Press Release February 12, 2023
TRANSCRIPT OF INTERVIEW - SENATOR FRANCIS 'TOL' N. TOLENTINO
ON SOFVA [Nimfa Ravelo] [Senator Francis N. Tolentino] Ang dapat sigurong pag-usapan natin ay ano yung maidudulot na kabutihan nito, mayroon ba? Sa palagay ko po, mayroon. Sang-ayon po ba ito sa Saligang Batas, sang-ayon sa Saligang Batas kasi mayroon na pong Supreme Court decision yung Sagisag vs. Executive Secretary dati nabanggit yung VFA patungkol sa agreement natin sa Estado Unidos. Pero mayroon hong nakaklimutan sa equation. Mayroon po tayong isang kasunduan ang tawag po dito ay yung SOFVA sa Australia. Sa Australia po natin e katulad din po ng VFA pero VFA natin sa status of Visiting Forces Agreement with Australia ito po ay mayroong Senate Resolution, Senate Resolution No. 100 noon pang, kung hindi ako nagkakamali, July 2012. So pareho rin po iyon. So hindi lang ito naiuulat pero puwede tayo mag padala ng sundalo sa Australia, puwede ang Australia dito. Ganon din po iyon. [Nimfa Ravelo] [Senator Francis N. Tolentino] Yung Balikatan po natin kahit wala pa noong VFA, mayroon na hong Balikatan tayo e. Sang-ayon po iyon sa Mutaul Defense Treaty of 1951. So yung VFA ay nag papahintulot ng pagpapapasok ng mga sundalong Amerikano sa agreed locations sa ating bansa. Mayroong lima ngayon on a rotational basis. Hindi po ito permanent para po makatulong sa pag training, cross training ng ating Sandatahang Lakas, makatulong po sa pag transfer ng teknolohiya, at makatulong din po pag mayroong mga disaster o kalamidad. [Nimfa Ravelo] [Senator Francis N. Tolentino] Ginagawa na po iyon at ang bago nga ngayon ay yung - noong isang taong nagkaroon ng exercises although hindi part ng VFA yung Coast Guard, yung US Coast Guard at Philippine Coast Guard. So ganito rin po yung mangyayari doon po sa naka-amba na Visiting Forces Agreement with Japan. Hindi po ito bawal pero Ma'am Nimfa, gusto ko pong ilatag ito yung historical. Hindi po ito biglaan na pag bisita ngayon e ito na mag ano tayo mag kasundo tayo na hayaan ang Japanese Self Defense Forces. Wala pong Sandatahang Lakas ang Japan sang-ayon sakanilang konstitution, Japanese Self Defense Forces. So ang nangyari po dito, since - ang pagkakasunduan natin sa Japan 2009 e pa ata kung naaalala niyo yung JPEPA nung araw? Naalala niyo pa yon? [Nimfa Ravelo] [Senator Francis N. Tolentino] Pero nung 2011, after nung JPEPA, nagkaroon po tayo ng joint statement tungkol po sa bilateral security cooperation. 2011 po iyon. Nilagdaan din po iyon. 2015 po nagkaroon ng joint declaration and action plan kun kaya't nagkaroon po ng donasyon dito sa atin ng ilang eroplano ng Japanese Self Defense Forces. Ginagamit na po iyan yung mga King Air na yon. So nag papatunay po ito na mahaba na po ito. 2011, ngayon po ay 2023 na. So ito po yung culmination. So kaya yung nag sasabi na baka ito ay dahil lang sa hidwaan sa West Philippine Sea, itong 2011 po wala pa ho yung arbitral ruling noon. Hindi pa ho lumalabas non, diba ho? So nag papatunay overlapping audio itong nilalatag kaya itong lumalabas na binabalangkas ngayon e matagal nang pinaguusapan. [Isa Avendaño-Umali] [Senator Francis N. Tolentino] Sa atin po - una muna sa atin. Sa atin mahalaga ito kasi wala naman po tayo, sa ngayon, ganong kakahayang gumastos ng bilyong bilyong dolares para palakasin ang ating Sandatahang Lakas. Pangalawa, wala naman tayong ganon kalaking resources para ikaltas sa ating National Budget para ipaghanda rin yung - kung ano mang mangyaring mga kalamidad etcetera, etcetera although ginagawa po iyan. Pero ito po, mayroon kagaad tutulong, mayroon kaagad na aayuda sa atin. Naalala ko, Ma'am, noong andon po ako sa Yolanda noong MMDA Chairman po ako noong nagkasakit po ako, nag ka chikungunya po ako non e. Kailangan dalihin po ako sa Maynila parang dengue rin yon. Ang nasakiyan ko po ay light blue na eroplano na C130, iyon pala e iyon yung version ng Japanese Airforce. So tandem din sila yung light blue, Japanese Self Defense Airforce. Iyon po yung sinakyan ko pabalik ng Villamor kasi masama na ho yung lagay ko non. So makikita natin sa mga ganitong - kahit wala hong Visitng Forces Agreement, natulong sila, natulong din sa ibang bansa. At kung magugunita niyo po ngayon, habang nag sasalita ako, nandon din po yung ating Army, nandon din po yung ating ilang Air Force siyam ata o dose sa Turkey. Wala tayong Visiting Forces Agreement sa Turkey so yung ganit pong dialogo at pagtutulungan andiyan po iyan kahit walang nilalagdaan lalong-lalo na pag may kalamidad, gaya nga sa Turkey earthquake. So wala po akong nakikitang mali dito kaya lang magiging institutional po ito dahil lagi silang tutulong sa at mananaig pong batas diyan ay batas ng Republika ng Pilipinas. [Nimfa Ravelo] [Senator Francis N. Tolentino] Sa atin po kasi para hindi tayo ma-bully kailangan makita tayo ng ibang bansa kung sino man ang mang b-bully o ang China man iyan na may kakayahan tayo. Nakikita kung kulang yung ating kakayahan e kung magkakaroon po ng joint patrol e palagay ko yung dapat natin ibili ng barko na para po sa Navy o kung ano man darating po doon magagamit naman natin ngayon sa ilang pangangailangan: sa agrikultura, sa edukasyon. So yung ma-deter yung mararahas na tulak-tulakin nalang tayo, lagutin ulit yung lubid dahil mayroon na tayong mga kasangga sa joint patrol. Magkakaroon siguro ng access sila sa ating mga labor ports or coast guard ports para nang saganon don sila mag dock pero sa re-supply at sa RNR nila pero makakatulong po ng malaki iyan dahil may kasagpi na po tayo kaysa mag allot tayo ng malaking budget na kulang naman para sa pagpapalakas ng Navy or Coast Guard e gamitin naman natin sa ibang pangangailangan. [Nimfa Ravelo] [Senator Francis N. Tolentino] Sakanila po hindi ni-ratify kasi cinoconsider nilang implementation ito ng Mutual Defense Treaty. Kumbaga sundan yung sa Senado parang IRR nalang ito nung naunang lost audio. So dito po sa nakikita ko kagaya po ng nangyari sa Status of Visiting Forces Agreement with Australia noong nabanggit ko nga nung 2012 kailangan magkaroon ng resolusyon ang Senado na sumasangayon dito at don sa resolusyong iyon nakabalngkas po doon yung mga pananagutan ng bawat isa, yung pananagutan din ng Japan kung sakali at nakasaad dapat don na mananaig lagi ang batas lagi ng Republika ng Pilipinas. [Nimfa Ravelo] [Senator Francis N. Tolentino] Kailangan po dumaan sa Senado iyon po yung dapat choppy audio kasi mayroon na tayong President dito yung hindi lang yung VFA kung hindi yung Status of Visiting Forces Agreement with Australia. [Nimfa Ravelo] [Senator Francis N. Tolentino] Opo. Iyon pong sa Visiting Forces Agreement natin sa Australia ay klaro po iyon. So nag papatunay ito na hindi lang tayo sa Estado Unidos mayroong Visiting Forces Agreement, mayroon din po tayo sa Australia ngayon at kung madagdag ang Japan gaya nung nabasa ko sa isang pahayagan mayroon talaga tayong existing na ganiyan. Mayroon