Press Release
February 28, 2023

Robin Request to Pro-Charter Change 'Allies' in House: Prioritize Amending Economic Provisions

While he is heartened over the efforts in the House of Representatives to amend the Constitution, Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla appealed anew to his "allies" in the House on Tuesday to prioritize amending the economic provisions.

Padilla, who chairs the Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes, stressed the need to amend the economic provisions, saying this will meet Filipinos' most urgent needs.

"Ako po, ayokong ma-misinterpret ako ng Kamara kasi kakampi ko sila. Ako natutuwa talaga, ang kanilang hakbang ay mabilis talaga. Natutuwa ako. Pero ang hiling ko, unahin natin ang economic provision ng Saligang Batas (I don't want to be misinterpreted in the House because they are my allies. I am happy that they are doing their part to push amendments to the Constitution. My appeal to them is to prioritize the economic provisions)," he said in an interview with Senate media.

He added that if the Senate wants to, it can finish the process of introducing amendments to economic provisions within six months. In contrast, he said discussing changes to political provisions may take much longer.

Padilla emphasized that amending the economic provisions will address Filipinos' most urgent needs - good jobs, food, and sufficient income.

"Pag pinagusapan natin ang political structure ng bansa, mga mahal kong kababayan, litawan na diyan ang kanya-kanyang interest sa pulitika. Ang haba po niyan (If we include amendments to the political structure in our discussions now, it will take a long time because it will involve various interests)," he said.

Meanwhile, Padilla said he is ready to listen to the resource persons at the public hearing of his committee in Davao City on Thursday, March 2. Hearings are also being planned in Luzon and Visayas in the coming weeks.

Padilla said that if it is clear that the people also want to amend political provisions in the Constitution or want to amend it via constitutional convention instead of the constituent assembly he currently favors, he will keep an open mind on the matter.

"Pag sinabi halimbawa pag nakumbisi ako ng taumbayan handa ang tao sa concon, e di ia-adopt ko anong sinabi ng Kongreso (If for example I am convinced that the country is ready for a constitutional convention, I will adopt what the House has done)," he said.

Padilla also remains hopeful a plebiscite for economic provisions can be held by October, timed with the barangay and Sangguniang Kabataan elections.


Pakiusap ni Robin sa 'Kakampi' sa Kamara: Unahin Natin ang Pag-Amyenda ng Economic Provisions sa Saligang Batas

Bagama't natutuwa siya sa hakbang na ginagawa nila para amyendahan ang Saligang Batas, muling nakiusap si Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla sa mga "kakampi" niya sa Kamara nitong Martes na unahin ang pagbago sa mga economic provision.

Ipinunto ni Padilla, na tagapangulo ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes, dapat unahan ang pag-amyenda ng economic provision na tutugon sa pinakamahalagang pangangailangan ng Pilipino.

"Ako po, ayokong ma-misinterpret ako ng Kamara kasi kakampi ko sila. Ako natutuwa talaga, ang kanilang hakbang ay mabilis talaga. Natutuwa ako. Pero ang hiling ko, unahin natin ang economic provision ng Saligang Batas," aniya sa panayam sa Senado.

Dagdag niya, kung nais tapusin ng Senado ang pagbago ng economic provision ng Saligang Batas, maaaring magawa ito sa loob ng anim na buwan - hindi tulad ng pagsama ng pag-amyenda sa mga political provision nito.

Iginiit ni Padilla na pagbabago ng economic provision lamang ang kailangan para tugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga Pilipino - trabaho, pagkain, at sapat na sweldo.

"Pag pinagusapan natin ang political structure ng bansa, mga mahal kong kababayan, litawan na diyan ang kanya-kanyang interest sa pulitika. Ang haba po niyan," aniya.

Samantala, handa rin si Padilla na makinig sa mga puntong itatalakay sa pampublikong pagdinig ng kanyang kumite sa Davao City ngayong Huwebes, ika-2 ng Marso. May hinahanda ring pagdinig sa Luzon at Visayas sa mga darating na linggo.

Ani Padilla, kung malinaw na nais din ng taumbayan na talakayin ang political provision ng Saligang Batas o kung handa ang taumbayan para sa constitutional convention sa halip na constituent assembly na pinapaboran niya ngayon, mananatiling bukas ang kanyang isip para rito.

"Pag sinabi halimbawa pag nakunibisi ako ng taumbayan handa ang tao sa concon, e di ia-adopt ko anong sinabi ng Kongreso," aniya.

Umaasa rin si Padilla na mahahabol ang plebisito para sa pagbago ng economic provision ng Saligang Batas sa barangay at Sangguniang Kabataan election sa Oktubre.

News Latest News Feed