Press Release April 2, 2023 Gatchalian to PAGCOR: File charges vs erring officials in procurement of 3rd party POGO auditor Senator Win Gatchalian challenged the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) to initiate the filing of appropriate charges against erring agency officials involved in the anomalous procurement of third-party auditor of gross gaming revenues of Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs). "Kailangang panagutin ang mga opisyal at empleyado ng PAGCOR na naging pabaya o kaya'y nakipagsabwatan sa Global ComRCI na dahilan kung bakit sa kanila napunta ang kontrata kahit na malinaw na hindi sila kwalipikado," Gatchalian said. Gatchalian issued the challenge after PAGCOR terminated its ten-year, P6-billion contract with POGO third-party auditor Global ComRCI after it was found to "have committed unlawful acts" and to be "in default of its obligations." The termination follows an investigation conducted by the Senate Committee on Ways and Means, chaired by Gatchalian, which revealed numerous irregularities in the way Global ComRCI secured the contract with PAGCOR to undertake a third-party audit of gaming revenues generated by POGOs. Among such irregularities include the submission of a falsified bank guarantee from a financial institution that was unauthorized by the central bank to provide financial services in the country. "Dapat nating habulin para masampahan ng kaso ang mga opisyal at empleyado sa gobyerno na gumagawa ng mga katiwalian para masawata ang mga ganitong gawain," he added. Global ComRCI's submission of a false document is a ground for the termination of the contract, the Senator said, citing Section 69 of Republic Act 9184, or the Government Procurement Reform Act, which specifies the grounds and sanctions for blacklisting a contractor. Further citing the law, he said that private individuals and any public officer conspiring with them in submitting falsified documents in order to influence the outcome of the eligibility screening process and competitive bidding shall suffer the penalty of imprisonment. PAGCOR said it has endorsed its decision to the Office of the Solicitor General (OSG) for the possible filing of administrative, civil, and criminal cases against Global ComRCI. Gatchalian hinamon ang PAGCOR na kasuhan ang mga tiwaling opisyal nila sa pagpili ng POGO auditor Hinamon ni Senador Win Gatchalian ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na magsampa ng naaangkop na mga kaso laban sa mga tiwaling opisyal ng ahensya na sangkot sa maanomalyang pagpili ng third-party auditor ng gross gaming revenues ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs). "Kailangang panagutin ang mga opisyal at empleyado ng PAGCOR na naging pabaya o kaya'y nakipagsabwatan sa Global ComRCI na dahilan kung bakit sa kanila napunta ang kontrata kahit na malinaw na hindi sila kwalipikado," ani Gatchalian. Ang hamon ng mambabatas ay kasunod ng pag-terminate ng PAGCOR sa kontrata nitong nagkakahalaga ng P6 bilyon sa loob ng sampung taon sa third-party auditor ng mga POGO na Global ComRCI. Winakasan ng PAGCOR ang naturang kasunduan dahil sa paglabag sa batas ng Global ComRCI at hindi pagsunod sa kanilang obligasyon. Nauna nang nagsagawa ng pagsisiyasat ang Senate Committee on Ways and Means, na pinamumunuan ni Gatchalian, na nagsiwalat ng maraming iregularidad sa pagpili ng PAGCOR sa Global ComRCI upang magsagawa ng third-party audit sa kita ng mga kumpanya ng POGO. Kabilang sa mga iregularidad ang pagsusumite ng isang pinekeng bank guarantee mula sa isang bangko na hindi awtorisado ng Bangko Sentral na magbigay ng mga serbisyong pinansyal sa bansa. "Dapat nating habulin para masampahan ng kaso ang mga opisyal at empleyado sa gobyerno na gumagawa ng mga katiwalian para masawata ang ganitong mga gawain," saad niya. Ang pagsusumite ng Global ComRCI ng isang maling dokumento ay isang batayan para sa pagwawakas ng kontrata, sabi ng Senador, sa bisa ng Section 69 ng Republic Act 9184 o ang Government Procurement Reform Act, na tumutukoy sa mga batayan at mga parusa para sa pag-blacklist ng isang kontratista. Dagdag pa niya, ang mga pribadong indibidwal at sinumang pampublikong opisyal na kasabwat sa pagsusumite ng mga pekeng dokumento upang impluwensiyahan lamang ang resulta ng proseso ng eligibility screening at competitive bidding ay dapat makulong. Sinabi ng PAGCOR na naendorso na sa Office of the Solicitor General (OSG) ang desisyon nito laban sa Global ComRCI para sa posibleng pagsasampa ng mga kasong administratibo, sibil, at kriminal laban sa third party auditor. |
Tuesday, April 22
|