Press Release February 22, 2023 TRANSCRIPT OF SENATOR RISA HONTIVEROS PRESS CONFERENCE Q: Ano po ang napag-usapan ninyo sa meeting with EU Parliament? SRH: Opo, pagkatapos ng pulong ng mga members of the European Parliament sa ilang mga indbidwal na kasama ko dito sa Senado ay nagkaroon din po sila ng pulong sa akin. So I think tinuloy lang namin yung nauna nilang tinalakay, mga iba't ibang isyu tungkol sa karapatang-tao, so yung impunity, extra-judicial killings, yung freedom of the press at saka disinformation and fake news.... tatlong paksa yun na magkakaugnay-ugnay naman na, napag-usapan din na,in yung ICC, baka yun ang pangatlong paksa Q: Doon po sa meeting nyo, nag-express ba sila na di [inaud] yung resolution na fina-file ng mga lawmakers dito para pigilan ang ICC? SRH: Diplomatiko po kasi sila, mga mambabatas din sa ibang baasa. Di naman nila sinabing ayaw nila yang ganyang resolusyon na nagtatanggol kay dating Pangulong Duterte sa ICC investigation. Tinanong lang nila kung ano yung tingin ko doon. Gaya ng naibahagi ko sa inyo kahapon, yang ganyang resolusyon, ay ituturing katulad ng alin pang resolusyon na irerefer didinigin ayon sa schedule ng Chair at tatalakayin sa plenary pero sa aking personal mas inaasahan ko talaga na mahinog yung proseso ng ICC hanggang umabot sa imbestigasyon dahil ito ay makakatulong lang at hinding-hindi makasasama sa ating mga domestic na proseso for redress of grievances. Q: How about po yung case ni former Senator Leila De Lima, nadiscuss po ba during your meeting? SRH: Hindi naman masyadong natalakay yung kaso ni dating Senador Leila De Lima pero if I remember correctly, nabanggit ko rin sa ilan sa mga remarks o sagot ko sa mga tanong, alam naman po natin na napakatapat, napakafaithful na kaibigan ng European Parliament ang mga mamababatas dito sa Pilipinas lalo na yung mga pinepersecute tulad ni Dating Sen Leila at alam ko na sa puso ng mga dumalo dito kanina sa Senado na mga members of the European Parliament, top of mind nila na makapagpahayag ng solidarity sa kanya at umaasa rin sila, kasama namin na mapalaya na siya sa lalong madaling panahon. Q: Did the visitors make any mention of the allegations of meddling, or did they take any defense? SRH: Actually wala silang nabanggit na may anumang feedback sa kanila na ganoon na nakikialam sila sa ating soberanya. Siguro doon lang sa tanong na... or isang sagot ko na in passong na baka may mga sinasabi na banta itong ICC sda ating soberanya but ang mas naging tenor ng pag-uiusap namin ay syempre, pinanghahawakan din niola yun bilang silang lahat ay miyembro ng ICC at ako naman, bilang Pilipino na umaasang balang-araw maging miyembro ulit ng ICC dahil mabuti na isa pa itong tanda na kasama tayo sa community of shared values at pinahayag ko yung aking appreciation sa kanila hindi sa anumang pakikialam pero sa kanilang pakikiisa sa ating marami-raming laban tungkol sa karapatang-pantao Q: You mentioned po yung human rights sa Pilipinas would be a factor in reviewing our trade agreement... SRH: Hindi namain napag-usapan yung direct interaction between EU-Philippines Trade relations at saka karapatang pantao pero I'm sure at the back of each of our minds, alam naman natin na di ba tuwi ding pinag-uusapan yung GSP+ status sa EU, ay talagang bini-bring up nila, tinatalakay nila yung karapatang-pantao, karapatan ng manggagawa, karapatan pa nga ng kalikasan at iba pa so siguro pinresume na lang nila na premise ko rin yon yung diplomatic trade interparliamentary relations ay kaignay na rin sa pagsulong natin ng karapatang-pantao Q: Sino po ang nag-initiate ng separate meeting po nung EU Parliament with you and why is it separate from the Senate Committee of Justice and Human Rights? SRH: Ang nag-initiate po ng pulong sakain ay yung members of the European Parliament. Noong una, akala ko may committee hearing, at kasama ako doon. Pero hindi pala naging pulong siya sa mga indibidwal na Senador. So siguro naisip nung mga European Parliament members na magtakda ng isa pang pag-uusap kasama ko. Magada, magkakasunod, 9:30 yung unang pulong nila, 10:30 yung sa amin Q; What do you expect to happen? SRH: Well ito po ay parang continuing conversation naman sa pagitan ng mga Filipino legislators at mga European legislators at doon sa mga pulong na andoon ako, naroon din si European Ambassador to the Philippines Veron. Very helpful, matagal na at faithful friend din ng Pilipinas. Inaasahan ko napag-usapan din na,min sa closing remarks ano ang magagawa ng EU, ano ang magagawa natin na magkasama na magpatuloy ang matagal na ring partnerships yes tungkol sa karapatang pantao pati sa mga partikular