Press Release April 4, 2023 Gatchalian: Gov't should prepare for possible local price hikes following global output cut Senator Win Gatchalian urged the government to prepare for a potential increase in domestic oil prices after global prices surged on Monday following the decision of Saudi Arabia and other OPEC + oil producers to further reduce oil output by 1.16 million barrels per day. "This event is unfortunate, and the government should immediately take actions that would cushion the impact of a possible effect on the domestic economy, particularly since this would further intensify inflationary pressures," Gatchalian said. The vice-chairperson of the Senate Committee on Energy said the Department of Energy (DOE) should immediately coordinate with industry players to ensure a sufficient and steady supply of energy in the country. According to him, the Land Transportation Regulatory and Franchising Board (LTFRB) should also initiate preparation for an efficient and timely implementation of the Pantawid Pasada program. Based on the previous implementation of the program, its effectiveness is hinged largely on the timeliness of its disbursement to targeted beneficiaries, thus, the need for the government to make preparations as early as possible, Gatchalian emphasized. "To avoid delay in the disbursement of the subsidy and to ensure the desired impact is realized, the LTFRB and other government agencies concerned should be ready to implement the program efficiently and should have learned the lessons from previous disbursements," Gatchalian said. Amid continuing volatilities in oil prices, Gatchalian earlier filed Senate Bill No. 384, which seeks to institutionalize the Pantawid Pasada program given the need to set up an energy subsidy program to safeguard the public transport sector against oil price shocks. In addition, Gatchalian said the DOE should also expedite the implementation of the Electric Vehicle Industry Development Act (EVIDA) to usher in a widespread use of electric vehicles (EVs) to ease the country's dependece on imported oil in the long run. "Alam natin na anumang pagkagambala sa suplay ng langis ay nagdudulot ng mas mataas na presyo. Kaya't dapat na maging mabilis ang aksyon ng gobyerno na tumugon sa hamon na ito upang magkaroon ng agarang proteksyon ang mga sektor na labis na apektado ng pagtaas ng presyo ng langis," he added. Dapat paghandaan ng gobyerno ang posibleng pagtaas ng presyo ng langis -- Gatchalian Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang gobyerno na paghandaan ang posibleng pagtaas ng presyo ng langis sa bansa matapos ang pagtaas ng presyo sa pandaigdigang pamilihan bunsod ng desisyon ng Saudi Arabia at iba pang OPEC + oil producers na bawasan ang produksyon ng 1.16 milyong bariles kada araw. "Nakakalungkot ang pangyayaring ito, at dapat agad na gumawa ang gobyerno ng mga aksyon na magpapagaan sa posibleng dagok sa ekonomiya ng bansa, lalo na't inaasahan ang epekto nito sa presyo ng mga pangunahing bilihin," sabi ni Gatchalian. Sinabi ng vice-chairperson ng Senate Committee on Energy na dapat agad na makipag-ugnayan ang Department of Energy (DOE) sa lahat ng industry players para matiyak na sapat ang suplay ng enerhiya sa bansa. Dagdag pa niya, dapat na ring simulan ng Land Transportation Regulatory and Franchising Board (LTFRB) ang paghahanda para muling ipatupad ang Pantawid Pasada program. Batay sa naunang implementasyon ng programa, ang pagiging epektibo nito ay nakasalalay sa pagiging maagap sa pagbibigay nito sa mga target na benepisyaryo, binigyang-diin ni Gatchalian. "Upang maiwasan ang pagkaantala ng pamimigay ng ayuda, dapat maging handa ang LTFRB at iba pang ahensya ng gobyerno na ipatupad ang programa nang mahusay. Dapat natutunan na rin natin ang mga aral mula sa mga nakaraang pamimigay ng ayuda," aniya. Sa gitna ng pabago-bagong presyo ng langis, nauna nang inihain ni Gatchalian ang Senate Bill No. 384, na naglalayong isabatas ang programang Pantawid Pasada upang makapagtatag ng energy subsidy program para pangalagaan ang sektor ng pampublikong transportasyon laban sa mataas na presyo ng langis. Dagdag pa rito, sinabi ni Gatchalian na dapat bilisan na rin ng DOE ang pagpapatupad ng Electric Vehicle Industry Development Act (EVIDA) upang maisakatuparan ang malawakang paggamit ng mga electric vehicles (EVs) upang maiwasang umasa nang pangmatagalan ng bansa sa imported na langis. "Alam natin na anumang pagkagambala sa suplay ng langis ay nagdudulot ng mas mataas na presyo. Kaya't dapat na maging mabilis ang aksyon ng gobyerno na tumugon sa hamon na ito upang magkaroon ng agarang proteksyon ang mga sektor na labis na apektado ng pagtaas ng presyo ng langis," pagtatapos niya. |
Thursday, April 24
Wednesday, April 23 Tuesday, April 22
|