Press Release April 18, 2023 Robin Stresses Need for Orderly Discourse and View toward Divorce An open, orderly and peaceful discourse and view toward divorce. Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla stressed this on Tuesday as the Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality tackled bills on the matter. Padilla, who filed Senate Bill 237 or the Divorce Act of the Philippines, noted that current Philippine laws are not enough to address the complications experienced by families that are "broken." He also cited his personal experience where he and his former wife - along with their children - are living happily after they agreed to have an amicable divorce. "Sa kasamaang palad, ang ating mga umiiral na batas ay hindi tumutugon sa masalimuot at delikadong dinamika ng iba't ibang uri ng pamilya, lalo na ng ilan kung saan ang kasal ay tuluyan nang nawasak at hindi na kailanman mabubuo pa. Sa mga ganitong pagkakataon, ang diborsyo ay hindi banta sa kabanalan ng kasal; ang diborsyo po ay pagtanggap sa realidad na walang anumang uri ng lunas ang kayang humilom sa ilang pagsasamang tuluyan nang nawasak at nasira (It is unfortunate that our current laws do not address the delicate dynamics of different families where some unions are doomed with no chance of being rebuilt. In such cases, divorce is not a threat to marriage but seeks to address the reality that some unions can no longer be saved)," he said. "Sa kabuuan, aking lubos na nauunawaan na ang paksang ito ay masalimuot at may direktang implikasyon sa lahat na indibidwal at pamilya. Sa gayon, hiling ko po na bawa't isa ay bukas sa maayos at payapang diskurso. Dapat nating limiin ang isyung ito na may simpatiya, paggalang at dahan dahang makinig sa lahat ng boses kabilang ang may salungat na pananaw. Inshaallah, tayong lahat ay matuto na sa makabuluhang dayalogo na hahantong sa isang resolution na sumasalamin sa ating mga pagpapahalaga bilang isang bansa (I understand this is a delicate issue with implications on individuals and families. Thus I ask everyone to have an open and peaceful discussion, treating the issue with sympathy, respect and understanding for those with clashing opinions. Hopefully our dialogue can lead to a resolution that reflects our nation's values)," he added. Padilla likewise stressed that while it is never easy to end a marriage, divorce provides a legal protection to families where love, respect and support have been exhausted. He emphasized divorce does not aim to threaten a marriage but to protect those trapped in a doomed union. "Hindi ito pagyurak sa kasal. Kailanman di po kami maging instrumento na sirain ang isang kasal. Never... Pero bilang mga mambabatas katulad ninyo, pinaghahawakan din namin ang Konstitusyon at lahat gagawin namin para pagtibayin ang kasal. Pero kung dumating ang panahon na hinihingi na ng isa, dalawa o tatlong Pilipino na magkaroon siya ng kalayaan sa kasal, yan karapatan na niya (This is not a threat to marriage. We will never be instruments to destroying a union. Never... As lawmakers, we will uphold the Constitution to strengthen marriage - but when the time comes that one, two or three Filipinos will seek freedom from a doomed union, that becomes a right)," he said. Padilla reiterated that no one is belittling the value of the family, even as the Constitution is clear in its guarantee of protecting the family as the basic social unit. Yet, he said all families should be protected - including single parent households, families with adopted children, and blended families that are not considered traditional. "Sa gayon, ang legal na proseso sa pagsasawalang bisa ng kasal ang natatanging paraan para mabigyan ng proteksyon ang kapakanan at interest ng myembro ng isang pamilya (In such cases, the legal processes of nullifying a marriage would protect the interests of each family member)," he said. Padilla added couples should be protected from abuse. He said divorce should be acceptable for one of four women who experience physical, sexual and emotional abuse based on a 2017 survey. He added a 2017 