Press Release February 28, 2023 TRANSCRIPT OF INTERVIEW SENATOR RISA HONTIVEROS ON DZMM WITH KABAYAN NOLI DE CASTRO Q: Ano ba ho ang nangyari dito sa isyu ng smuggling ng asukal, baka mawala na naman ito SRH: Hay naku wag nating pawalain, sa totoo lang, dapat mablacklist na yung tatlong handpicked na kumpanya na mukhang bagong variant ng sugar fiasco. E kung mapatunayan na talagang sosolohin sana nila ang pag-aangkat ng sugar supply ng bansa, large scale agricultural smuggling na yan ha,.. tantamount na sa economic sabotage. At higit wa lahat, sa totoo lang, diyan po nagsisimula ang cartel. Eh sino ang nag-areglo nyan? At bakit napakatapang? Napakalaki pong conspiracy nito lumalabas at nananawagan din po ako sa mga kapwa nagtatrabaho ko sa gobyerno, sa manggagawa sa gobyerno kung mayroon po kayong impormasyon, isumbong at isiwalat po natin kung mayroon pong nangpepressure sa inyo na sumali sa nagmomonopolyo ng suplay ng asukal. Q: Ang napansin ho namin yung sinasabi na importer ay ang Department of Agriculture din ang pumili sa kanila, di ba? SRH: Yun na nga. At akala siguro nitong tatlo eh tuluy-tuloy lang ang maliligayang araw nila at hindi papalag ang iba't ibang kumpanya. Malas nila mas marami tayong mga kababayang nagnanais sumunod sa batas. Kaya no wonder, naglabas pa ng joint statement ang mga grupo ng sugar producers, kung naipit lang sila, itong tatlo, then they should immediately reveal to the public the individuals who may be truly responsible for this, ika nga, sugar import fiasco 2.0. Eh ang panawagan ko dyan sa tatlong kumpanya, may oras pang tumanggi na maging parte ng malawakang agricultural smuggling, may oras pa para hindi maging bahagi ng napaka-garapal na plano kaya sa Sucden Philippines, Edison Lee Marketing at sa All-Asian Countertrade, it takes two to tango wag po silang maging aeccessory dito sa hayagang pagbuo ng cartel sa bansa at tandaan po natin, at tandaan nila, 20 years prescription period for crimes like agricultural smuggling at lalo na pagka nasimulan na ang ating mga hearing sa senado, naku, I'm telling you po, there's plenty of time for the truth to come out. Q: At saka itong tatlong kumpanyang sinasabi ninyo ay dapat maimbestigahan kung ito'y lehitimong kumpanya, lehitimo in the sense na nagbabayad ba sila ng tamang buwis sa Bureau of Internal Revenue. SRH: Yun... Yang mga ganyang isyu din nga tungkol sa.. kung good corporate citizen sila, lalabas din sa imbestigasyon. Alam din kasi ng industriya na yang tangkang pag-import, 450,000 metric tons ng asukal na para sa buong bansa, dapat yan ay may sugar order mula sa SRA as required by law. Hindi po sasapat na kahit legit na kumpanya sila, dapat legit na proseso ang isinagawa. Basically sa ngayon, without the sugar order, it is illegal at yang mga suplay, yang mga asukal na yan, ay smuggled. Ang masakit pa at kailangan nating ma- imbestigahan, umamin mismo si DA Senior Usec Panganiban, sila ang pumili doon sa tatlo and that's his basis was only a memorandum from the office of the Executive Secretary. Sabi pa nila all this was diumano upon the instruction of the President. Q: Pero hindi po pinirmahan ni Presidente, di ba? Binalik sa kanika SRH: Yun na nga... Q: Eh bakit hindi pinirmahan? SRH: Di ba nga pinakita ng draft SO hindi naman pinirmahan ni presidente... Tapos parang magic po ang mga ginawa. Yung Sugar Order No. 6 was approved on February 15. So, sa tamang timeline ng sugar importation, the initial batch should arrive no earlier on March 1. Bukas pa po. Pero February 9, wala pang sugar order, 260 20-foot containers ng asukal na walang papel ha ang dumating na sa port of Batangas. Q; All-Asian Countertrade daw ito SRH: All-Asian daw. So ang tanong ngayon, pwede bang ganyan ka-retroactive ang ganito kalaking supply ng asukal? Diba violation na yang early arrival? Napaka-advance namang mag-isip talaga ng iba dyan, ano po? Q: Ano ho ang paliwanag ni Usec Domingo Panganiban, ni Senior Usec. Panganiban tungkol sa tatlong kumpanya na yan at tungkol dun sa kung bakit nakapag-import kaagad itong isang kumpanya na pinadaan nga sa Batangas? SRH: Panay ang paliwanag ni senior Usec. Panganiban na wala daw iregularidad kaya nasabi nila na wala daw iregularidad dahil ang memo na pinagbasihan nila ay yung memo ni ES daw dated January 13. So yung memo daw ay tinuring niyang sugar order na to proceed with the importation. At sabi pa nila, alam daw nito ni Presidente. Nako, eh inamin din ni senior Usec. Panganiban na yun na nga, sila mismo ang pumili sa tatlo. Actually, sang-ayon sa nakuha nating draft memo na halos mag-allocate ng importation sa tatlo lang na kumpanya: yung All-Asian 250,000 metric tons total, yung Sucden 100,000 metric tons, at yung Edison Lee Marketing 100,000 metric tons din. So ang isa pang tanong sa lahat nang ito, so far, ano ba talaga, kung meron man, ang papel ng Executive