na concerns sa ating sabi nga ni Quimpo, ang ating contested democracy, pagtatatag ng mas maraming totoong mga partido, yung pagtatatag ng isang totoong political party system dahil yun ang isang bentahe nila sa Europe eh. Sa gitna ng marami rin nilang problema tulad natin ay at least mayroon silang matatagal na at malalakas na institution lalo na yung mga partido at mga political party system. Yun ay isang ku;lang pa natin at palagay ko ay kailangan talaga at gusto nating maitatag para din mas may equipment tayo na harapin ang iba't ibang issue at resolbahin ng maayos Q: When it comes to ICC probe, ito bang mga meetings na ito with EU Parliament and Senators po, will this parang convince the administration, .the Philippine government to cooperate na talaga with the ICC probe? Kasi po si Senator Francis Tolentino po kanina, sabi niya the EU delegates respects naman daw po the Philippine sovereignty pero parang wala raw pong ganoong assurance from them, parang hindi naman talaga straight from the own words nung EU parliament. SRH: I agree na may measure of mutual respect syempre sa kahit ano mang international gathering or meeting for that matter ng soberanya ng bawat isa. Kaya lang naman tayo nakakapagmiyembro sa UN or dati sa ICC sana maulit muli or sa ano pa man bilang bansa dahil may soberanya tayo in the first place. We presume na may mutual respect kaya nga hindi tayo pumapayag sa pambubully ng Tsina sa West Philippine Sea, same principle, mutual respect. At the same time, yung isang serbisyo pwedeng gawin ng mga bansa sa isa't isa ay kapagka may internal challenges, may second layer ng pagtutulungan or even of positive reinforcement even of some kind of fraternal pressure na tumupad tayo sa mga pagtataya natin lalo na sa karapatang pantao. palagay ko yun yung indispensable service ng international system or international community na tayo ay bahagi at palagay ko yun yung isang value na pinanghahawakan din nung mga European Parliament members. Q: What would it (political party system) do for the regular people? SRH: Actually yung tanong ninyo is part of the situation na wala pang malalakas na political system. Siguro political parties have not strongly enough make our case collectively sa ating mga kababayan. Di ba? Ano bang mapapala ng mamamayan sa araw-araw sa mga parido? So baka chicken and egg situation din. Baka yung mga kasalukuyang pwersa na mas makikimnabang na walang political party system or walang mas maraming totoong political parties ay bahagi rin ng keeping things the way they are status quo dahil mas malaya nga at less accountability na nakakakilos kung walang ganyang dagdag na institusyon so ano hindi natin pwedeng sisihin ang ating mga kababayan. Dapat kaming mga naniniwala sa partido o sa isang political party system ay dapat makapagkumbinsi at hindi lang sa salita namin, sa aktwal na magagawa namin Q: Ano po ang maitutulong ng strong political party system? SRH: Ang maitutulong sa tingin ko lang at tingin ng mga maniniwala sa political party system, ang maitutulong nito sa pang-araw-araw, ay really accountability from beginning to end, humarap sa publiko tuwing eleksyon na may ulat ng aming track record so far. May ihahain, iaalok na plataporma ng paggogobyerno, ihohold accountable yung mga kandidato at mga politiko namin sa kanilang ginawa at hindi ginawa batay sa platform na yun or sa vision mismo ng partido. Pwedeng magbuo ng gobyerno pwedeng magbuo ng coalition government and in between elections dapat aktibo pa rin, ipinatutupad talaga ang mga programang sinasabi yan ang alok namin sa mga mamamayan o sa mga botante. Parang may isa pang layer na sampayan na pwedeng doon isampay yung expectations ng mamamayan at botante at responsive accountability sa kanila. Q: Tama po ba na-ratify na kagabi yung RCEP. More than 2/3 votes yung nakuha kayo lang yung nag-no, then nag-abstain ang kapatid ng pangulo. Ano pong masasabi nyo dun sa naging resulta ng botohan? SRH: Well para sa akin malungkot yung resulta. Sa office nga sinasabi namin kahit inahasan, expected, malungkot pa rin pero interesante nga yung vote turnout bagamat ako lang ay nag-no pero yun na nga yung kasama kong senador na kapatid ni presidente ay nag-abstain so interesante kasi ibig sabihin talagang ang senado bilang isang institusyon ay espasyo talaga for an independent stance on issues institutionally at kahit individually. So Healthy po yun. Q: Ma'am, members of SRA denied yung binanggit niyo kahapon SRH: SRA o DA? Q: DA and SRA. Sinasabi ng isang SRA board member baka raw napagkamalan nyo yung minimum access volume doon sa pagpasok ng imported sugar SRH: Wala naman sanang or