Press Release
March 2, 2023

Robin: Now is Time to Start Ending 37 Years of Poverty by Easing Constitution's Limitations on Foreign Investments

Now is the time to end 37 years of poverty by easing the 1987 Constitution's limitations on Foreign Direct Investments (FDIs).

Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla stressed this on Thursday at the start of the Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes' hearing on amending the Charter's economic provisions in Davao City.

"Ang ating bansa ay biniyayaan ng sapat na likas na yaman at mga kabataan at bihasang manggagawa. Sila po ay hindi magkaroon ng makahulugang kontribusyon sa ating bansa para sa ating pag-unlad dahil sa pangangailangan ng malakihang kapital. Hindi po natin mapakinabangan ang ating human resources at ating natural resources para mapaunlad natin ang ating bansa sa kadahilanan na mayroong limitasyon ang ating Konstitusyon (Our country is blessed with natural resources and skilled workers that can contribute greatly to our progress. But we need huge investments to harness these assets properly and we cannot do this because of the limitations of our Constitution)," Padilla said.

"Kailan po ba tayo kikilos? Kailan po? Kailan po? Kaya mga mahal kong kababayan umpisahan na po natin ang ating diskusyon at ito po ay maririnig natin ang iba't ibang boses ng ating mga resource persons... Ito pong pagdinig na ito, ang makikinabang po dito ang mga ordinaryong Pilipino dahil sa loob ng 37 years ang nakinabang diyan sa economic provision na paghigpit ay 20% lang ng population ng Pilipinas. May mga mayaman na mas yumaman pa, ang mahirap mas humirap (When will we start moving? When? When? So my dear countrymen, let's start the discussion and listen to the resource persons. This hearing aims to benefit ordinary Filipinos and make sure our Constitution's economic provisions benefit them and not just 20% of the population)," he added.

Padilla said easing the Charter's economic provisions is the only solution he sees to attract direct foreign investments. He added the Philippines has been "kulelat" (languishing) in terms of foreign direct investments, citing Bangko Sentral ng Pilipinas figures showing FDI in the Philippines dropped by 25% from 2018 to 2020.

Also, he pointed out that as the country recovers from the effects of the Covid pandemic, it needs new "drivers of growth" including opening the economy to FDIs.

"Meron tayong basehan, hindi ito isang political grandstanding. Ito po ay tunay na pangangailangan ng ating bansa, itong panukalang ito na ating amyendahan ang economic provision sa ating Saligang Batas (There is basis for seeking such amendments; this is not political grandstanding. This is addressing a real need of our country by amending our Constitution's economic provisions)," he added.

"Minabuti natin unahin ang economic provisions dahil ito ang maaring agarang makatulong sa mamamayan pagdating sa usaping kawalan ng trabaho, kagutuman at kahirapan (We are moving to prioritize amending our economic provisions because this will help address the most pressing needs such as joblessness, hunger and poverty)," he added.


Robin: Ngayon na Simulan ang Pag-Amyenda sa Economic Provision ng Konstitusyon Para Tapusin ang 37 Taon ng Kahirapan

Ngayon na ang panahon para simulang tapusin ang 37 taon ng kahirapan sa pamamagitan ng pag-amyenda ng economic provision sa 1987 Constitution para pumasok ang Foreign Direct Investments (FDI).

Iginiit ito ni Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla ngayong Huwebes sa simula ng pagdinig ng kanyang Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes sa pag-amyenda ng economic provision ng Saligang Batas sa Davao City.

"Ang ating bansa ay biniyayaan ng sapat na likas na yaman at mga kabataan at bihasang manggagawa. Sila po ay hindi magkaroon ng makahulugang kontribusyon sa ating bansa para sa ating pag-unlad dahil sa pangangailangan ng malakihang kapital. Hindi po natin mapakinabangan ang ating human resources at ating natural resources para mapaunlad natin ang ating bansa sa kadahilanan na mayroong limitasyon ang ating Konstitusyon," ani Padilla.

"Kailan po ba tayo kikilos? Kailan po? Kailan po? Kaya mga mahal kong kababayan umpisahan na po natin ang ating diskusyon at ito po ay maririnig natin ang iba't ibang boses ng ating mga resource persons... Ito pong pagdinig na ito, ang makikinabang po dito ang mga ordinaryong Pilipino dahil sa loob ng 37 years ang nakinabang diyan sa economic provision na paghigpit ay 20% lang ng population ng Pilipinas. May mga mayaman na mas yumaman pa, ang mahirap mas humirap," dagdag niya.

Ani Padilla, ang pagpapaluwag sa economic provision ng Saligang Batas ang nakikita niyang tanging paraan para mag-akit ng FDI. Dagdag niya, "kulelat" ang Pilipinas sa FDI, base sa numero ng Bangko Sentral ng Pilipinas kung saan ang FDI sa Pilipinas ay bumagsak ng 25% mula 2018 hanggang 2020.

Ipinunto din niya na ngayong bumabangon ang bayan sa Covid pandemic, kailangan nito ang "drivers of growth" para sa ekonomiya, kasama ang FDI.

"Meron tayong basehan, hindi ito isang political grandstanding. Ito po ay tunay na pangangailangan ng ating bansa, itong panukalang ito na ating amyendahan ang economic provision sa ating Saligang Batas," aniya.

"Minabuti natin unahin ang economic provisions dahil ito ang maaring agarang makatulong sa mamamayan pagdating sa usaping kawalan ng trabaho, kagutuman at kahirapan," dagdag niya.

News Latest News Feed