Secretary sa importation ng agricultural products? Kasi under the law the SRA Board alone approves importation plan, including the players pero bakit parang naulit nanaman ang tanong na ito sa bagong variant na ito ng sugar fiasco. At ES nanaman ang itinuturo. Q: ES nanaman. Eh yung sugar order number 4, kaya nga natanggal si ES nung una, o anong pagkakaiba ng dalawa ho? SRH: Dapat may nag-iba na mula noon, several months, hanggang ngayon. Kaya ang hindi matamis tanungin eh, ang mapait tanungin bakit parang nauulit nanaman. Nag-iba lang ba ng cast of characters pero parehong modus operandi. At ito muli, grabe sa ganyang volume maaaring umabot sa economic sabotage at sa pagtukoy ng tatlong players lang, doon na nga nagsisimula ang cartelization. Q: Ano ho yung paliwanag ni Senior Usec. Domingo Panganiban? Senior ho ito sapagkat napakatagal na nito sa Department of Agriculture. Ano ang paliwanag niya na nakapag-import ho ang mga kumpanyang ito given before ng issuance ng sugar order? Pwede ba ikatwiran nalang niya sa Executive Secretary Lucas Bersamin? Papaano kung tanggihin din ito ni ES? SRH: Hindi po talaga pwedeng ganon lang. At yung paliwanag, di umanong paliwanag ni senior usec Panganiban ay hindi mo maliwanag, actually naglilikha pa po ng bagong tanong. Pagbabasehan lang yung isang memo ng isang ES. Paanong pagbabasehan na alam daw ito ng isang presidente? Nako, talagang naghuhumingi po ng mga kasagutan kaya't talagang inaabangan ko po yung pagtakda ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee. Q: Kailan po ito? Kailan? SRH: Hopefully, hangga't maaga dahil last wednesday pa po, Feb. 22, narefer itong aking resolution no. 497 sa Blue Ribbon. Naghihintay nalang po ako ng petsa. Q: Nako, baka nilalanggam na ang asukal bago kayo makapagsimula. SRH: Huwag sana. Huwag sana umabot na maging molasses kasi talagang yun naman ang aming trabaho sa Senado at lalo sa Blue Ribbon ay hulihin at iwasto yung anumang misfeasance, malfeasance, at nonfeasance, at mukhang napakalaking ganoon yung isyu ng sugar smuggling. Q: Tama ho ba na itong importasyon ng All-Asia countertrade na ito na kinuwestyon na nga kung bakit nakipag-import ito? Dumaan daw po sa VIP lane ng Bureau of Customs? SRH: Ayon pa pala. Yun yung tinawag na super green lane or something. Na yun naman po at alam na alam ito ng Bureau of Customs, ito ay ginagamit lamang sa mga non-agricultural products at para sa mga produktong hindi regulated. Obviously agricultural product ang asukal at nagkakataong regulated ang asukal, kaya't kahit yan naman ang isa pang kunwaring paliwanag, mali pa ring paliwanag kasi hindi swak doon sa commodity na iyon which is asukal. Q: Sa inyo na rin galing, na meron pang dumating at nakatago sa barko hanggang ngayon hindi nila maibaba, totoo ba iyan? SRH: Yes po, at hindi dapat nilang maibabang lahat at maihatid sa merkado kasi kung talagang mapatunayan namin smuggled yan, sukat lang dapat na inkumpista ng Bureau of Customs, pero totoo may balitang nakapagoffload na sila ng mga 6,000 metric tons kung papaano nagawa yun dapat aalamin ng aming imbestigasyon, kasi kung magic na lang nagappear diyan sa port of Batangas, napakaaga bago dapat makarating kung sinunod ang isang maayos na sugar order eh hindi talaga dapat pwedeng ibenta ng tulad ng ordinaryong asukal dito sa mga palengke ng Pilipinas. Q: Sino ang mga imbitado natin ? SRH: Well siyempre yung Chair ng BRC ang magiimbita, pero umaasa ako na kapag nagtakda na sila ng hearing, ay maiimbita si senior Usec, yung mga kinatawan at pinuno nitong tatlong mukhang paboritong enforcers, siguro yung Bureau of Customs din... Q: Si ES, hindi kasama si ES? SRH: Maganda nga po na sa [inaudible] ng Blue Ribbon Chair maganda kung maimbita sila at kung mapaunlakan nila para talaga malinaw nila ang lahat kung bakit yung office na naman nila ang tinuturo. Q: Nagsalita na ba ang maging ang Pangulo Marcos o kaya si ES Lucas Bersamin tungkol sa isyu? SRH: Hindi pa eh. Hindi sila yung tinuturo pero parehong hindi pa nagsasalita. Bagamat doon sa pangalawang presscon na ginawa ng executive tungkol sa isyung ito, hindi man si ES mismo pero may undersecretary sila na humarap sa media sa inyo kasapi ni Usec Panganiban pero si ES mismo tulad ni Presidente ay hindi pa nagsalita tungkol dito. Q: Ewan ko lang kung ano nangyari sa Sugar Order no 4. eh natanggal yung isang ES, baka may matanggal na naman dito sa SO na ito, at ang pinagtataka po namin bakit hindi permado ni Presidente, binalik sa kanila. Anong ibig sabihin? SRH: Sana hindi umabot sa ganoon... Well yun ang isang itatanong din, dahil sa draft sugar order na nakita natin lima sa anim ang nakapirma yung DA senior Usec at apat na miyembro ng board ng SRA. Tapos linya pa doon para sa DA secretary pero hindi nga nakapirma si Presidente doon sa draft na nakita natin. |
Thursday, April 24
Wednesday, April 23
|