dapat na gaslighting. Doon sa draft sugar order, nakapirma yung tatlo yata na board ng SRA at saka yung Usec ng DA. Ang hindi lang nakapirma ay yung concurrent DA secretary pero dalawang importanteng facts ang ibang-iba sa MAV at saka doon sa draft Sugar Order 6 at saka yung mga succeeding events na putting the cart before the horse. nauna itong mga succeeding events doon sa mga dapat na unang-unang SO. Ang MAV ibang tatlong importers ang nakapangalan sa minimum access volume, ibang tatlong importers itong All-Asian Countertrade, Sucden Philippines at saka Edison Lee Marketing. Yung All-Asian nga hindi identified na importer sa ilalim ng MAV so paanong sasabihing MAV yun pero nakalista ang All-Asian? Hindi naman siya kumbaga nasa class roll ng MAV. At yung amounts, ibang-iba. 440,000 metric tons doon sa diumanong smuggled sugar. 100 something lang or 65 ba yun. basta di hamak na mas maliit na amount doon sa MAV. Dapat walang ganyang klaseng gaslighting sa usapin ng kasi kitang-kita sa usapin ng list of importers saka yung amount, ibang-iba sa dalawang sistema. Iba sa MAV, iba dito sa importation plus sinabi mismo ng SRA kung yan ang sagot ng SRA kahpon pero mas maaga sinabi mismo nila sa media, sa inyo pagkatapos ng board meeting, February 13 na wala pang guidelines ang MAV. As of that date ha, February 13. Paano nakapasok ang shipment ng Feb 9 kung as recently as Feb 13 apat na araw pagkatapos noon ay wala pang guidelines. Madadagdagan pa ba yung pagkakamali at pagkukulang nila? Una, may diumanong nasasmuggle na asukal wala pang finalized SO. Pangalwa, may nakapasok daw na MAV wala pang guidelines. So ano ba talaga? Q: Are they covering it up? SRH: I don't know if they are covering it up or nagsusubok silang magpaliwang pero hindi po ito katanggap-tanggap na paliwanag. At dahil nadadagdagan kaysa sa nababawasan ang kababalaghan eh di sana po talaga ay marefer na po ang aking resolusyon sa komite at maimbestigahan na hangga't maaga kasi medyo di pa rin sapat ang suplay ng asukal, mataas pa rin ang presyo ng asukal. Naghihintay ang mga mamimiling Pilipino na tumigil itong mga kababalaghan at gawin na lang ang mga regular na programa ng gobyerno sa tamang proseso. Q: Ma'am should malacanang speak about it kasi na-drag na yung pangalan ni ES Bersamin. SRH: Yun na nga po nabanggit pa ang pangalan ni ES sa recent na isyung ito. Maaaring magsalita ang Malacanang, hindi masama kasi lalo na't sila, si Presidente ang DA secretary at sa kabila ng marami nang problema natin sa agrikultura, madagdagan pa nito at interestingly sa floor, may isang manifestation na lumabas na yung smuggling, hoarding at isa pang krimen ay may panukalang batas na ituring na itong economic sabotage sa Anti-Agricultural Smuggling Act so may oversight function talaga ang Senado dito kung pinatutupad ba nang maayos yung Anti-Agricultural Smuggling Act or ito ba ay nilalabag or worse, dahil hinding-hindi dapat kasabwat pa ba ang ibang mga opisyal o ahensya ng gobyerno mismo. Q: Ma'am kailangan po bang magsalita dito si Executive Secretary Bersamin? SRH: Well maaaring magsalita si ES dito dahil oo nga nabanggit yung pangalan nila sa mga sulat na kasabay lumabas sa ating kaalaman sa publiko at sa mga chat groups kasabay noong mga dokumento. Tulad nung kay... kung magsasalita si Presidente sa isyung ito, kung magsalita si ES sa isyung ito, ay makatutulong na linawin yung nangyari na at baka makatulong din na wag nang maulit ung ganitong mga pangyayari moving forward. Q: Yung sugar planters din po sinabi po nila na may 5,000 metric tons from Thailand. Sino po ang mas paniniwalaan, sugar planters o ang sinasabi ng DA officials? 18:07 Well hindi naman ideal, in a better world, dapat parehong kapani-paniwala, sugar planters bilang stakeholders sa sugar industry at DA officials natin o sino mang government officials natin dahil iba't ibang numero ang lumalabas, iba't ibang system ang sinasabing may kadahilanan ng mga pangyayari so let's get to the bottom of this. 5,000 metric tons lang ba or yun lang ba ang nakalusot na sa Port of Batangas, 440,000 tons pa ba ang nakadaong diyan or nakawarehouse na ba or naunload na sa barko? fast track sugar importation ba ito? MAV ba talaga ito na parang hinding-hindi naman. So yun na nga, kaya makatutulong ang imbestigasyon para tigilan na yung mga ganitong smuggling,. parusahan yung mga accountable at ilagay sa mas maayos. Dapat hindi ganitong ka-problematic maka-access lang ng simpleng asukal sa mga hapag natin. Napaka-reasonable naman ng expectations ng mamamayan and I believe kami sa Senado ay maglingkod dyan. |
Thursday, April 17
Wednesday, April 16
Tuesday, April 15
|