tayong Trilateral Cooperation Agreement with Indonesia and Malaysia. Ito naman yung proteksyon nung dagat yung mga terrorism, yung mga piracy, yung mga krimen na nangyayari sa dagat. Mayroon iyan, existing iyan e at bahagi din po tayo ng - mayroon pong tinatawag ngayon na ReCAAP - Regional Cooperation Agreement on Combating Piracy and Armed Robbery on ships. So bahagi rin po tayo, bahagi rin ang Japan. So ito lumalawak ito e. So kung ang paguusapan po ay yung sa dagat, sa West Philippine Sea, yung mga existing, ipapatupad lang iyan, ikaklaro lang iyan. Tapos ito pong ngayon naman may mga rotational forces na temporary. Hindi naman po ito permanent so ang tanong niyo siguro: saan naman yung mga agreed locations? Kung ang gagamiting agreed locations ay yung location na rin ng Estados Unidos, ibang usapan na iyon kasi kailangan pumayag na yung Estados Unidos don hindi kasi ito trapado na puwedeng mag accede sila na o sama kami diyan, iba po. So malamang lamang po iba ang location ng Japan sa nakikita ko unless magkaroon ng kasunduan yung tatlong bansa o dito kami sa kabilang dulo. [Nimfa Ravelo] [Senator Francis N. Tolentino] Ang tingin ko dahil mayroon tayong existing sa Australia, hindi na ito tripartite, quad na ito. Apat na ho e, diba ho? Australia, Japan, Philippines, and the United States. So hindi na ito tatlo lang so nakalimutan kasi yung SOFVA lost audio ngayon. So ngayon mangyayari niyan siguro malamang-lamang e mayroong sariling temporary agreed location para sa Japan at ang Japan naman po e may sariling kapasidad para mag tayo ng sariling lokasyon at tayo rin po yung mag babantay may joint security don at kung ano man yung mga istraktura na nagawa nila don iiwan din po sa atin. Hindi naman nila bibitbitin iyon. So lahat po ito temporary, sangayon sa ating saligang batas, at ang tinutukoy ko po dito ay yung pag babawal ng permanent bases na nasa constitution section 25 ng last article po ng ating saligang batas na kailangan po ay may consent, may consent po ang senado at ito na nga po yung mangyayari. [Nimfa Ravelo] [Senator Francis N. Tolentino] Pakinabang po natin diyan, sa halip na tumustos tayo ng malaking halaga para palakasin yung ating kapabilidad sa Navy o kaya sa Armed Forces, e yung ilalaan don na gagastusin, baka i-utang pa, e gastusin sa pangangailangan ng ating mga nagkakasakit na senior citizens, gastusin na para sa pagtaas ng kalidad ng ating edukasyon, gastusin na para sa pag modernize ng ating agrikultura. At siguro po malapit-lapit sa sikmura, kung maganda yung joint patrol na kalalabasan sa West Philippine Sea e makakapangisda na yung ating mga mangingisda sa Palawan at Zambales, makakapanghuli na tayo ng isda sa Bajo de Masinloc ng Malaya yung ating mga mangingisda, at marami pa hong iba. Hindi ko lang ma-compute kung may c-compute nito siguro Department of National Defense, magkano yung dapat gagastusin ngayon na puwede naman ipagpaliban na dahil darating na yung ilang kagamitan na libre naman ipapagamit sa atin gagamitin nila makakatulong din sa atin at gamitin nalang iyon, i-divert nalang yung funds don sa budget 2024 halimbawa para po makagawa tayo ng maraming eskuwelahan, maraming mga sholars sa kolehiyo, at maraming matulungan na, nabanggit ko nga, na may mga sakit na senior citizens. [Isa Avendaño-Umali] [Senator Francis N. Tolentino] Depende po iyan sa mapagkakasunduan. Although may mga - mayroong - siguro may kaonting sensitivity kung malapit lapit po doon kasi ang