Press Release
February 20, 2023

Alan, Pia push for reconciliation, legal clarity in latest CIA with BA episode

Two friends were reconciled after a bitter falling-out while a married woman finally received the legal and livelihood advice she needed to escape an abusive marriage during last weekend's episode of Cayetano in Action with Boy Abunda, better known as CIA with BA.

On the third installment of GMA 7's newest late-night public service program hosted by Senators Alan Peter and Pia Cayetano alongside the country's King of Talk Boy Abunda, tensions ran high as two former best friends threw bitter remarks at each other over various grievances.

The pair, who have worked together in the same hair salon for years, had a falling-out due to accusations of unprofessionalism and bad attitudes in the workplace. One of them even accused the other of seducing their boyfriend, further complicating their spat.

Senator Alan advised the two former friends to dial down their anger towards each other, as their emotions were getting in the way of any real reconciliation.

"For me, simple lang 'yan. You can go on hurting each other (and) stop knowing each other, or you can try to remember what made you friends in the first place," he added.

Senator Pia asked how the two friends really saw each other, and upon learning that the two hairdressers grew up together and treated each other like siblings, the senator advised them to make up.

"Alam niyo ba 'yung mga magkapatid, nag-aaway din. Naka-ilang away na rin kami ni Alan mula noong bata kami, pero nagbabati pa rin naman kami," she said.

In the end, with advice and encouragement from Senators Alan and Pia, the two hairdressers agreed to put their bitter rivalry behind them and hit the reset button on their friendship.

"Bawal ang siraan, kahit anong galit sa isa't isa, confront each other na lang. Take it slowly, step by step, kasi it takes time na manumbalik," Senator Alan said.

Another case that the sibling lawmakers handled during the show was that of a wife who was staying with her husband despite the physical abuse she was receiving from him.

Senator Pia was adamant that the wife file a case against the husband and get out of the abusive marriage either through a legal separation or an annulment.

"Maliwanag kasi 'yung batas natin na kayo po ay biktima ng violence against women, at klaro naman ang karapatan ninyo na umalis sa ganung klaseng sitwasyon. Sa legal, paano ka aalis, kung ito ba ay legal separation o annulment. Sa aking opinyon, pasok ka sa pareho," she said.

She explained that under a legal separation, a couple stays married but they can live separately, whereas an annulment declares a marriage void because of a psychological incapacity on the part of the spouse.

"Ang physical abuse kasi na ginagawa sa inyo, tinuring na rin 'yan ng Supreme Court na evidence ng psychological incapacity," she said.

Senator Alan also advised the woman to leave her abusive husband and to start her own business so that she could provide for their children.

"Kung ang gusto mo lang talaga ay safety mo at safety ng mga anak mo, hiwalayan mo na 'yan. Tutulong kami sa protective order, and then tutulong kami sa hanapbuhay mo. Pero kung gusto mong matuto talaga siya at maging sample sa iba, kasuhan mo talaga," he said.

CIA with BA staff assisted the woman in getting a protective order and starting a case against her husband. She also received livelihood training so that she could start earning her own income and be financially independent from her abusive spouse.

CIA with BA is a continuation of the legacy of the senators' late father Rene Cayetano, who was known for his radio and TV program "Compañero y Compañera" from 1997 to 2001.

Like their father, the Cayetano siblings now address the people's need for information and guidance regarding Philippine laws and how to apply them in real life situations.

CIA with BA airs every Sunday at 11:30 p.m. on GMA, with replays on Saturdays at 10:30 p.m. on GTV.


Alan at Pia, pinagkasundo ang dating magkaibigan sa 3rd episode ng CIA with BA

Dalawang magkaibigan ang nagkabati matapos ang kanilang alitan samantalang nakakuha naman ng payong legal at pangkabuhayan ang isang babaeng inaabuso ng kanyang asawa.

'Yan ang mga naganap sa pangatlong episode ng Cayetano in Action with Boy Abunda (CIA with BA), ang pinakabagong late-night public service program ng GMA 7 na pinangungunahan nina Senador Alan Peter at Senador Pia Cayetano kasama ang King of Talk na si Boy Abunda.

Sa episode noong Linggo, February 19, 2023, tumaas ang tensyon sa pagitan ng dalawang dating matalik na magkaibigan nang magkapalitan sila ng maaanghang na salita dahil sa iba't ibang mga isyu sa pagitan nila.

