Press Release
March 13, 2023

STATEMENT OF SENATOR RISA HONTIVEROS ON ONION MARKET PRICES

A retail price of above P100 is not too worrisome, since harvests are still underway. There will likely be a slight drop in that. But the bigger problem is the fact that onion farmers are not receiving a fair farm gate price. Hindi dadami ang magtatanim ng sibuyas kapag ganito ang sinasapit nila.

Sa ngayon, our farmers do not have a choice -- ibebenta nila sa presyong barat sa farmgate dahil mabubulok lang at hindi maipasok sa kulang na kulang na cold storage facilities.

The onion-centered investigations at the House of Representatives are also going in the right direction by looking at the possible connivance between middlemen and the few operators of cold storage facilities. Kung mapatunayang mayroong nananamantala, dapat mapanagot kung sino ang may sala.

The Department of Agriculture should also learn from India's approach in boosting cold storage supply. Sa ilang lugar sa India, tinatapatan ng gobyerno ang investment ng mga negosyante sa cold storage - 50-50 sila at sa kapital ng gobyerno unang kakaltasin ang anumang pagkalugi. Right now the amount of cold storage in India is nine times that of the Philippines.

Walang cartel kung sapat ang cold storage. Wala nang maluluha -- konsyumer man o magsasaka -- dahil dadami ang suplay at bababa ang presyo, tag-ulan man o tag-araw.


PAHAYAG NI SENATOR RISA HONTIVEROS SA PRESYO NG SIBUYAS

Dahil patuloy ang pag-aani ng sibuyas, inaasahan na bababa pa ang presyo nito sa merkado. Ang higit na nakababahala ay ang hindi makatarungang presyo nito sa farm gate. Hindi dadami ang magtatanim ng sibuyas kapag ganito ang sinasapit nila.

Sa ngayon, wala nang choice ang mga magsasaka kundi ibenta ang mga ani sa presyong barat dahil mabubulok lang at hindi maipasok sa kulang na kulang na cold storage facilities.

Nasa tamang direksyon ang imbestigasyon ng Kamara na tinitingnan ang posibleng pagsasabwatan sa pagitan ng mga middlemen at ng ilang mga operator ng mga cold storage facility. Kung mapatunayang mayroong nananamantala, dapat mapanagot kung sino ang may sala.

Dapat ding matuto ang Department of Agriculture mula sa diskarte ng India sa pagpapalakas ng cold storage supply. Sa ilang lugar doon, tinatapatan ng gobyerno ang investment ng mga negosyante sa cold storage - 50-50 sila at sa kapital ng gobyerno unang kakaltasin ang anumang pagkalugi. Siyam na beses na mas mataas ang bilang ng cold storage sa India kaysa dito sa Pilipinas.

Walang cartel kung sapat ang cold storage. Wala nang maluluha -- konsyumer man o magsasaka -- dahil dadami ang suplay at bababa ang presyo, tag-ulan man o tag-araw.

News Latest News Feed