Japan at ang China ay may hidwaan din doon sa Senkaku Islands, mayroon din silang onti doon. So siguro mainam din na gamitin yung ilang lokasyon na hindi pa napapagusapan dito sa mga dinadaanan ng bagyo, itong mga - maganda po ang response ng Japan lalong lalo na sa earthquake. Naalala niyo po nung lost audio ang galing po nila. So yung ating tinatamaan lagi na lindol, itong portion ng Mindanao. So makakatulong po sila doon. [Isa Avendaño-Umali] [Senator Francis N. Tolentino] Opo at magagaling po yung kagamitan nila. Nabanggit ko na nga po kanina nung sa Yolanda e ang dami ho nila don hindi lang ito na highlight. Nalaman ko lang na andon sila nung nakasakaya na po ako don sa eroplano nilang light blue. [Isa Avendaño-Umali] [Senator Francis N. Tolentino] Unang una, nakalagay po don sa - yung VFA with United States, yung SOFVA with Australia, ang mananaig ay yung batas ng Pilipinas. Pero mayroong isang Committee dito na siya yung may oversight, siya yung dudulugan ng reklamo at ito naman po ay na teterminate din. Puwede ito ma-terminate natin kung sa tingin natin e naabuso na, puwede tayo mag notify lang. Ang alam ko sa SOFVA 18 months mag notify tayo sa Australia, ma-terminate na. Hindi naman ito unli. So pag may abuso, yung abuso naman e talagang - mayroon talagang nangyayaring ganon pero sa akin mas malaki po yung makukuhang benepisyo dahil kitang kita - ramdam ko po ngayon dito sa - alam niyo po don sa Turkey mayroong MMDA tean din don. Kita ko po kung papaano makatulong ang ibang bansa. Kung paano rin po tayo tumutulong sa Turkey at Syria lalong lalo na pag may kalamidad hindi na po iniisip don yung mga ganong situwasyon na may abuso. Ang kailangan po don makapagligtas ng buhay at makatulong. [Nimfa Ravelo] [Senator Francis N. Tolentino] Kung tunay po na nirerespeto nila ang soberenya ng Pilipinas, e siguro po walang dapat tumigil sa isang malayang bansa kagaya ng Pilipinas na gumawa ng tamang hakbang para mapalakas naman ang ating sariling defense posture, ang ating sariling karapatang ipagtanggol ang ating sarili. Kung wala naman talaga silang masamang mithi, hindi dapat mag react bagkus dapat tignan po ito na isang paraan para magkaroon ng regional peace and security doon sa area, sa West Philippine Sea, sa mga karagatan para makapag - magkaroon talaga ng tamagang freedom of navigation, makapangisda yung dapat mangisda, maipatupad po yung tamang tratado tungkol sa trade na walang pangamba. So kung talagang sila ay naniniwala na kaibigan natin sila at tinuturing din tayong kaibigan e hindi po dapat sila mangamba. Ginagawa lang po natin iyan para mapatibay yung ating sariling defense posture at mapalakas yung sekuridad sa buong region. [Nimfa Ravelo] [Senator Francis N. Tolentino] Ma'ams makikita niyo hindi naman po ito on a daily basis e. Nakalimutan na nga ng iba yung SOFVA with Australia. Lost audio dito sa atin and yet there is an existing agreement with Australia approved by the Philippine Senate. So nakalimutan na e. Hindi na po ito lost audio wala na atang Australian Forces dito except yung sa Australian inaudible baka yung lost audio. ON THE 1987 CONSTITUTION [Isa Avendaño-Umali] [Senator Francis N. Tolentino] Hindi pa ho nakakarating - nakarating sa akin yung mga bumlong bulong-an tungkol dito pero yung tunay na laman, laman loob ho, proposal sa - siguro dadaan muna ito don sa Committee on Constitutional Amendments. Although yung mga naunang proposal ng mga hearing nung committee on