Press Release
April 12, 2023

Opening Statement of Senator Risa Hontiveros
Senate Committee on Public Services probe on increased logistics costs in the Philippines
April 12, 2023

Magandang hapon po sa lahat.

Last year, noong eleksyon, lagi nating naririnig ang salitang unity, o yung pagkakaisa.

Tignan nyo po ang mga kasama natin ngayong umaga. Nais kong bigyang pugay ang pagkakaisa ng mga sektor na nagtataguyod sa ating mga pantalan.

Ang ating mga shippers, truckers, exporters, mga manggagawa sa ports, mga negosyante, at iba pa. There has been arguably no other issue in recent memory that has united these groups so strongly.

Nasa kwarto pong ito ang malaking bahagi ng nagpapatakbo sa ating ekonomiya. The gears that help run the economy of the Philippines are here and they are all rejecting these so-called "developments".

Iisa po ang sinasabi nila. Nagkakaisa po sila pagdating sa bagong sistemang gustong ipatupad: dahil tataaas ang kanilang operational expenses, sa huli, tayong lahat na mga consumer ang papasan ng gastos.

Yan ang ending ng lahat, mga kasama. Dyan din tayo papunta.

Sa kahit anong paikot-ikot sa diskurso natin dito, kahit anong haba ng pag-usapan, isang bagay ang sigurado. Anumang sagutin ng mga kompanya pagdating sa konsumo ng oras, pera, at pag-aabala na dala ng mga pagbabago, tataas ang bilihin. Tataas ang inflation.

Kakabit nyan, mababawasan rin ang take home ng ating mga manggagawa at maiiwan lang lalo ang mga dati nang nahihirapan.

Kaya sana po, ang pakiusap nating lahat: huwag namang pilayin ang ating ekonomiya.

Para saan pa ngayon itong mahigpit na ipinipilit ng ating administrasyon kung hindi naman makaka-ambag sa pagbangon nating mga Pilipino? Kung hihilahin lang tayo pababa, kung hahatiin lang nito ang sambayanan sa mas mayaman at MAS MAHIRAP, naninindigan ako, kasama ng ating mga stakeholders: hindi yan ang totoong pag-unlad. Salamat po.

News Latest News Feed