Press Release
March 21, 2023

POGO-related kidnapping incidents remain unabated--Gatchalian

Kidnappings related to Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) remain unabated despite assurances made by police authorities that crimes involving POGOs have been addressed, Senator Win Gatchalian said.

Gatchalian made the revelation in the Chairman's Report by the Senate Committee on Ways and Means following a series of public hearings conducted by the Senate body to determine the socio-economic impact of allowing POGO operations in the country. Gatchalian serves as chairman of the committee.

Citing a letter dated March 9, 2023, and addressed to him, Gatchalian said the National Bureau of Investigation (NBI) has confirmed a kidnapping incident involving a licensed POGO service provider in the country.

"Verification conducted revealed that on 16 February 2023, Consul Cao Kaiwen of the Embassy of the People's Republic of China in the Philippines requested the assistance of the NBI in rescuing a male Chinese national (named) Cao Xialong, who is allegedly being illegally detained at Brickhartz Technology Inc., Shuangma Park," the letter, signed by NBI Director Atty. Medardo de Lemos, stated. The NBI is currently working to gather possible leads to rescue the victim.

"This is alarming as it shows some POGOs continue to engage themselves in illegal activities. Also, this speaks volumes of the industry's wanton disregard and mockery of our laws on peace and order," Gatchalian said. He noted that Brickhartz is the same POGO service provider implicated in a separate kidnapping and human trafficking case cited by Senator Grace Poe in a privilege speech in December last year.

A separate letter dated March 17, 2023 from Region 3 Director Police Brigadier General Jose Hidalgo Jr. also revealed that the Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) led an entrapment operation at the premises of POGO operator Lucky South 99 in Angeles City, Pampanga last September 14, 2022. The said operation led to the rescue of Wu Jia Ming, a Chinese national and 42 other foreign nationals.

Arrested in this operation was Chen Yi Ben, also a Chinese national and human resource staff of Lucky South 99. As a result, a criminal case was also filed against Chen Yi Ben and two other Chinese nationals still at large, Qi Xi Chen and Hao Nan.

"Hindi pa rin tumitigil ang ganitong mga krimen na kinasasangkutan ng mga POGO. Malinaw na kinakasangkapan lang nila ang operasyon nila sa bansa para maisakatuparan ang mga iligal nilang aktibidad," Gatchalian stressed.

The inquiry conducted by the Senate Ways and Means Committee to weigh in on the socio-economic benefits of allowing POGO operators in the country followed numerous reports of various criminalities attributed to the industry.

Based on a report submitted by the PNP, kidnap-for-ransom incidents are the most common crimes associated with the POGO industry, with 30 cases recorded from 2017 to 2022. Other crimes attributed to the industry include human trafficking, and violations of the Access Devices Regulation Act, among others.


Insidente ng mga kidnapping sa bansa dahil sa POGO tuloy pa rin --Gatchalian

Ang mga insidente ng kidnapping na nauugnay sa mga Philippine Offshore Gaming Operators o POGO ay patuloy na nangyayari sa bansa sa kabila ng mga pagtitiyak na ginawa ng pulisya na ang mga krimen na kinasasangkutan ng mga kumpanya ng POGO ay natugunan na, ani Senador Win Gatchalian.

Ang pagsisiwalat ni Gatchalian ay nakasaad sa Chairman's Report ng Senate Committee on Ways and Means kasunod ng serye ng mga pampublikong pagdinig na isinagawa ng Senado upang matukoy ang epekto ng pagpayag sa operasyon ng POGO sa bansa. Si Gatchalian ang nagsisilbing chairman ng komite.

Base sa liham ng National Bureau of Investigation (NBI) sa senador na may petsang Marso 9, 2023, sinabi ni Gatchalian na kinumpirma ng ahensya ang isang insidente ng kidnapping na kinasasangkutan ng isang lisensyadong POGO service provider sa bansa.

"Napag-alaman sa isinagawang pag-iimbestiga na noong 16 Pebrero 2023, si Consul Cao Kaiwen ng Embahada ng People's Republic of China sa Pilipinas ay humiling ng tulong sa NBI upang iligtas ang isang lalaking Chinese national (na nagngangalang) Cao Xialong, na diumano ay iligal na nakakulong sa Brickhartz Technology Inc., Shuangma Park," ayon sa liham, na nilagdaan ni NBI Director Atty. Medardo de Lemos. Kasalukuyang kumikilos ang NBI upang mangalap ng mga impormasyon para mailigtas ang biktima.

"Nakakaalarma ito dahil ipinapakita lang na ang ilang POGO ay patuloy na gumagawa ng mga ilegal na aktibidad. Gayundin, ito ay nagpapahayag ng walang habas na pagwawalang-bahala at panunuya ng industriya sa ating mga batas sa kapayapaan at kaayusan," sabi ni Gatchalian. Sinabi niya na ang Brickhartz ang parehong POGO service provider na sangkot sa hiwalay na kaso ng kidnapping at human trafficking na binanggit ni Senador Grace Poe sa isang privilege speech sa Senado noong Disyembre ng nakaraang taon.

Sa hiwalay na liham na may petsang Marso 17, 2023 mula kay Region 3 Director Police Brigadier General Jose Hidalgo Jr., isiniwalat din na pinangunahan ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang isang entrapment operation sa lugar ng POGO operator na Lucky South 99 sa Angeles. City, Pampanga noong Setyembre 14, 2022. Ang nasabing operasyon ay humantong sa pagligtas kay Wu Jia Ming, isang Chinese national at 42 na iba pang foreign nationals.

Arestado sa operasyong iyon si Chen Yi Ben, isa ring Chinese national at human resource staff ng Lucky South 99. Dahil dito, sinampahan din ng kasong kriminal si Chen Yi Ben at dalawa pang Chinese national na pinaghahanap pa rin hanggang ngayon, sina Qi Xi Chen at Hao Nan.

"Hindi pa rin tumitigil ang ganitong mga krimen na kinasasangkutan ng mga POGO. Malinaw na kinakasangkapan lang nila ang operasyon nila sa bansa para maisakatuparan ang mga iligal nilang aktibidad," giit ni Gatchalian.

Ang isinagawang serye ng mga imbestigasyon ng Senate Ways and Means Committee ay upang timbangin ang mga socio-economic benefits ng pagpapahintulot sa mga operator ng POGO sa bansa kasunod ng mga ulat ng iba't ibang kriminalidad na nauugnay sa industriya.

Batay sa ulat na isinumite ng PNP, ang mga insidente ng kidnap-for-ransom ay ang pinakakaraniwang krimen na nauugnay sa industriya ng POGO, na may 30 kaso na naitala mula 2017 hanggang 2022. Kabilang sa iba pang krimen na nauugnay sa industriya ang human trafficking, at mga paglabag sa Access Devices Regulation Act, bukod sa iba pa.

News Latest News Feed