Press Release April 4, 2023 Cayetano pushes for strict enforcement of safety standards on public vehicles to prevent tragedies As Filipinos travel this Holy Week to take advantage of the long weekend, Senator Alan Peter Cayetano on Monday urged government officials and personnel to be very strict in implementing safety standards for public transport vehicles to prevent tragedies such as the March 29 ferry fire in Basilan from happening again. "Ako'y nakikiusap sa lahat ng kawani ng gobyerno: obligasyon po natin to keep people safe," Cayetano said in an interview with reporters after the opening of The Life of Christ reflection site in the City of Taguig on April 3, 2023. "And the best way to do that is walang papalusutin pagdating sa regulation," he added. This as the Bureau of Fire Protection (BFP) on Monday said the fire that razed the MV Lady Mary Joy 3 along the waters of Basilan Province may have been caused by an electric short circuit. The Basilan local government had earlier said the final death toll of the tragedy stood at 28. Cayetano said the authorities must be firm in banning substandard public utility vehicles and transport units from the roads and sea lanes. "'Pag ininspect ang bus, kotse, truck at talagang substandard at hindi pwede sa kalye, 'wag nating pilitin," he said. "'Pag tiningnan natin y'ung train, baka takot lang tayong ma-media na hindi pinaandar y'ung tren na y'un pero delikado naman pala," he added. Citing previous tragedies that have claimed numerous lives due to negligence, Cayetano said it is time for the government to learn from them. "Ilan po ang nakita nating trahedya [sa mga nakalipas na taon], whether disco na nasunog na maraming naipit sa loob, earthquake na hindi tama ang bakal na ginamit sa building, ferry o barko na nasunog o lumubog, mga overloaded o mga walang safety equipment katulad ng mga life vest," he said. The senator stressed that the revenue the transport industry generates is not worth the lives an accident can claim. "May kikitain po talaga sa transportation, pero kung ikaw naman ay magiging parte ng isang malaking trahedya, eh hindi matutumbasan 'yan ng kahit anong pera," he said. "'Pag ang tao po ay namatay, hindi mo na mabubuhay 'yan kahit bilyon pa ang ibuhos mo d'yan," he stressed. Cayetano also encouraged the public to make use of social media to report their first-hand experiences on malpractices and lack of safety measures in public transport. "Modern na po ngayon. Kung kayo ay nagbabyahe at may nakikita kayong violation sa law, y'un ang magandang paggamitan ng social media," he said. Cayetano: Huwag palusutin ang mga substandard na pampublikong sasakyan para iwas trahedya Sa pagdagsa ng mga bumabyahe ngayong Semana Santa upang samantalahin ang mahabang bakasyon, hinimok ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Lunes ang mga opisyal at kawani ng gobyerno na maging mahigpit sa pagpapatupad ng mga 'safety standard' o pamantayan sa kaligtasan sa mga pampublikong sasakyan upang maiwasan na ang mga trahedya tulad ng nangyaring sunog sa isang ferry sa Basilan noong March 29. "Ako'y nakikiusap sa lahat ng kawani ng gobyerno: obligasyon po natin to keep people safe," pahayag ni Cayetano sa isang panayam sa mga miyembro ng media pagkatapos ng pagbubukas ng The Life of Christ reflection site sa Lungsod ng Taguig noong April 3, 2023. "And the best way to do that is walang papalusutin pagdating sa regulation," dagdag niya. Ito ay matapos iulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) nitong Lunes na posibleng electric short circuit ang naging sanhi ng sunog na tumupok sa MV Lady Mary Joy 3 sa karagatan ng Basilan Province. Ayon sa lokal na pamahalaan ng Basilan, nasa 28 na ang nasawi sa trahedya. Sinabi ni Cayetano na dapat maging matigas ang mga awtoridad sa pagbabawal sa mga substandard na pampublikong sasakyan sa mga kalsada at karagatan ng bansa. "'Pag ininspect ang bus, kotse, truck at talagang substandard at hindi pwede sa kalye, 'wag nating pilitin," aniya. "'Pag tiningnan natin y'ung train, baka takot lang tayong ma-media na hindi pinaandar y'ung tren na y'un pero delikado naman pala," dagdag niya. Ani Cayetano, panahon na para matuto ang gobyerno sa dami ng mga trahedyang nangyari noon na kumitil ng maraming buhay dahil sa "negligence" o kapabayaan. "Ilan po ang nakita nating trahedya [sa mga nakalipas na taon], whether disco na nasunog na maraming naipit sa loob, earthquake na hindi tama ang bakal na ginamit sa building, ferry o barko na nasunog o lumubog, mga overloaded o walang safety equipment katulad ng mga life vest," pahayag niya. Binigyang diin ng Senador na bagama't malaki ang ipinapasok na kita ng industrya ng transportasyon sa gobyerno, hindi nito matutumbasan ang buhay na maaaring mawala dahil sa isang aksidente. "May kikitain po talaga sa transportation, pero kung ikaw naman ay magiging parte ng isang malaking trahedya, eh hindi matutumbasan 'yan ng kahit anong pera," aniya. "'Pag ang tao po ay namatay, hindi mo na mabubuhay 'yan kahit bilyon pa ang ibuhos mo d'yan," pagdidiin niya. Hinikayat din ni Cayetano ang publiko na iulat sa social media ang mga mararanasan o makikita nilang kapabayaan sa mga pampublikong sasakyan. "Modern na po ngayon. Kung kayo ay nagbabyahe at may nakikita kayong violation sa law, y'un ang magandang paggamit ng social media," aniya. |
Thursday, April 17
Wednesday, April 16
Tuesday, April 15
|