survey showed 53% of Filipinos have a positive disposition on the need for divorce. Robin, Iginiit ang Maayos at Payapang Diskurso at Pagtingin sa Diborsyo Isang bukas, maayos, at payapang diskurso at pagtingin tungkol sa diborsyo. Ito ang iginiit ni Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla nitong Martes sa pagtalakay ng mga panukalang batas tungkol dito sa Senado. Ani Padilla, na naghain ng Senate Bill 237 o ang Divorce Act of the Philippines, bagama't nauunawaan niya na masalimuot at may implikasyon ang paksa sa lahat ng indibidwal at pamilya, hindi tumutugon ang kasalukuyang batas para sa mga pamilyang nawasak na. Naibanggit din ni Padilla ang kanyang karanasan matapos makipag-diborsyo sa kanyang asawa kung saan sila at ang kanilang mga anak ay parehong maligaya dahil maayos ang paghiwalay. "Sa kasamaang palad, ang ating mga umiiral na batas ay hindi tumutugon sa masalimuot at delikadong dinamika ng iba't ibang uri ng pamilya, lalo na ng ilan kung saan ang kasal ay tuluyan nang nawasak at hindi na kailanman mabubuo pa. Sa mga ganitong pagkakataon, ang diborsyo ay hindi banta sa kabanalan ng kasal; ang diborsyo po ay pagtanggap sa realidad na walang anumang uri ng lunas ang kayang humilom sa ilang pagsasamang tuluyan nang nawasak at nasira," aniya. "Sa kabuuan, aking lubos na nauunawaan na ang paksang ito ay masalimuot at may direktang implikasyon sa lahat na indibidwal at pamilya. Sa gayon, hiling ko po na bawa't isa ay bukas sa maayos at payapang diskurso. Dapat nating limiin ang isyung ito na may simpatiya, paggalang at dahan dahang makinig sa lahat ng boses kabilang ang may salungat na pananaw. Inshaallah, tayong lahat ay matuto na sa makabuluhang dayalogo na hahantong sa isang resolution na sumasalamin sa ating mga pagpapahalaga bilang isang bansa," dagdag ng mambabatas. Iginiit din ni Padilla na bagama't hindi kailanman madali ang desisyon na tuldukan ang kasal, legal na proteksyon ng diborsyo ang tanging magsasalba sa esensya ng pamilya kung said na ang pagmamahal, respeto at suporta sa pagitan ng mag-asawa. Kailanman ay hindi pagyurak sa kasal ang diborsyo, aniya. Sa halip, ito ay nagbibigay ng proteksyon sa mga nakulong sa pagsasamang wala nang pag-asang buhayin pa. "Hindi ito pagyurak sa kasal. Kailanman di po kami maging instrumento na sirain ang isang kasal. Never... Pero bilang mga mambabatas katulad ninyo, pinaghahawakan din namin ang Konstitusyon at lahat gagawin namin para pagtibayin ang kasal. Pero kung dumating ang panahon na hinihingi na ng isa, dalawa o tatlong Pilipino na magkaroon siya ng kalayaan sa kasal, yan karapatan na niya," aniya. Muling nanindigan si Padilla na ang kahalagahan ng pamilya sa ating lipunan ay hindi matatawaran, at malinaw sa ating Saligang Batas ang garantiya na pagbibigay proteksyon sa pamilya bilang isang pangunahing institusyong panlipunan. Gayunpaman, aniya, kailangang kilalanin natin na ang mga pamilya ay may iba't ibang anyo, mukha at hubog - "at lahat ng uri ng pamilya ay nararapat na bigyan ng proteksyon at suporta, kabilang na dito ang single parent household, mga pamilyang may anak mula sa adoption, at mga blended families na di saklaw ng tradisyonal na istraktura ng pamilya sa ating lipunan." "Sa gayon, ang legal na proseso sa pagsasawalang bisa ng kasal ang natatanging paraan para mabigyan ng proteksyon ang kapakanan at interest ng myembro ng isang pamilya," aniya. Ayon kay Padilla, kailangang bigyan ng proteksyon ang mag-asawang nakulong sa mapang-abuso at hindi ligtas na pagsasama. Dagdag niya, hindi ba katanggap-tanggap ang diborsyo para sa isa sa apat na kababaihan na nakakaranas ng pisikal, sekswal at emosyonal na pang-aabuso ng kanilang katuwang base sa isang survey noong 2017 - ito ay maaaring dahilan kung bakit dumarami ang bilang ng mga Pilipino na bukas sa legalisasyon ng diborsyo. Base sa isang survey noong 2017, 53% ng Pilipino sa hustong gulang ang positibo ang pagtugon sa pangangailangan ng diborsyo para sa mag-asawang di magkasundo, dagdag niya. ***** Video:
https://www.youtube.com/watch?v=lhcMhTyDwgI
|
Wednesday, April 23 Tuesday, April 22
|