yung isa pang police general kasama si Governor at mabuti pumunta doon si Rodney para yung inyong boses at pananaw ay marinig. Sang-ayon po ako sa ating nag-salita. Hinding-hindi dapat nangyari yon in the first place. Kasama po yan na iimbestigahan sa Senado...

SRH: Tutukuyin ang accountability para diyan at kung makapag-ambag kami ng maayos sa Committee Report, lalabas yan sa findings at magkakaroon ng rekomendasyon ng disciplinary action sa ginawang iyon.

- - -

SRH: I-a-update ko po si Chief PNP Azurin at si General Hernia at yung isa pang police general na andoon sa dayalogo ay si P/General Armamento pero ikaw na, Rodney ang mag-update sa kanila dahil di ko pa sila namimeet pero i-a-update ko Chief PNP Azurin dahil tama po kayo, ang ating pambansang kapulisan ay tumutupad sa batas at tatanggap lamang ng utos at dapat tamang utos sa kanilang Chain of Command, hindi kami mga pulitiko, hindi mga kumpanya ang dapat nag-uutos o di nag-uutos sa PNP. Maraming salamat sa pag-bring up ng salaysay na iyon at promise po, iimbestigahan po namin yan.

Chel: Pagdating kasi sa Chain of Command dito sa atin ang nagiging boss nila ay mga pulitiko minsan, minsan mga kumpanya. Dapat malaman nila at ito'y magandang maigiit sa kanila, ang pinaka-boss dapat nila ay walang iba kundi ang batas... ako mismo matagal ko na ring sinasabi sa mga kakilala ko diyan sa PNP, na ang talagang kumander ninyo ay hindi si General kundi ang mismong batas. Kasi alam naman natin sa Saligang-Batas ang kanilang kapangyarihan ay nanggagaling po sa ating lahat

Q: Magandang umaga po sa lahat, lalo na po sa inyo butihing Senador, ma'am question ko lang po, kasi sa ngayon po mayroon pong CDO sa area nila tapos sinabihan na po sila na walang moverment na mangyayari dyan sa loob pero ung Altai po hindi nakikinig. Kahapon, tuloy po ang operation nila sa loob. Tapos po ma'am, yung kasi yung CDO nila is dito lang. Yung exploration nila is ongoing pa rin. Paano po kami makakasiguro na magstop na talaga ang operation ng Altai?

Chel: Sa pagkaalam ko mayroon nang nakahain na petition for Writ of Kalikasan sa ating Korte Suprema at bigyan din natin ng galang yung mga abogadong nagfile po ng kaso nyan, sina Atty Ron Gutierrez at mga kasamahan nila sa ULAN. Ang isa po sa mga hinihiling nila sa Supreme Court, ay mismong Supreme Court na ang mag-utos na wala munang operasyon dito kaya ako sana, umaasa rin ako na pagbibigyan tayo ng Korte Suprema.

Bukod po diyan, napakaganda ng arguments doon sa petisyon na iyon. Alam naman po natin na ang mayroon sila ay pang-explore hindi ho ba? Pero ang kinukuha nila or sinasabi nilang ilalabas nila ay 50,000 metric tons ay hindi na po exploration yan, incorporation na yan. Kaya suportahan natin yung petisyon na nakafile na. At ako nga gusto ko rin makausap at magbigay din ng suporta sa mga abogado. Thank you po.

Q: Maayong aga sa atong tanan especially to our visitors, Senator Risa, Atty. Diokno and Mayor. Ang tanong ko Ma'am is in behalf of the teachers of this place, district of San Fernando, dahil ako mismo when I was still the principal of Espana, that was the time the first rally was held in Talaba.

And I have given a speech, a short speech which is our companion is Mr. Rona, I told them, sinabi ko hindi talaga magandang ang pagmimina, destruction talaga. We had a district meeting, in the district, I was called by our head, but before that meeting, my teachers, ang mga teachers ko dito sa Espana ay nagsabi sa akin, Ma'am pwede ba kaming makapunta sa rally kinabukasan because we were requested by the late Admin Marin. So sabi ko yes, pwede kamong makaattend. So What they did, nagfile sila ng leave. Bago ako makapunta sa office, andoon ang mga leave so sino ako na magbawal sa kanila.

