Press Release
February 18, 2023

Robin: MTRCB Responds to Call to Ban Showing of 'Plane' in the Philippines

The Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) has promised Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla it will not allow the showing in the Philippines of the film "Plane" due to the bad image it portrayed about the Philippines.

Padilla said on Saturday that he received a commitment from MTRCB officials led by Chairperson Diorella "Lala" Sotto, when they met at his Senate office on Friday.

"Opo. Ang sabi nila sa akin, kinausap po nila ang distributor. At ngayon ang gusto natin masulatan natin ang mismong producer (Yes, they told me they have talked to the film's Philippine distributor. And now we want to write the producers of the film)," Padilla said in an interview on DWIZ, when asked if he received a commitment from the MTRCB not to allow the showing of the film in the Philippines.

Padilla also thanked Sotto for her promise to call the attention of the film's Philippine distributor. He said he explained to Sotto his reasons for calling for a ban on the Philippine showing of the film.

In his manifestation last Feb. 15 in the Senate, Padilla condemned the bad image of the Philippines in "Plane," saying the reputation of the Motherland is at stake. He referred to the film showing Jolo is controlled by rebels, with government forces no longer there.

Padilla noted the film's bad image of the Philippines comes at a time the Philippines is trying to revive its tourism after the pandemic. Padilla also voiced concern over the film's portrayal of Jolo residents as siding with the terrorists.

"Sabi ko sana kung pinandigan na lang ng pelikulang ito na fiction lang siya, hindi na nila nilagay ang Pilipinas (If the producers of the film claim it is fiction, they should not have said the story happened in the Philippines)," he said.

In a separate interview on SMNI on Friday, Padilla reiterated he cannot keep quiet on the matter because he chairs the Senate Committee on Public Information and Mass Media. He also chided "critics" who questioned his protests against the film.

"Hindi tayo pwedeng manahimik dito... Ang panawagan ko sa inyo, pagdating sa oras na ang bayan natin ay inaalipusta at minamaliit, huwag natin ipagtanggol ang dayuhang ito... Nasaan ang ating pagiging makabayan pag ganitong oras na ang ating imahe ay minamaliit (I cannot keep quiet. And I call on you not to side with the foreigners when our country is being attacked like this. Where is our sense of nationalism when our image is being attacked)?" he said.

Padilla also said he wants to give the MTRCB the mandate to issue guidelines where films that may damage the Philippines' reputation not be shown here. "Ang condition, huwag sirain ang bansa natin (One condition to consider is that the film should not damage the Philippines' reputation)," he said.


Robin: MTRCB Tumugon sa Panawagang Ipagbawal ang Paglabas ng 'Plane' sa Pilipinas

Nangako ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kay Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla na hindi nito papayagang ipalabas sa Pilipinas ang pelikulang "Plane" na naglabas ng masamang imahe ng Pilipinas.

Ani Padilla nitong Sabado, nakuha niya ang pangakong ito sa opisyal ng MTRCB na pinamumunuan ni Chairperson Diorella "Lala" Sotto, nang nagpulong sila sa tanggapan ni Padilla sa Senado nitong Biyernes.

"Opo. Ang sabi nila sa akin, kinausap po nila ang distributor. At ngayon ang gusto natin masulatan natin ang mismong producer," ani Padilla sa panayam sa DWIZ, nang tinanong kung may commitment ang MTRCB na hindi ipapalabas ang pelikula sa Pilipinas.

Nagpasalamat si Padilla kay Sotto sa pangako rin nito na ipatatawag ang pansin ng Philippine distributor ng pelikula. Dagdag ni Padilla, pinaliwanag niya kay Sotto kung bakit hindi ito dapat ipalabas sa Pilipinas.

Sa kanyang manifestation noong Pebrero 15 sa Senado, kinondena ni Padilla ang masamang imahe ng Pilipinas na ipinalabas ng "Plane," at iginiit na reputasyon ng Inang Bayan ang pinaguusapan dito dahil mali ang imahe na pinapalabas ng pelikula sa pamahalaan. Sa pelikulang "Plane," ang bida ay nag-crash sa Jolo na diumano'y kontrolado ng rebelde - at wala na raw dito ang pwersa ng pamahalaan.

Ipinunto din ni Padilla na kung kailan binubuhay muli ang ating turismo matapos ang pandemya, maling imahe ng Pilipinas ang pinalabas ng "Plane" tulad ng kontrolado na raw ng rebelde at terorista ang Jolo, at ang ating kasundaluhan ay nagtatago na bahag ang mga buntot. Nagalit din si Padilla sa eksenang mga civilian daw sa Jolo ay nagti-tip sa mga terorista kung saan ang mga foreigner.

"Sabi ko sana kung pinandigan na lang ng pelikulang ito na fiction lang siya, hindi na nila nilagay ang Pilipinas," aniya.

Sa isang panayam sa SMNI nitong Biyernes, iginiit din ni Padilla na hindi siya pwedeng hindi magreklamo dahil siya ang tagapangulo ng Senate Committee on Public Information and Mass Media.

Tinugon din ni Padilla ang mga "kritiko" na nagkukwestyon sa pagsalita niya laban sa maling imaheng pinalabas ng pelikula.

"Hindi tayo pwedeng manahimik dito... Ang panawagan ko sa inyo, pagdating sa oras na ang bayan natin ay inaalipusta at minamaliit, huwag natin ipagtanggol ang dayuhang ito... Nasaan ang ating pagiging makabayan pag ganitong oras na ang ating imahe ay minamaliit?" aniya.

Nais din ni Padilla na bigyan ng mandato ang MTRCB na magkaroon ng guidelines na hindi papayagan ang paglabas ng pelikulang maaaring makasira sa imahe ng Pilipinas. "Ang condition, huwag sirain ang bansa natin," aniya.

News Latest News Feed