Press Release February 14, 2023 Robin: Public Service Act Not Felt Without Amendments to Charter's Economic Provisions The promised benefits of the Public Services Act have yet to be felt one year after its passage, and they will not likely be felt especially if the economic provisions of the Constitution will not be amended, Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla said Tuesday. Padilla said that aside from the Public Service Act still lacking implementing rules and regulations, some groups are questioning its constitutionality. "Paano natin ibebenta sa foreign investor na meron kaming na itong public utility pwede na kayong mag-invest dito? E 1 year na, wala pang IRR. Kinukwestyon pa ng maraming nagrereklamo at sinasabi nila na unconstitutional ito. Kung ikaw ba, investor ka, makita mo gusto ko mag-invest sa public utility na yan at nabalitaan mo, teka may nagkukuwestyon, magbibigay ka ng pera (How will we attract foreign investors with the Public Service Act when it still has no IRR, and some groups are still questioning its constitutionality? If you were a foreign investor and you learned about these issues, will you still invest in the Philippines)?" he said in an interview on DZRH. Also, Padilla has started working on the timetable to amend the economic provisions in the 1987 Constitution, aiming to bring it to the people in a plebiscite that will coincide with the barangay elections this October. Padilla, who chairs the Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes, said he wants to speed up the process through a Constituent Assembly, and removing political provisions from the equation. "Dapat mag-committee hearing muna. Ini-schedule namin ito kaagad. Dapat mga June po (matapos ang hearings). Kasi sa Saligang Batas sinasabi po doon, mangyari po ang ating pag-ratify ang plebisito sabi po doon hindi aaga ng 60 days. Hindi rin sosobra ng 90 days. So meron lang po tayong maiksing maiksi para makasabay tayo sa barangay election para makatipid tayo (We should have a committee hearing first. Under the Constitution, the ratification should not be earlier than 60 days nor exceed 90 days. So we have a short time to make sure the plebiscite lines up with the barangay elections, so we can save funds)," he said in an interview on DZRH on Tuesday. Padilla said he is aiming to have the amendments hurdle the bicameral level by August, and have the plebiscite coincide with the barangay elections on Oct. 30. He added he does not agree to a constitutional convention that he said will be more expensive, and may open the door to tackling political provisions. Also, he said he is not worried about the lack of support in the Senate, noting Sen. Ronald dela Rosa had sought to amend the Charter's economic provisions in the 18th Congress while Sen. Sherwin Gatchalian is also seeking to do so in the 19th Congress. Meanwhile, Padilla said he holds no hard feelings against President Ferdinand Marcos Jr. when he said amending the Charter is not his priority, since it is not the President's mandate to take steps to amend the Constitution. "Pag titingnan po natin ang dati niyang interview noong siya po ay mambabatas, naniniwala siya noon na kailangan ay ng ating economic provisions sa Saligang Batas kailangan magbukas tayo sa foreign investment. Pero siyempre presidente siya, wala na yan sa mandato niya, tama lang po yan (The President, when he was a lawmaker, believed in amending economic provisions in the Constitution to bring in more foreign investments. Now that he is the President, this is not his mandate, so there's nothing wrong with it)," he said. "At yan naman pong pina-prayoridad niyang panukala nasa batas natin yan, dapat gawin niya yan ang inaakala niya na dapat maisulong na batas na makatulong sa kanya para mapaganda ang bansa natin, dapat lang po. Pero pagdating sa Saligang Batas, I'm sorry Mr. President, wala po ito hindi nyo po ito pwede saklawan. Ang masusunod dito taumbayan. Sila magdedesisyon ito bang economic provision na sinusulong dito ay dapat bang tanggapin o hindi. Wala ito sa kapangyarihan ng Pangulo (His priority is to implement the law. But it is not his mandate to amend the Constitution. Besides, it is the people who will decide on the proposed amendments to the Charter's economic provisions)," he added. Padilla reiterated that the Constitution's economic provision must be amended to allow more foreign investments - and in turn, generate jobs for Filipinos. He said the farmers of the Constitution also admitted they "rushed" their work, leading to some restrictive economic provisions. "Galing tayo sa People Power, isarado natin itong foreign investment na ito, gawin nating para sa Pilipino lahat. Aba napakaganda. Tunay na napakaganda, noong panahon na yan. 1987 po yan, mga mahal kong kaibigan. 