That is their right because ang biktima, number one is our barangay., Kung ano man ang nasa isip ko, alam nyo ba, sabi ko sa kanila, kita ang kuwan dito. Kinabukasan I went to attend the meeting, andoon na ako. I was called by our head, I have to stand. Basi ko noon nag-attend ang inyong maestra dito. Ma'am hindi ako magbawal sa inda. Because they filed their leave. Anong magagawa ko pa, andoon na ang leave nila? As a head, I had to understand them. Ano ang sagot sa akin?

Ang sulat naging kalat specified ako, specifically the principal who's going to retire kahit na walang pangalan, naiintindihan kong ako. Sige... She is a member of the DepEd, inabot sa akon... Bakit wala ba ang taga DepEd magwitness o mag-attend ng mga rally?

That's why our teachers here they want to attend the rally even yung mga consultative meetings na natapos na... It is their right kaya yan ang gusto kong itanong kay Atty Diokno. Thank you very much.

Chel: Sana po dumami pa ang guro at principal katulad ninyo, hindi po kayo nag-iisa, at hindi nag-iisa ang mga gurop sa Sibuyan dahil noon pang mga 1995, mayroon po akong hinawakan na kaso para sa mga guro na pinagtatanggal dahil sila ay nagprotesta dahil hindi sila nabibigyan ng tamang benepisyo sa ilalim ng batas.

Ang nangyari po ay very similar sa kwento ninyo. Nagfile sila ng leave, nagsama-sama silang nagprotesta tapos susunod na araw, pinagtatanggal na silang lahat. Umabot sa mga 600 na teacher ang pinagtatanggal noon. Pinaglaban po namin yan. Marami po kaming mga abogado at kahit umabot ng ilang taon naipanalo naman po namin yung mga kaso dahil hindi lang naman just because na ikaw ay isang government employee o public school teacher, hindi naman dapat nawawala ang ating kalayaan at karapatan, magsalita sama-sama sa protesta, etc. pero ito lang ha, pag panahon ng eleksyon, ayon talagang bawal po yun dahil iba yun. Special law po yun ng eleksyon pero sa ganung sitwasyon nagfile naman po ng leave o di kaya sa oras ng lunchtime o breaktime, sa tingin ko ha, sa paniwala ko ay hindi naman bawal yun. Pinoprotektahan po iyon ng Saligang-batas.

Q: Magandang tanghali po sa inyo, Senator, at saka kay Mayora, sa tanan. Ako po ay gusto ko lang kasi kaming mga tao dito ay nag-apply ng A&D na lupa, 186 hectares at saka napakaraming napansin ko dito sa Sibuyan, napakaraming mga lupa na A&D, nagsulat na kami sa Malacanang, 400+ tapos pagdating dito may memorandum na ibigay sa peoples of Espana ang nangyari po nahaharangan nila, ang gusto nila, ang ano raw ang magbigay, 400+ kami 80 lang ang ibibigay nila, kaya ang hiling ko po, Senator Risa isama nyo po ito sa pag-imbestiga yung mga lupa dito, tingnan ninyo, 1000 hectares ang inapplyan ng mining. E 1,500 samantalang dyan pa lang sila.

Ang katabi doon, 186 hectares na A&D mayroon pa doon sa bukod, may agam-agam nga na kasama ito sa mining, sana ay maimbestigahan nyo po Ma'am Risa para maibigay na po ito sa mga tao.Ang mga tao dito, dito lang sa baba, walang mga ano sa bukod, walang mga title puro alienable and disposable, kaya tingnan nyo mga kababayan. wala tayong mga kalsada pabukid, tingnan nyo yung Layag na napakaganda, ang tagal-tagal, inapprove na pero kalahati lang ang nilagay nilang kalsada. Sana masama ang mga A&D na lupa ang A&D ay alienable and disposable people's Republic of the Philippines ang may-ari, hindi lang isang pamilya, hindi lang isang pulitiko, dapat ipamigay yan sa mga tao.

