Press Release
April 14, 2023

Gatchalian pushes proposal to assign lifeguard in every public pool

Following a series of drowning incidents that killed more than 70 this past Holy Week, Senator Win Gatchalian reiterated his proposal to assign a lifeguard in every public swimming pool or any bathing facilities in the country.

Under Senate Bill No. 1142 or the Lifeguard Act of 2022, each public swimming pool shall employ at least one certified lifeguard during the duration of its entire operations. Pool operators shall employ an additional lifeguard for every 250 square meters of swimming pool. The lifeguards should be duly certified by any nationally recognized organization accredited by the Department of Health (DOH).

The proposed measure requires pool operators to provide local government units (LGUs) with a certification and supporting documents, which will prove the employment or engagement of the required number of certified lifeguards. LGUs, on the other hand, shall ensure the compliance of all public swimming pools through periodic local inspections coordinated by local health officers.

According to the Philippine National Police (PNP), 72 people have died due to drowning as of April 9. The fatalities included children who were left unattended by guardians while swimming in beaches or swimming pools. The PNP is yet to issue a breakdown of the fatalities.

"Nakakalungkot na ang panahong dapat inilalaan natin kasama ang ating mga pamilya ay nauuwi sa trahedya para sa iba. Ngunit maaari nating maiwasan ang mga aksidente ng pagkamatay na dulot ng pagkalunod, kaya naman isinusulong natin ang pagkakaroon ng lifeguard sa mga pampublikong swimming pool upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga kababayan," said Gatchalian.

"Safety should always be our topmost priority. We should all work together to minimize the risk. When safety procedures and policies are being implemented effectively, the number of accidents will be reduced," he added.

The World Health Organization (WHO) considers drowning as a public health challenge. Citing news reports, the Philippine Statistics Authority (PSA) said drowning was the second leading cause of death among children aged 5 to 9 in 2021, the sixth leading cause of death among children aged 1 to 4, and the second leading cause of death among children aged 10 to 14.

Of the 879,429 deaths recorded in 2021, 3,604 were due to accidental drowning and submersion. Children aged 1 to 4 had the highest number of drowning deaths at 370, followed by children 5 to 9 years old at 356. There were 330 deaths in the 10 to 14 age group, 258 in the 20 to 24 age group, and 247 in the 15 to 19 age group.


Lifeguard sa bawat pampublikong pool isinusulong ni Gatchalian

Matapos ang ilang insidente ng pagkalunod na kumitil sa buhay ng mahigit 70 nitong nagdaang Semana Santa, muling itinutulak ni Senador Win Gatchalian ang kanyang panukalang maglagay ng lifeguard sa bawat pampublikong swimming pool o anumang bathing facilities sa bansa.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1142 o ang Lifeguard Act of 2022, mandato ng bawat pampublikong swimming pool na magtalaga ng certified lifeguard sa kabuuan ng oras ng operasyon nito. Kakailanganin din ng mga pool operator ng isa pang lifeguard sa bawat 250 square meters na dagdag sa swimming pool. Dapat rin ay sertipikado ang lifeguard ng kahit anong nationally recognized organization na accredited ng Department of Health (DOH).

Nakasaad din sa panukalang batas na kailangang bigyan ng pool operators ang mga local government units (LGUs) ng sertipikasyon at supporting documents upang patunayang may sapat na bilang ng lifeguard na nakatalaga sa kanilang pasilidad. Magiging responsibilidad naman ng mga LGU na tiyaking sumusunod ang mga pampublikong swimming pool sa mga itatakdang pamantayan. Kasama rin sa mga responsibilidad ng mga LGU ang pagsasagawa ng mga lokal na inspeksyon na pamumunuan ng local health officers.

Naitala ng Philippine National Police nitong Abril 9 na may 72 katao na namatay sa pagkalunod noong nagdaang Semana Santa. Kasama sa mga nasawi ang mga batang napabayaan ng kanilang mga guardians habang naliligo sa mga beach o swimming pools. Hindi pa nilalabas ng PNP ang detalyadong listahan ng mga nasawi at kung saang beach resort o swimming pool nangyari ang mga trahedya.

"Nakakalungkot na ang panahong dapat inilalaan natin kasama ang ating mga pamilya ay nauuwi sa trahedya para sa iba. Ngunit maaari nating maiwasan ang mga aksidente ng pagkamatay na dulot ng pagkalunod, kaya naman isinusulong natin ang pagkakaroon ng lifeguard sa mga pampublikong swimming pool upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga kababayan," ani Gatchalian.

"Prayoridad natin dapat ang kaligtasan. Kailangan nating magtulungan upang maiwasan ang panganib. Kung naipapatupad nang maayos ang mga safety procedures, mababawasan natin ang bilang ng mga aksidente," dagdag na pahayag ng senador.

Itinuturing ng World Health Organization na isang hamon sa pampublikong kalusugan ang pagkalunod. Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang pagkalunod ang pangalawang sanhi ng pagkamatay sa mga batang may edad na 5 hanggang 9 noong 2021, pang-anim na sanhi ng pagkamatay sa mga batang 1 hanggang 4 na taon, at pangalawang sanhi ng pagkamatay sa mga kabataang 10 hanggang 14 na taong gulang.

Sa 879,429 na mga namatay noong 2021, 3,604 ang dahil sa aksidenteng pagkalunod at paglubog. Pinakamataas ang bilang ng mga namatay sa hanay ng mga batang nasa 1 hanggang 4 na taong gulang na umabot sa 370. Kasunod nito ang mga batang 5 hanggang 9 na taong gulang na umabot sa 356. May 330 ring naitalang namatay sa mga kabataang 10 hanggang 14 taong gulang, 258 sa mga may edad na 20 hanggang 24, at 247 sa mga may edad 15 hanggang 19.

News Latest News Feed