Bagama't magkasamang nagtatrabaho sa isang hair salon ang dalawang magkaibigan, nagkaroon sila ng awayan dahil sa mga alegasyon ng pagiging unprofessional at labis pagsusungit sa isa't isa. Inakusahan pa ng isa sa kanila ang dating kaibigan ng pang-aagaw ng kanyang boyfriend, na lalo pang nagpagulo sa sitwasyon nila.

Inabisuhan ni Senador Alan ang dalawa na maghinay-hinay sa galit nila sa isa't isa dahil nakakasagabal sa pagbabati nila ang mga emosyong nararamdaman nila.

"For me, simple lang yan. You can go on hurting each other (and) stop knowing each other, or you can try to remember what made you friends in the first place," wika ng senador.

Tinanong naman ni Senador Pia kung ano talaga ang pagtingin ng dalawang parlorista sa isa't isa, at nang malaman niyang magkasama pala silang lumaki at tinuturing ang isa't isa bilang magkapatid, inabisuhan ng senadora ang dalawa na magkaayos na.

"Alam niyo ba yung mga magkapatid, nag-aaway din. Naka-ilang away na rin kami ni Alan mula noong bata kami, pero nagbabati pa rin naman kami," aniya.

Sa tulong ng pagpapayo nina Senador Alan at Senador Pia, nagkasundo ang dalawang parlorista na tapusin na ang kanilang alitan at i-reset ang kanilang pagkakaibigan.

"Bawal ang siraan, kahit anong galit sa isa't isa, confront each other na lang. Take it slowly, step by step, kasi it takes time na manumbalik," ani Senator Alan.

Bukod sa magkaibigan, tinalakay din ng magkapatid na mambabatas ang kaso ng isang babaeng nakikisama pa rin sa kanyang asawa kahit na matagal na siyang inaabuso nito.

Giit ni Senador Pia, dapat nang mag-file ang babae ng kaso laban sa asawa niya at umalis na sa mapang-abusong relasyon nila sa pamamagitan ng legal separation o annulment.

"Maliwanag kasi yung batas natin na kayo po ay biktima ng violence against women, at klaro naman ang karapatan ninyo na umalis sa ganung klaseng sitwasyon. Sa legal, paano ka aalis, kung ito ba ay legal separation o annulment. Sa aking opinyon, pasok ka sa pareho," sabi ng senadora.

Pinaliwanag niya na sa ilalim ng isang legal separation, nananatiling kasal ang mag-asawa ngunit maaari silang mabuhay ng magkahiwalay. Samantala, dinedeklara naman ng isang annulment na void o walang bisa ang isang marriage dahil sa psychological incapacity.

"Ang physical abuse kasi na gingawa sa inyo, tinuring na rin 'yan ng Supreme Court na evidence ng psychological incapacity," wika ng senadora.

Pinayuhan din ni Senador Alan ang babae na iwan na ang kanyang abusadong asawa at magsimula ng sarili niyang negosyo para matustusan niya ang pangangailangan ng kanyang mga anak.

"Kung ang gusto mo lang talaga ay safety mo at safety ng mga anak mo, hiwalan mo na 'yan. Tutulong kami sa protective order, and then tutulong kami sa hanapbuhay mo. Pero kung gusto mong matuto talaga siya at maging sample sa iba, kasuhan mo talaga," sabi niya.

Tinulungan ng staff ng CIA with BA ang babae na makakuha ng protective order at magsimula ng kaso laban sa kanyang asawa. Nakakuha din siya ng livelihood training para makapagsimula na siyang kumita ng sariling income at maging financially independent mula sa abusado niyang asawa.

Ang CIA with BA ay pagpapatuloy ng legasiya ng ama ng magkapatid na si Senador Rene Cayetano, na nakilala rin sa kanyang public service program na "Compañero y Compañera" noong 1997 hanggang 2001.

Tulad ng kanilang ama, ang magkapatid na Cayetano ay tumutugon sa pangangailangan ng publiko sa impormasyon at mga payong legal.

Ang CIA with BA ay mapapanood tuwing Linggo, 11:30 p.m. sa GMA at may replay tuwing Sabado Saturday, 10:30 p.m. sa GTV.

News Latest News Feed