Press Release March 31, 2023 Gatchalian bill seeks to boost K to 12 graduates' readiness to meet labor market demands Senator Win Gatchalian has filed a bill to help address the mismatch between the skills of K to 12 graduates and the demands of the labor market. Under the Batang Magaling Act (Senate Bill No. 2022), Gatchalian proposes the creation of the National and Local Batang Magaling Councils to strengthen the linkages and collaboration among the Department of Education (DepEd), the local government units, the academic communities, and industry partners. The National Council, which will align the tracks and strands of the K to 12 Basic Education Curriculum, shall be composed of the DepEd, the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), three national industry partners, one national labor group, and the Union of Local Authorities of the Philippines. The Local Councils, on the other hand, shall be composed at the provincial, city and municipal levels to ensure that K to 12 senior high school (SHS) graduates are equipped with education, training, and skills demanded by the industry partners. The provincial, city or municipal local school boards (LSBs), at least two industry partners, a representative of the TESDA provincial office, and a local employee organization or association shall comprise the Local Council. A local Batang Magaling Roadmap shall be developed at the municipal, city, and provincial levels to introduce interventions and set measurable goals on enhancing the employability and competitiveness of SHS graduates. The local roadmap shall include the skills demanded by industry partners in the locality vis-à-vis the needed knowledge, training, and skills of K to 12 SHS graduates. The proposed measure also provides that Work Immersion Programs (WIP) for SHS learners shall be based on the Batang Magaling Roadmap. To align the WIP with market demand, the Councils are mandated to conduct labor market demand studies every three years. The DepEd, in collaboration with the National and Local Councils, shall also develop, maintain, and update a centralized nationwide database of skills information to serve as one-stop shop for all matters related to the employment of K to 12 SHS graduates. To encourage industry partners to employ K to 12 SHS graduates, the bill proposes to allow an additional item of deduction from their taxable income of the full value of training expenses incurred for the skills development of such graduates hired pursuant to this measure. "Kung maisasabatas natin ang Batang Magaling Act, matitiyak natin ang kahandaan ng ating mga kabataan upang makapasok sila sa trabaho na batay sa kanilang galing at kasanayan. Matitiyak din natin na katuwang natin ang pribadong sektor upang mabigyan ng trabaho ang ating mga senior high school graduates, tulad ng layunin ng programang K to 12," said Gatchalian, Chairperson of the Senate Committee on Basic Education. Kahandaan ng K to 12 graduates para makapagtrabaho nais paigtingin ni Gatchalian Naghain si Senador Win Gatchalian ng isang panukalang batas upang matugunan ang mismatch sa pagitan ng mga skills ng K to 12 graduates at mga demand ng labor market. Sa ilalim ng Batang Magaling Act (Senate Bill No. 2022), ipinapanukala ni Gatchalian ang paglikha sa 'National and Local Batang Magaling Councils' upang mapaigting ang ugnayan sa pagitan ng Department of Education (DepEd), local government units LGUs), akademya, at mga katuwang sa industriya. Binibigyan ng mandato ang National Council na tiyaking tugma ang tracks at strands ng K to 12 Basic Education Curriculum sa pangangailangan ng labor market. Bubuuin ang National Council ng DepEd, Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), tatlong national industry partners, isang national labor group, at ang Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP). Bubuuin naman sa lebel ng probinsya, lungsod, at munisipalidad ang mga Local Council upang tiyaking matatanggap ng mga K to 12 senior high school (SHS) graduates ang edukasyon, pagsasanay, at skills na kinakailangan ng pribadong sektor. Bubuuin ang Local Council ng provincial, city, o municipal local school boards, hindi bababa sa dalawang industry partners, isang kinatawan ng TESDA provincial office, at isang lokal na employee organization. Bubuuin din sa lebel ng munisipalidad, lungsod, at probinsya ang lokal na Batang Magaling Roadmap upang magbalangkas ng mga hakbang at layuning mag-aangat sa competitiveness ng mga SHS graduates at ang kanilang kahandaang magtrabaho. Magiging bahagi ng lokal na roadmap ang mga skills na kailangan ng mga lokal na industry partners na itutugma naman sa kaalaman, kakayahan, at pagsasanay ng mga K to 12 SHS graduates. Nakasaad din sa panukalang batas na ibabatay sa Batang Magaling Roadmap ang mga Work Immersion Program (WIP) para sa mga mag-aaral ng senior high school. Upang maitugma ang WIP sa market demand, magiging mandato ng Council na magsagawa ng mga pag-aaral tungkol sa labor market demand kada tatlong taon. Makikipag-ugnayan naman ang DepEd sa National at Local Council upang gumawa ng isang centralized nationwide database ng skills information. Magsisilbi itong one-stop shop sa lahat ng mga usaping may kinalaman sa pagkakaroon ng trabaho ng mga K to 12 SHS graduates. Upang mahikayat naman ang mga industry partners na bigyan ng trabaho ang mga K to 12 graduates, iminumungkahi ni Gatchalian na pahintulutang isama bilang dagdag na item ng deduction mula sa kanilang taxable income ang kabuuang halaga ng training expenses para sa skills development ng mga graduates na natanggap sa trabaho. "Kung maisasabatas natin ang Batang Magaling Act, matitiyak natin ang kahandaan ng ating mga kabataan upang makapasok sila sa trabaho na batay sa kanilang galing at kasanayan. Matitiyak din natin na katuwang natin ang pribadong sektor upang mabigyan ng trabaho ang ating mga senior high school graduates, tulad ng layunin ng programang K to 12," ani Gatchalian, Chairperson ng Senate Committee on Basic Education. |
Thursday, April 17
Wednesday, April 16
Tuesday, April 15
|