constitutional amendments about federalism mukhang iba ho itong naririnig ko. So hindi ho ako makasagot muna. Hintayin ko mabasa muna yung - kung ano yung panukala na nanggaling sa mababang kapulungan, House of - due respect to them, parliamentary courtesy bago po ako mag bigay ng isang kumento. Pero pupunta ho iyan sa Committee on Constitutional Amendments. Miyembro rin po ako nung constitutional amendment. Si Senator Padilla ang chairman doon at tutulong po tayo mabalngkas kung ano po yung mga panukala nila. [Nimfa Ravelo] [Senator Francis N. Tolentino] Opo. Mayroon pong mga panukala noon tungkol naman po ito sa mga economic provisions kasama rin ang federalism pero may mga ilang economic provisions, na sinasabi rin ng aking mga colleagues, na nsasagot na nung pagbabago natin don sa retial trade act at iba pang mga lost audio etcetera etcetera. So tignan po natin kung ano yung - kung ito ba ay isang piecemeal amendment to the constituion or is this an entire overhaul of the 1987 constitution, magkaiba po iyon. At tsaka yung proseso po na nanggaling sa lower house, is this through a consitual assembly, is this through a constitutional convention, hindi ko pa ho hawak yung kanilang proposal. ON EARTHQUAKE [Nimfa Ravelo] [Senator Francis N. Tolentino] Tama po iyon tapos ginawa po natin, hindi sa pag yayabang, yung Oplan Metro Yakal. Iyon po rin yung bibliya natin kung sakaling tatama yung 7.2 sa Metro Manila. At hindi sa pagyayabang, tayo po yung bumalangkas nito kung alam niyo yung evacuation center natin sa Villamor, sa V. Luna area, yung lost audio sa Pasig, at dito po sa Intramuros Golf Course. So inuupdate-update nalang nila yan ng OCD siguro so malaking tulong din po yung JICA diyan at sa pag-aaral nila e malaki ang magiging tama sa ating ekonomiya dito sa National Capital Region at matitigil - ayoko ng i-discuss ito dahil nasa - natatandaan niyo ba nagkaroon pa tayo ng shake drill noong araw? [Nimfa Ravelo] [Senator Francis N. Tolentino] Baka ho na doble na iyon. [Nimfa Ravelo] [Senator Francis N. Tolentino] At tsaka yung involvement po ng pribadong sektor dapat ma-hightened po. Pero ipagmamalaki ko yung MMDA kasi yung MMDA team ngayon na nasa Turkey iyon din yung mga- mayroong lindol noon sa Nepal nagpadala po tayo noon. MMDA lang po ang nakarating doon at yung dumating po yung GMA 7 nakita nila yung Philippine flag nakatayo sa Nepal. So yung training, tuloy tuloy po iyon. Tuloy tuloy. So sana po ito mas lumawig yung kamalayan, hindi lang sa Metro Manila, sa Davao po laging nililindo, sa Davao del Sur, ganon din po sa Camarines Norte halos nakadalawa na ata ngayon sa Camarines Norte. So sana po lumawak lalo yung kamalayan dito nang sa ganon maging ligtas po tayo. [Nimfa Ravelo] [Senator Francis N. Tolentino] Pero ang isa hong magandang leksyon dito e kung papaano natin mapapalakas yung ating building code. Ang alam ko itong darating na linggo may mga hearings sa Senado para baguhin itong building code kasi ang isang malaking lesson sa Turkey mukhang hindi malalakas yung kanilang materyales kaya choppy audio sa Turkey daw e may hinuli na isang contractor na palabas ng Turkey dahil ito yung gumagawa nung mga buildings sa mga nabasa ko. So siguro panahon na i-review natin yung building code lalong-lalo na sa mga areas na may mga fault lines at papano po ito gagawin siguro e mahabang habang usapin ito at pati yung mga materyales na ginagamit yung bakal at semento. |
Wednesday, April 23 Tuesday, April 22
|