Press Release March 11, 2023 Cayetanos tackle messy debt, contract payment disputes on CIA with BA this Sunday With the inflation rate across the country still hovering above 8 percent according to the most recent government data, many more Filipinos are going into debt just to make ends meet. Conflicts usually arise, however, when borrowers fail to pay back their loans, or when businesses are unable to pay for services already rendered to them. Issues of contracts and obligations are top of mind on this Sunday's episode of Cayetano in Action with Boy Abunda, or CIA with BA, GMA's newest public service program helmed by sibling Senators Alan Peter Cayetano and Pia Cayetano, and co-hosted by the country's King of Talk Boy Abunda. In the episode airing March 12, two former lovers are locked in a bitter fight over money and property. The 'Case-2-Face' segment shows the man accusing the woman of carting away his savings after they agreed to use the money to build several housing units that were eventually left unfinished. In the 'Payong Kapatid' portion, a group of van rental service providers seek advice on how to go forward with cases they plan to file against a company that contracted their services but has failed to pay them for more than a year already. The sibling Senators end the show on a positive note as they play the classic rock-paper-scissors game and other Pinoy-favorite parlor games with the studio audience in the 'Alan, Pia, Pik' segment. They also honor a group of community educators in the show's 'Salamat' segment. Cayetano in Action with Boy Abunda - or CIA with BA for short - is a continuation of the legacy of the senators' late father Senator Rene Cayetano, who was known for his radio and television program "Compañero y Compañera" which aired from 1997 to 2001. Like their father, the Cayetano siblings now address the people's need for information and guidance regarding Philippine laws and how to apply them in real life situations. CIA with BA, which the two senators co-host with King of Talk Boy Abunda, airs every Sunday at 11:30 p.m. on GMA, with replays on Saturdays at 10:30 p.m. on GTV. Stay tuned in for updates on social media via @cayetanoinactionwithboyabunda on Facebook, Instagram, TikTok and Youtube. Ngayong Linggo sa CIA with BA: Isyu sa utang ang haharapin nina Kuya Alan at Ate Pia Sa pagtaas ng inflation rate sa buong bansa na ngayon ay lampas na ng 8-percent ayon sa pinakahuling datos ng gobyerno, parami ng parami ang mga Pilipinong nangungutang para lang maitawid ang pangangailangan. Sa kasamaang palad, nagkakaroon ng alitan kapag hindi nababayaran ng mga nanghihiram ang kanilang mga utang, o kapag hindi nabayaran ng mga negosyo ang mga serbisyong naibigay na sa kanila. Ngayong Linggo, mga isyu sa kontrata at obligasyon ang tatalakayin sa Cayetano in Action with Boy Abunda, o CIA with BA, ang pinakabagong public service program ng GMA na pinangungunahan ng magkapatid na Senador Alan Peter at Pia Cayetano, kasama ang King of Talk na si Boy Abunda. Sa episode na ipapalabas sa Linggo, Marso 12, haharap ang dalawang dating magkasintahan na nag-aaway ngayon dahil sa pera at ilang pag-aari. Sa 'Case-2-Face' segment ng programa, makikitang inaakusahan ng lalaki ang babae na aniya'y kinuha ang kanyang mga ipon na gagamitin sana nila sa pagpapatayo ng ilang mga housing unit. Sa 'Payong Kapatid' naman, hihingi ng payo kina Kuya Alan at Ate Pia ang isang grupo ng mga van rental service provider kung paano isusulong ang mga kaso na plano nilang ihain laban sa isang kumpanya na kinontrata sila ngunit hindi pa nagbabayad sa loob ng mahigit isang taon. Masaya pa ring matatapos ang programa sa ilang mga larong Pilipino kasama ang studio audience sa 'Alan, Pia, Pik' segment. Pararangalan din nina Kuya Alan at Ate Pia ang isang grupo ng mga community educators sa 'Salamat' segment. Ang Cayetano in Action with Boy Abunda - o CIA with BA for short - ay pagpapatuloy ng legacy ng yumaong ama ng mga senador na si Senator Rene Cayetano, na nakilala sa kanyang programa sa radyo at telebisyon na "Compañero y Compañera" na ipinalabas mula 1997 hanggang 2001 . Tulad ng kanilang ama, tinutugunan ngayon ng magkapatid ang pangangailangan ng mga tao para sa impormasyon at patnubay tungkol sa mga batas ng Pilipinas at kung paano ipatutupad ang mga ito sa totoong sitwasyon sa buhay. Ang CIA with BA ay mapapanood tuwing Linggo, 11:30 ng gabi sa GMA, at may replay tuwing Sabado ng 10:30 ng gabi sa GTV. Manatiling nakatutok para sa mga update sa social media sa @cayetanoinactionwithboyabunda sa Facebook, Instagram, TikTok at Youtube. |
Tuesday, April 29
|