Press Release March 14, 2023 Opening Statement of Senator Risa Hontiveros during the Oil Spill hearing Isang magandang umaga po sa ating lahat. Bilang panimula ay nagpapasalamat ako kay Chair Cynthia sa pagdinig na ito sa isang isyu kung saan nakasalalay ang buhay ng isa sa pinakamahalaga at pinakamayamang bahagi ng ating kalikasan. Dito rin nakasalalay ang kabuhayan at kalusugan ng ating mga kababayan sa Mindoro, kung taga saan din ang aking maternal lolo sa Naujan, sa Batangas, Palawan at Antique at iba pang karatig-pook. Narito po tayo ngayon upang alamin ang pinaka ugat nang naging dahilan ng trahedya ng pagkalubog ng MT Princess Empress at ang pagtagas ng langis mula dito, putting at risk one of the richest biodiversity sites in the world, putting at risk the livelihood of many of our kababayan. Nandirito rin po tayo upang hanapan ng solusyon ang trahedyang ito, na mabigyang proteksyon ang ating karagatan, lalo na ang mga mangroves na breeding ground ng ating mga isda at ang Verde Island Passage, ang tinaguriang "Center of the Center of Marine Shorefish Biodiversity" in the world. Kailangan nating sama-samang hanapan ng solusyon at bigyan ng suporta ang ating mga kababayang sa pangingisda kumukuha ng ikabubuhay, at kilalanin ang kanilang mga pagsisikap na maprotektahan ang kanilang kabuhayan. Kamakailan lang ay pumunta kami ni dating Senador Kiko Pangilinan sa Mindoro Oriental upang maghatid ng tulong para sa mga nabiktima ng malalang pagbaha sa lugar. Matapos ang mga pagbahang ito, oil slick naman ang kinakaharap nila ngayon. The threat that this brings to the Verde Island Passage, will impact not only the people living in Mindoro and nearby provinces but as the area with the highest concentration of coral reefs, fishes, and mangroves, it will also negatively affect the country's food supply. Ang ganito kalaking problema ay nangangailangan ng sama-samang pagkilos mula sa iba't-ibang sektor ng lipunan. Nagpapasalamat din tayo sa mga bansang nagpaabot ng kanilang intensyong tumulong. They are reaching out because they recognize the ecological and social importance of our seas. Madam Chair, the urgency of this matter cannot be underscored enough, and we welcome all the help we can get. We NEED all the help we can get. Marami pong salamat. |
Tuesday, June 17
|