SRH: Dapat nga. Salamat gid. Naghahalo pala diri ang Hiligaynon at Cebuano. Ang mga resolusyon po tulad ng panukalang batas ay 1 title, 1 subject, so baka mahirap dinigin din yung issue na sinabi niyo pero pwedeng banggitin at least bilang bahagi ng konteksto. O baka pwede nga, dahil may tingin kayo na kaya hindi pwede maiaward ang alienable and disposable land - na 186 lang naman kumpara sa gustong ibigay na 1,500, halos times ten -kung sa pagmimina.

In anycase, pagaaralan ng legislative unit kung pwede nang talakayin sa imbestigasyon sa pagmimina at karahasan iyon at kung hindi naman, dinigin din natin, magfifile po tayo ng hiwalay na resolution dahil matagal na rin pong concern namin ni Atty. Chel at ng iba pang advocates para sa repormang agraryo na maaward, maisagawa na yung land distribution at acquisition sa mga identified naman na na agrarian reform beneficiaries.

At doon po sa panguntanan ninyo, lumalabas din yung isa sa dahilan kung bakit kailangan ng National Land Use Act. Bukod sa Alternative Bills Management Bill na isinusulong din namin, yung National Land Use Act kasi ay dapat aayusin yung mga pagcocontradict ng mga iba't-ibang mga probisyon ng iba't-ibang mga batas ito man yung agrarian reform na batas natin, ito man yung batas para sa lupain ng mga katutubo, lalo na yang kasalukuyang Philippine Mining Act na ang daming ibinubungang problema sa atin at talaga sa tingin ko ay dapat palitan. So salamat gid doon sa pagraise ng issue, definitely tatalakayin po natin iyan sa loob ng Resolusyon 459 o sa iba pang Resolusyon.

At harinawa, dapat sa loob nitong panahon, baka pwede rin namin iraise kay Sec. Estrella ng Department of Agrarian Reform ng diretso, dapat sa loob nitong panahong ito ay maiaward na rin sa inyo sa wakas.

Q: (unclear) kasi sa ano ng Altai, yung tigil mina po ay temporary suspension ng kanilang exploration. Samantalang yung mga driver, pag nagviolate lang ng traffic ay malaki na po ang multa. Ang tanong ko po - yung mga sinira nilang coral kaya, yung pinutol nilang kahoy sa kagubatan, yung naperwisyong mga mamamayan na hinarass ng kapulisan ang aming barikada, ganoon lang po ba iyon, suspension lang ang penalty nila? Napakaunfair po ng batas kapag ganoon. Dapat bayaran nila yung corals na sinira nila. Salamat po.

Chel: Tama po iyan. Dapat may pananagutan. Doon po sa naihain na petition sa Supreme Court kasama ko doon yung isang request ng mga nagfile na isaayos po nila yung mga nasirang kalikasan. Sana pagbigyan tayo ng Supreme Court, at kailangan talaga ng accountability. Thank you po.

SRH: Salamat gid. Sinabi na ni Atty Chel, yung pagsisira ng bahura, ng corals ay dapat bayaran. Ganoon din yung panawagan natin sa China, yung sinira nilang mga bahura din, para magtayo ng artificial islands at imilitarize yung mga islang yun para kamkamin nila ang West Philippine Sea natin ay dapat ding pagbayarin.

At sinasabi kasi ng mga siyentipiko, may paraan na para ikwenta yung halaga kahit sa aspeto ng pera, yung likas yaman natin sa dagat, dahil grabeng kahalaga ng bawat pulgada ng coral na tumutubo sa loob ng maraming taon, napakahirap palitan kapag nasira, pero grabe ang buhay na binibigay niya sa mga isda, sa iba pang mga species sa dagat at kalaunan sa ating mga tao. So yes, agree ako sa prinsipyo na yung nasirang corals ay dapat pagbayarin.

Sobrang nakakashock sa amin ni Atty. Chel yung sinabi niyo na sa prinsipyo ng proportionality, bakit sa mga public transport drivers tulad ng tricycle driver mas mataas ang multa sa mas maliit na opensa, samantalang sa malaking opensa, baligtad yung scale, lumiliit at gumagaan yung parusa, suspension lang ba yun.

