Press Release
March 1, 2023

Farmers group in Bicol grows, helps members through Cayetano's Presyo, Trabaho, Kita/Kaayusan (PTK) program

A farmers association in Legazpi City, Albay was able not only to avoid loan sharks but also see growth and benefit its members through Senator Alan Peter Cayetano's Presyo, Trabaho, Kita/Kaayusan (PTK) program.

The Banquerohan Farmers Association, composed of 283 coconut farmers and 209 rice farmers, first received seed capital of P100,000 from PTK in 2015.

According to the group's president Maria Valladolid, they used the money to fund its own loan program with five percent interest. Fellow members used the money to buy fertilizer and food for their families, and some were even able to pay their children's tuition.

Valladolid said in contrast to loan sharks, the PTK program enabled the group to give loans to the farmers without the pressure of paying right away.

"Hindi pinipili kung sino lang kayang magbayad - lahat ng miyembro nagbe-benepisyo sa PTK," she said.

"Y'ung iba bago ka makakuha sa bangko, ang daming requirements. Pero dito sa PTK, usapan lang, kami-kami lang nakakakuha na," she added.

Cayetano's PTK program is a 10-year-old initiative in which existing and new sectoral cooperatives are given seed capital in multiple tranches so they can help their members grow their small businesses and provide cash aid to members during crises.

In partnership with the Department of Social Welfare and Development (DSWD), the program will distribute P2,500 in cash aid on Friday, March 3, to every member of the

Banquerohan Farmers Association as well as the Legazpi City Public Market Association in Legazpi City.

Capacity-building and skills training will also be organized in cooperation with other government agencies in a separate visit.

Valladolid expressed gratitude for the upcoming assistance, saying it has enabled her group to grow even through the difficult times during the pandemic. The group, she said, eventually managed to purchase machinery for their farming.

"Nilalabanan namin ang kahirapan kasi nandiyan si Senator Alan, sumusuporta sa amin," she told the PTK team in a pre-payout visit to the province.

She also said their members have not lost hope "kasi may dumarating na tulong."

"'Pag may kailangan sila nagpupunta sila sa asosasyon," Valladolid said.

She said because of the PTK, the group has now been accredited by other government agencies, including the Department of Agriculture and the Philippine Coconut Authority.

"Noong hindi pa kami makatayo sa sarili naming paa, nandyaan siya (Senator Cayetano) para i-mold kami at itayo. Dahil sa PTK, naging strong y'ung asosasyon namin," she said.


Grupo ng magsasaka sa Bicol, umunlad sa tulong ng Presyo, Trabaho, Kita/Kaayusan (PTK) program ni Cayetano

Hindi lang nakaiwas sa mga loan shark ang isang asosasyon ng mga magsasaka sa Legazpi City sa Albay, lumaki at nakatulong pa ito sa mga miyembro nito sa pamamagitan ng programang Presyo, Trabaho, Kita/Kaayusan (PTK) ni Senator Alan Peter Cayetano.

Unang nakatanggap ng seed capital na P100,000 mula sa PTK ang Banquerohan Farmers Association, na binubuo ng 283 coconut farmers at 209 rice farmers, noong 2015.

Ayon sa pangulo ng grupo na si Maria Valladolid, ginamit nila ang pera para pondohan ang sarili nitong loan program na may limang porsiyentong interes. Ginamit ng mga kapwa miyembro ang pera para bumili ng pataba at pagkain para sa kanilang pamilya, at ang ilan ay nakapagbayad pa ng tuition ng kanilang mga anak.

Sinabi ni Valladolid na hindi tulad ng mga loan shark, nagbigay-daan ang PTK program para makapagpautang ang asosasyon sa mga miyembro nito nang hindi pinipilit na magbayad kaagad.

"Hindi pinipili kung sino lang kayang magbayad - lahat ng miyembro ay magaling sa PTK," aniya.

"Y'ung iba bago ka makakuha sa bangko, ang daming requirements. Pero dito sa PTK, usapan lang, kami lang nakakakuha na," dagdag niya.

Taong 2013 nang simulan ni Cayetano ang programang PTK kung saan ang mga kooperatiba at organisasyon ay binibigyan ng kapital na magagamit sa kanilang mga proyekto at programa.

Pangunahin dito ay ang pagkakaroon ng sarili nilang loan program upang matulungan ang kanilang mga miyembro na mapalago ang kanilang mga negosyo, at magbigay ng ayuda sa mga miyembro sa panahon ng krisis.

Katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang programa ay mamimigay ng P2,500 cash aid sa Biyernes, Marso 3, sa bawat miyembro ng Banquerohan Farmers Association at ng Legazpi City Public Market Association sa Legazpi City .

Susundan naman ito ng mga capacity-building at skills training sa pakikipagtulungan sa iba pang mga ahensya ng gobyerno.

Nagpahayag ng pasasalamat si Valladolid para sa paparating na tulong, at nagsabing naging instrumento ito sa paglago ng kanilang grupo kahit noong panahong hirap na hirap ito. Aniya, nakabili na rin nga sila ng mga makinarya para sa kanilang pagsasaka.

"Nilalabanan namin ang kahirapan kasi nandiyan si Senator Alan, sumusuporta sa amin," pahayag niya nang bumisita sa probinsya ang PTK team.

Dagdag niya, hindi raw nawawalan ng pag-asa ang mga miyembro ng kanilang asosasyon "kasi may dumarating na tulong."

"'Pag may kailangan sila nagpupunta sila sa asosasyon," pahayag niya Valladolid.

Aniya, dahil sa PTK, ang grupo ay na-accredit na ngayon ng iba pang mga ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Agriculture at Philippine Coconut Authority.

"Noong hindi pa kami makatayo sa sarili naming paa, nandyan siya (Senator Cayetano) para i-mold kami at itayo. Dahil sa PTK, naging strong y'ung asosasyon namin," aniya.

News Latest News Feed