Press Release
February 16, 2023

A Show of Humility and an Appeal from Brother Robin Padilla and Director Coco Martin

Assalamualaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.

I wish to give a statement regarding the Feb. 14 episode of the teleserye "Batang Quiapo" that raised concerns from our fellow Filipinos, particularly our Muslim community.

One scene involved 'Tanggol,' the character played by Coco Martin, who was chased by police after stealing a necklace in Quiapo. In the scene, the character fled towards a residential building occupied by a group of Muslims led by Manong Rez Cortez.

I understand that our Muslim brethren were hurt by the scene that portrayed Muslims consenting to a theft - in addition to the showing of religious images such as the Golden Mosque, adhan (call to prayer), and garments used by Muslims in prayer.

I wish to make clear that Islam strictly forbids any form of theft, or the consent thereof. Such acts are haram, or a major offense.

That said, I also wish to let you know that Coco Martin personally went to my office at the Senate to explain his side over the controversial scene.

I listened to his explanation and felt his sincerity - as an actor-director to a fellow actor-director - in apologizing to all who may have been hurt.

My dear brethren, I assure you that Mr. Coco Martin'e intentions are pure, and I am sure he had no ill intentions toward anyone. He admitted that he has much to learn about Islam. Thus, instead of criticizing his shortcomings, I appeal to you to understand him.

For their part, the people behind "Batang Quiapo" have promised to be more sensitive in portraying various sectors of society, especially images of culture, tradition and religion.

Truly, the Muslim community in Manila, particularly Quiapo, is rich in tradition.

My prayer is for all our sectors and industries to do their part to end this ugly stereotype of Muslims and the Islam faith. In sha Allah.

To my Muslim brethren, In sha Allah, may this episode provide us with a golden opportunity to improve awareness of the Islam faith that is rooted in peace, the goodness of God, and goodness to our fellows.

My brethren, sometimes unwanted things happen. It may look bad at first, but it can be considered an opportunity for us to show people the right teachings of Islam. Let us not find fault with our brethren who are not Muslim and who are not aware of our faith. Instead, let us embrace them and talk to them, so they will know what Islam is.

Shukran.


Pagpapakumbaba at Panawagan ni Kapatid Robin Padilla at Director Coco Martin

Assalamualaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.

Ako po ay humaharap sa inyo ngayong araw na ito upang magbigay ng pahayag patungkol po sa isang episode ng teleseryeng Batang Quiapo na ipinalabas noong ika-14 ng Pebrero, araw po ng Martes - na masasabi po nating tumawag sa atensyon ng ating mga kababayan, partikular na po sa komunidad naming mga Muslim.

Ang tinutukoy ko po ay ang eksena ni 'Tanggol' na ginaganapan ni Coco Martin kung saan makikita ang paghabol ng mga pulis sa kanya matapos manghablot ng kwintas sa Quiapo. Sa eksena ay makikitang tumakbo patungo sa isang gusaling tinitirahan ng mga Muslim na pinamumunuan po ni Manong Rez Cortez.

Nauunawaan ko pong nasaktan ang ating mga kapatid sa paglalarawan na tila ba kinikunsinte ng mga Muslim ang pagnanakaw ng karakter ni Tanggol. Kaalinsabay po nito ang naging paggamit ng mga relihiyosong imahe, katulad po ng Golden Mosque, adhan (ito po ang tawag sa pagdasal), at mga kasuotang ginagamit po sa pagdadasal ng isang Muslim.

Nais po nating bigyang diin na malaking kasalanan, haram o ipinagbabawal po sa Islam ang anumang uri ng pagnanakaw, gayundin po ang pagkunsinti sa sinumang magnanakaw.

Kaugnay nito, nais kong ipaalam na personal po na pumunta sa aking tanggapan si Ginoong Director Coco Martin upang ibigay po ang kanyang paliwanag sa kontrobersyal na bahagi ng kanyang teleserye.

Personal ko pong narinig at nakita at naramdaman ang sinserong paghingi ng paumanhin ng aking kapwa-aktor at direktor sa lahat po ng mga nasaktan sa nasabing paglalarawan.

Mga mahal kong kapatid, ako na po ang naggagarantiya sa mabuting kalooban ni G. Coco Martin. At sigurado po akong wala siyang masamang intensyon kanino man. Inaamin po niya na kulang ang kanyang kaalaman sa Islam, kung kaya't sa halip po na ating kutyain ang kanyang pagkukulang, ako na po ang nananawagan po sa inyo upang atin itong sama-samang bunuan.

Sampu po ng mga bumubuo ng Batang Quiapo, sila naman po ay nangangako na mas magiging maingat at sensitibo sa pagsasalarawan ng mga sektor lalo't higit po kung nakasalalay dito ang imahe ng kultura, tradisyon, at maging relihiyon.

Tunay na mayaman po at makulay ang komunidad ng Muslim sa ka-Maynilaan, partikular po sa Quiapo - na tumatagos sa libo-libong pahina ng ating kasaysayan.

Ang atin pong dalangin: nawa'y samahan pa tayo ng lahat ng industriya sa bansa upang matuldukan na natin sa wakas ang hindi magandang stereotype patungkol sa mga Muslim, at paniniwalang Islam. In sha Allah.

Sa akin pong mga kapatid na Muslim, In sha Allah, ang pangyayaring ito ay isa rin pong pambihirang pagkakataon upang lalo pa nating mapagtibay sa pamamagitan ng da'wah upang makapag-bigay alam sa ating lipunan tungkol sa pananampalatayang Islam - na nakaugat po sa diwa ng kapayapaan at kabutihan sa Diyos at sa kapwa.

Mga kapatid ko, may mga bagay pong nangyayaring hindi natin gusto. Mukhang sa unang tingin hindi maganda, pero ito po nakikita natin, ito po ay nakakaganda para sa da'wah. Ito ang pagkakataon para lumabas po tayong lahat at mag da'wah tayo patungkol po sa tamang katuruan ng Islam. Huwag po tayong mangutya. Huwag po natin kutyain ang ating mga kapatid na hindi Muslim, na hindi nakakaalam sa ating pananampalataya. Bagkus, sila po ay ating yakapin, kausapin, itong pagkakataon na ito malaman po nila kung ano ang Islam.

Shukran.

*****

Video: https://youtu.be/f7EEOpHGgH4

News Latest News Feed