Yung binanggit ninyo po yung karahasan na ginawa at importante, yung pinaalala ninyo na di kukulang sa apat na kulang palang mga dokumento, dalawa dapat kinuha sa lokal, isa sa barangay, at isa sa munisipyo, at dalawa sa national government agencies, isa sa DENR at saka sa Philippine Ports Authority. Siguro hindi yan maliit na pagkakamali at pagkukulang, na punoin man ang pinakamalaking issue na niraraise ninyo ay dapat ba o hindi magkaroon ng pagmimina dito sa Sibuyan Island, malinaw naman sa ating lahat yung sagot dyan.

Q: Ito po ay clarificatory question. May mga constituent kami dito na naghahauling ang hanapbuhay kung minsan. Kapag may nakikita kami na mayroon na hinahaul, iniimpound yung sasakyan na may karga ng hauling. Ngayon ang tanong ko - kasi illegal ang ginawa ng Altai, yung sasakyan na kumarga na may dalang lupa, dadaan sa illegal na port, bakit hindi inimpound ang sasakyan?

Chel: Dapat tanungin natin sila, bakit ganoon? Alam niyo yung problema dito sa atin, yung problema ng Pilipinas, yung pagkadouble standard ng hustisya. Kapag maliliit na tao sinasabing naglabag sa batas, kamay na bakal ang nararamdaman. Pero kapag malalaking tao, makatikim man ng konting pitik eh wala silang (unclear). Yan ang kailangan na kailangan nating baguhin po dito sa atin, yan ang aking adbokasiya.

SRH: Sang-ayon po ako kay Atty. Chel.

Q: Magandang umaga po, ako ay kagawad ng barangay Taclobo. Isang tanong lang po. May mga lupa sila dito na inaward ng CARP. Tapos yung iba dyan, hindi pa nababayaran ng mga tao sa bangko pero ibinenta na po sa mga tigamina. Ano po ang mangyayari sa mga ganyan?

SRH: Parang shinortcut na naman ang isang batas. Isa po sa makasaysayang tagumpay natin yung CARPER, yung Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with reforms na batas na malinaw na kapag land acquisition and distribution na sa mga agrarian reform beneficiaries at lalo na't kapag nagsimula na silang magamortize ng lupa na iyan, at dapat sumunod yung pakete ng support services, at dapat mayroong component pa ng agrarian justice delivery, ay obviously hinding hindi dapat binebenta sa iba!

Parang nagloan tayo sa bangko para magtayo ng bahay o magimprove ng ating tahanan, alangan naman na habang naghuhulog tayo sa bangko, ibebenta ni hindi pamilya natin, kundi kapitbahay o tiga-labas pa, sa iba pa. Diba, ganoon po ang intindi ko sa batas, mas maipapaliwanag ni Atty. Chel yan, na dapat equal application of the law. I coconsult ko din sa legislative unit ko, pagbalik namin sa Maynila, isasama po ba yan doon sa isang hiwalay na resolution na tungkol sa agrarian reform issues dito sa Sibuyan, konektado man o hindi sa pagmimina.

Chel: Maganda nga po Sen, na maisama niyo sa imbestigasyon ninyo dapat malaman natin kung paano nila nashortcut yung proseso.

Q: As the spokesperson for the youth, napapansin din po natin dito sa ating barikada, nagtatanong po ang mga tao nasaan ang LGU? Bakit napapansin po namin, at may mga kaibigan kami na nagtatrabaho sa LGU, hindi po sila nagpapakita dito sa kadahilanang natatakot po sila. They don't have the permission to do action, nandoon sila na wala silang karapatan na sumali sa ating Alyansa Tigil Mina. Bakit po sila natatakot - we all have the freedom of expression, at sino ang dapat nilang katakutan?

SRH: Well binanggit na rin po ni Atty. Chel kanina, na utos ng ating Constitution at ng ating mga batas o isang prinsipyo ng lahat na iyan yung pansamantalang kapangyarihan na hinahawakan ng iba't-ibang administrasyon o gobyerno sa ating demokrasya, ay galing sa mamamayan.