2023 na po. Ang tanong, meron bang nagawa ang paghihigpit na yan para sa ating ekonomiya? Wala po. Kasi ang nakalagay doon 60-40 (At the time, the country just experienced People Power, and the framers of the Constitution wanted a nationalistic Charter. It was very good - for 1987. It's 2023 now. Did the restrictive economic provisions benefit us? No, because foreign investments are limited to 40%)," he said. He added that at a time of globalization when the Philippines has participated in many international trade agreements, the restrictions in the Constitution may be a stumbling block to the entry of foreign investors. "Hindi po tayo dapat nagtitiis. Wala po dapat yan sa ating kalamnan na ang itong paghihirap na ito titiisin natin at tayo nagmamakaawa, uutang - palagi yan ang ating gobyerno tumatakbo na lang sa utang. Kaya sana mga mahal kong kababayan itong mga economic provision na ito maisagawa natin dahil ito ginawa ng kapitbahay natin sa Asya at sila masigabo na, itong pagbubukas natin ng Foreign Direct Investments (We should not suffer because of this. We should not get by on borrowing. So I hope the economic provisions can be amended so we can be at par with our Asian neighbors whose economies are open to foreign direct investments)," he said. Robin: Pag-Amyenda sa Economic Provisions ng Konstitusyon, Kailangan Para Ramdam ang Public Service Act Hindi ramdam ang kaginhawaang pangako ng Public Services Act isang taon na ang nakaraan - at hindi ito mararamdaman lalo na kung hindi maremedyuhan ang pagiging sobrang higpit ng economic provisions ng Saligang Batas, ayon kay Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla ngayong Martes. Ani Padilla, bukod sa wala pa ring implementing rules and regulations ang Public Service Act, kinukwestyon ng ilang grupo ang pagiging constitutional nito. "Paano natin ibebenta sa foreign investor na meron kaming na itong public utility pwede na kayong mag-invest dito? E 1 year na, wala pang IRR. Kinukwestyon pa ng maraming nagrereklamo at sinasabi nila na unconstitutional ito. Kung ikaw ba, investor ka, makita mo gusto ko mag-invest sa public utility na yan at nabalitaan mo, teka may nagkukuwestyon, magbibigay ka ng pera?" ayon kay Padilla sa panayam sa DZRH. Nagsimula na rin si Padilla na maglatag ng timetable para sa pagbago ng economic provisions ng ating Saligang Batas, kung saan target niyang isabay ang plebisito nito sa darating na barangay elections sa Oktubre. Ani Padilla, tagapangulo ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes, nais niyang mapabilis ang proseso sa pamamagitan ng Constituent Assembly - at hindi kasama sa usapan ang political provisions. "Dapat mag-committee hearing muna. Ini-schedule namin ito kaagad. Dapat mga June po (matapos ang hearings). Kasi sa Saligang Batas sinasabi po doon, mangyari po ang ating pag-ratify ang plebisito sabi po doon hindi aaga ng 60 days. Hindi rin sosobra ng 90 days. So meron lang po tayong maiksing maiksi para makasabay tayo sa barangay election para makatipid tayo," ayon sa mambabatas. Nais din ni Padilla na pagdating ng Agosto, matapos na ang pagtalakay sa bicameral level, at maihabol ang plebisito para sumabay sa barangay election sa Oktubre 30. Iginiit niya na hindi siya papayag sa constitutional convention na mas magastos at maaari pang mabuksan ang political provisions. Ayon kay Padilla, hindi siya nababagabag na kukulangin siya ng suporta sa Senado dahil nagsulong na ng pagbago ng economic provision noong 18th Congress si Sen. Ronald dela Rosa. Sa 19th Congress naman ay nagsulong nito si Sen. Sherwin Gatchalian. Ipinunto rin ni Padilla na hindi siya nagtatampo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong sinabi niyang hindi niya prayoridad ang pagbago ng probisyon sa Saligang Batas - dahil hindi naman mandato ng Pangulo na isulong ang pagbabago ng Konstitusyon. "Pag titingnan po natin ang dati niyang interview noong siya po ay mambabatas, naniniwala siya noon na kailangan ay ng ating economic provisions sa Saligang Batas kailangan magbukas tayo sa foreign investment. Pero siyempre presidente siya, wala na yan sa mandato niya, tama lang po yan," aniya. "At yan naman pong pina-prayoridad niyang panukala nasa batas natin yan, dapat gawin niya yan ang inaakala niya na dapat maisulong na batas na makatulong sa kanya para mapaganda ang bansa natin, dapat lang po. Pero pagdating sa Saligang Batas, I'm sorry Mr. President, wala po ito hindi nyo po ito pwede saklawan. Ang masusunod dito taumbayan. Sila magdedesisyon ito bang economic provision na sinusulong dito ay dapat bang tanggapin o hindi. Wala ito sa kapangyarihan ng Pangulo," dagdag ni Padilla. Muling ipinunto ni Padilla na kailangang baguhin ang economic provision sa Saligang Batas para pumasok ang foreign investment - at magkaroon ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino. Iginiit niya na inamin ng ilan sa mga humubog ng 1987 Constitution na minadali ang paggawa nito, kaya naging restrictive ang probisyon nito. "Galing tayo sa People Power, isarado natin itong foreign investment na ito, gawin nating para sa Pilipino lahat. Aba napakaganda. Tunay na napakaganda, noong panahon na yan. 1987 po yan, mga mahal kong kaibigan. 2023 na po. Ang tanong, meron bang nagawa ang paghihigpit na yan para sa ating ekonomiya? Wala po. Kasi ang nakalagay doon 60-40," aniya. Ngayong panahon ng globalization kung saan sumali ang Pilipinas sa maraming international trade agreement, nguni't restricted naman ng Saligang Batas ang pagpasok ng mga foreign investor. "Hindi po tayo dapat nagtitiis. Wala po dapat yan sa ating kalamnan na ang itong paghihirap na ito titiisin natin at tayo nagmamakaawa, uutang - palagi yan ang ating gobyerno tumatakbo na lang sa utang. Kaya sana mga mahal kong kababayan itong mga economic provision na ito maisagawa natin dahil ito ginawa ng kapitbahay natin sa Asya at sila masigabo na, itong pagbubukas natin ng Foreign Direct Investments," dagdag niya. |
Thursday, June 19
|