So kung meron kaming nagtatrabaho sa gobyerno na dapat katakutan, o meron kaming dapat managot para sa aming maganda o di maganda na pagtatrabaho, ay walang iba kundi ang mamamayan.

Sa LGU, salamat sa pagtatanong niyan. Sa lahat ng mga kasama natin na nagtatrabaho sa LGU, baka pwedeng hiramin yung sagot kanina ni Atty. Chel sa ating mga guro, sa DEPED, na kahit po ang mga nagtatrabaho gaya namin sa gobyerno, maging sa LGU, ay mga mamamayan din, may karapatan din, at lalo na po kung pinuno sa lokal, hanggang sa pambansa, ay may responsibilidad sa isa't isa, lalo sa mga tinatawag namin na constituents.

At alam ko may mga LGU officials na tayo lalo na sa barangay na tumindig talaga o kung may naunang posisyon ay binago ito upang pumanig at kumampi sa mga mamamayan na ayaw sa pagmimina. Ako po ay nagpupugay sa kanila, at alam ko hanggang sa munisipyo, aba tingnan lang natin si Mayor Trina, hanggang pa sa mga lalawigan, iba't-iba pang mga mining affected provinces sa Pilipinas, maya't-maya at dumadami ang mga LGU officials na tumitindig kasama ng kanilang mga constituent at kababayan at harinawa yan po ay dumami dito sa Sibuyan at sa buong Romblon.

Q: Magandang umaga po, Madam Senator, Atty Chel Diokno at our very own Mayor Trina Firmalo-Fabic. Kasi sa kanya natin naramdaman ang malasakit, pakikiisa sa ating causa dito sa ating barikada. Ako po si po si Priscila Magturey, former municipal treasurer ng San Fernando, retired.

Noong January 29 We have a rally doon sa San Fernando municipal hall. Kasama naming si Mayor Trina kaya lang hindi maganda ang panahon, pati si Rodney, na stranded din siya . After that nagdraft po ng letter yung dalawang abogado na ininvite namin --- Atty. Ron and Atty Josh, writing to DENR and Philippine Ports Authority citing the violations na nangyayari dito, January 30 po yun.

As early as Feb 2, binabaan na ng Notice of Violation ang APMC pero hindi namin alam, hindi pinaalam sa amin. Nagtataka lang kami kung bakit naging agresibo yung truck ng APMC na papasok to the point na nagkasakitan at halos magkamatayan na at doon din namin nakita yung harassment na ginawa ng mga police officers. Wala po bang liability yung mining company at ang law enforcers na meron ng notice of violation. Ipinilit pa rin nila na ipasok ang mga dump trucks na loaded ng mga nickel (unclear)?

Chel: Dapat po ay may liability yan kasi naibaba na po ang Notice of Violation at naibigay na sa kanila. At on this day, saludo po tayo sa mga abogado ninyo, sina Atty Josh at Atty Ron, hindi ko po sila nakikilala ng personal, maaari ba gusto natin silang makausap at kung ano ang mabibigay na tulong sa kanila at sa inyo ay ibibigay po natin.

Q. Magandang umaga po. Ako po ay taga Danao, (unclear), pangalan ko ay Rey. Iyon pong exploration kasama po ang Danao at yung Cantagda. Clarify po namin baka kami ay umpisahan na rin, paano po iyon?

SRH: Ang naisip ko lang na isang sagot doon sa tanong ninyo, ay galing na rin sa inyo, hind ba sabi ni Rodney may kultura kayong tinkop. Kasi ang isang binhi kapag namumunga na ay pwede na siyang lumaki bilang puno, ang puno pwedeng lumaki bilang gubat, at ang gubat ay pwedeng matatag sa mahabang panahon, hindi lang poprotektahan natin pero tayo ang poprotektahan. Mabuhay po kayo kung palalawakin nyo at kasama po kayo sa pagtatagumpay nitong laban na ito.

MC: Kung tatawagin ba tayo ng Danao ay pupunta tayo doon?

Crowd: Yes!

Q: Maisingit ko lang: Halos araw-araw po ang Danao at Cantagda, malaking volume po andito, hanggang gabi po yan.

Mayor Trina: May dagdag lang po ako, kami din po sa Tablas may obligation as a group, kaya po kami sa Odiongan, alam nyo naman po siguro iyan, nagpasa na po kami ng resolusyon na sinasabi po na ayaw naming dyan, ayaw namin ng mina sa aming lugar at sa ibang probinsya ng Romblon, at kami po sa ngayon ay nagkocommittee hearing para 45-year moratorium kung saan ipinagbabawal namin na magkaroon ng large scale metallic mining sa aming jurisdiction, sa aming bayan ng Odiongan.

So ang maidagdag ko lang po inyo ay ngayon pa palang ay pwede nyong pong agapan, wala pa man ay pwede nang agapan. Kung mayroon tayong mga mekanismo, meron tayong mga tools, although minsan syempre sinasabi na "ay wala yan!" ganoon, ang mahalaga maipaabot natin ang boses natin sa mga gutong pumapasok sa ating lugar: "ah parang mahirap pumasok diyan kasi meron nang mga ganyan, may mga batas na, may mga resolusyon na". Mahalaga po ang boses. Meron pa lang ordinances at least di hindi basta-basta matuloy ang anomang application. At yung tanong tungkol sa government employees, ako po ay empleyado din ng gobyerno at ngayong araw po wala po ako sa jurisdiction ko kaya ako din po ay nakafile ng leave ngayon.

Sabi ko nga po sa mga empleyado naming sa munisipyo, kayo po ay libre, o malaya kung kayo ay sumusuporta o hindi. Pwede po kayong magpa-picture ng "no to mining in Sibuyan". Pero ang sabi ko sa mga empleyado ay kung sino lang ang gustong sumali sa picture, walang pilitan. Kalayaan natin iyon kung ano ang ating paniniwala at pwedeng panindigan.

SRH: Dalawang maikling dagdag lang. Salamat kay Mayor Trina, napaalala nya yung binanggit nya yung hearing. Sa po hearing na gagawin sa pagmimina at karahasan dito sa Sibuyan, kung maaalala ko kasi yung tatlong bayan pa lang ang nabanggit sa resolusyon, pwede na rin po nating banggitin yung dalawa ninyong binanggit na meron po kayong agam-agam na baka doon pumunta, doon lumawak para at least yung atensyon sa national, ng iba pa nating mga kababayan ay mapatingin din po sa inyo.

Bilang isang halimbawa ng sinasabi ni Mayor Trina, ngayon pa lang may depensa na sa legal, sa mga katulad nila at katulad naming na resolusyon. Diyos ko po Tablas Strait may application?! E diba iyon ang mga dinadaanan ng mga dolphins at iba pang marine mammals?

Kung hindi ako nagkakamali, paalala din Atty Chel, batas ba iyon o ruling ng Korte Suprema, na kinikilala yung basta, naalarma ako nung narinig ko ang Tablas Strait na talagang walang sasantuhin ang isang destructive industry tulad ng pagmimina kung hindi natin ngayon pa lang lagyan ng hangganan.

Q: Meron na po tayong pro forma na ordinansa na ibinigay sa inyong mga barangay at sa iba pang barangay sa buong Sibuyan. Matagal na po itong inisyatibo. Tayong (unclear) mamamayan ang nagtanong ngayon sa mga barangay official ninyo nasaan na ang kanilang ordinansa na binigay nating pro forma?

Kasi po sinisikap natin tumulong sa inyo kasi nga po ang majority sa atin ay ayaw. Huwag nating hintayin na magbarikada pa sa kada barangay. Tanungin nyo po ang inyong mga barangay official kasi po nagbigay ng pro forma na kagaya ng ipinasa ng Barangay Espana. Hindi ko lang po malaman bakit parang mga takot ang ibang mga opisyales na lumaban ng patas. Thank you.

Q: Ako po si Father Guillermo Ramos. (unclear).. Ang tanong ko ay ganito. Hindi ba tayo may malinaw na batas na hindi nauunawaan ng mga congressman at mga senador na may karapatan ang mamamayan. Bakit nila ito ginagawa? Kailangan pang magtipon ang mga tao para protektahan ang kanilang karapatan. Parang hindi ko maintindihan iyon, matatalino ang mga senador, matatalino ang congressman. Bakit ang mga batas na ginawa nila hindi nila maintindihan?

Kung naiintindihan nila ang ginagawa nilang batas wala nang ganitong paghihirap ng mamamayan para protektahan ang kanilang karapatan at protektahan ang kalikasan. Dito sa aming isla, dahil sa Build, Build, Build lahat ng aming shoreline na napakaganda ang beaches bakit nilalagyan nila ng mga seawall at baywalk na wala naming, wala kaming kalam-alam na ngayon ay gagawin na.

Katulad ng Casaclan napakahaba ng shoreline dyan para sa mangingisda at napakaganda. Katulad ng sa Cajidiocan ang haba-haba ng shoreline dyan, pagkaganda-ganda, puro na seawall. Katulad ng Espanya, bakit nila nilagyan, wala bang makakapigil dahil ito na ang programa ng gobyerno at sinasabi na Build, Build, Build. Build Build Build kaya yan o Destroy! Destroy! Destroy!

So ito ang pinaka (unclear) that our laws, our chaotic laws, lost kasi nagkakagulo ang mamamayan, nagkakagulo ang kongreso, nagkakagulo ang Senado? Paano magkakaintindihan ang tao kung doon mismo sa itaas hindi malinaw para sa kanila ang batas na ginawa nila? Siguro naman ang tingin nila sa amin dito hindi nakapasok ng Kinder. Gumawa ng kanilang gusto, iligal, pinagpipilitan protektahan pa. Nakita ko yun talaga ang mga pulis, parang kalaban ang mamamayan. Tapos hindi papanagutin? Yung mga gumawa ng iligal pahirapan pa panagutin dahil sa batas? Oh come on baby.

Pero napakalinaw ng nangyayari, the laws of the land in the Philippines is very chaotic. Sa dahil kung ito ay maayos, walang problema, ang mga mamamayan hindi pinahihirapan. (unclear) Can you imagine for how many days (unclear) what happened to our local government in our land, with our three municipalities? No show sila. Ito bang mga taong ito ay may puso para sa mga mamamayan? Isipin na lang natin iyon our laws in the Philippines are very chaotic because it is always protecting the benefit, the investment, the business of the politician. They use the laws to protect their interest, not the interest of the people.

SRH: Sabi ko po kay Atty Chel ang hirap naman sagutin yung unang tanong ni father. Bakit parang hindi namin mambabatas naintindihan ang batas na ginawa namin. Kanina narinig po natin sa dasal ng isa sa mga father natin na humingi po tayo ng wisdom, so siguro hindi talaga sapat kung matatalino tayong tao pero kailangan may wisdom at obedience sa batas.

Doon sa isang binanggit ni father hindi ko pa po napag-aralan yung sa baywalk at saka seawall dito sa Sibuyan. Basta't ang isang nakatawag pansin sa akin ay yung pinag-uusapan namin tuloy and isang epekto ang mga mangingisda nahihirapan nakapalaot. Doon pa dadaong o papalaot sa malayo, diba ang 15km municipal waters ay pangunahing pangingisdaan ng mangingisda, siguro naman common sense hindi dapat na hahadlangan kahit ng mga dating programa tulad ng Build, Build, Build. Ni-note ko lang po bilang homework na pag-aaralan.

MC: Ang Romblon po ngayon ay seawall capital of the Philippines, kada bayan may ginawang seawall-- Magdiwang, Magsibol, below 100M. Hindi highway hindi pa tapos. Yung bahay po namin binabaha dahil ito yung pinakadulo ng seawall sa bayan. Kapag nag high-tide at pag may river swell, yung bahay sa harap ng namin ay baha na. So Romblon, seawall capital of the Philippines.

********

DIALOGUE VIDEOS: Part 1:
https://drive.google.com/file/d/1dSvaHaa_CGFnc3BM1TaWQ_kkyxRepGNm/view?usp=drivesdk

PART 2:
https://drive.google.com/drive/folders/1heLSMRdNnHWLNnvXNF77QLeZpG0jPn8v

News Latest News Feed