Press Release
April 19, 2023

OPENING STATEMENT OF SENATOR RISA HONTIVEROS ON SCAM HUBS HEARING
APRIL 19, 2023

Magandang umaga sa ating lahat.

Last November, I delivered a privilege speech before the Senate calling attention to the phenomenon of Filipino citizens being trafficked to other countries in the Southeast Asian region. The details that unfolded were staggering. Pinangakuan silang magtatrabaho sa Bangkok, pero pagdating nila sa Bangkok, ay biglang sinakay sa van tapos pinabyahe ng pitong oras, tapos pinatawid ng ilog, at nakita nila ang kanilang mga sarili sa tila technopark, pero nasa gitna ng kawalan. Karimarimarim ang mga kwento - sinasaktan, kinukuryente, ginugutom, pinapag-push-up sa kainitan ng araw, at hindi sineswelduhan pag hindi nakakascam.

After facilitating the rescue of Filipinos in Myanmar with the timely assistance of the Department of Foreign Affairs, dinagsa kami ng daan-daang mga panawagan para sa saklolo. Kung hindi galing sa mga mismong biktima, galing sa mga mahal nila sa buhay. May isa, halos mamatay na dahil sa pang-aabuso sa kanya. Hindi siya papayagan na makauwi kung wala siyang ipapalit.

Bukod sa mga pasakit na dinanas ng ating mga kababayan, lumantad din ang kasakiman ng iba. At binuking natin ang iba't ibang mga creative na paraan ng human trafficking papunta sa mga scam hubs na ito. Nalaman natin yung kwento ni Paulo, na pinagpanggap na store attendant para di dadaan ng immigration. Nadinig din natin yung kwento ni Brando na pinadaan sa Sulu, tinatakan ng pekeng stamp ang passport, at limang bansa ang dinaanan bago makarating ng Cambodia. Nabatid natin ang kwento ng mga nanggaling sa Cambodia na nasa Clark airport dumaan at kasabwat ang IO para payagang lumipad.

But nothing prepared us for what we discovered after. Our country is hosting its very own scam hubs. Large condominium buildings are being repurposed to be used as living and working facilities for trafficked human beings, being forced to perform scams on hapless victims. These trafficking victims, numbering in the hundreds and perhaps even in the thousands, are reportedly from Indonesia, Vietnam, Cambodia, Myanmar, countries in Africa, and countries in South Asia.

Pero kung ang mga scam hubs sa Cambodia at Myanmar ay nasa gitna ng kawalan, nasa mga liblib na probinsya, dito sa Pilipinas, andito mismo sa kabisera. In the middle of the urban jungle. Ang isang building na tutukuyin ko mamaya, 15 minutes from the airport and probably 10 minutes away from the Philippine Senate.

Right under our very noses, a humanitarian crisis is taking shape. A mass of desperate humanity. Human beings of the world are being hurt, abused and used in order to perpetrate fraud. Nananakit ng kapwa para manloko ng kapwa.

Later, we will be hearing from a policy expert, Dr. Alvin Camba, who will help us tease out links between these scam hubs and the Chinese syndicates behind online gambling. Ang mga scam hubs ba na ito ay parang mga tiyanak na pinanganak ng POGO? Nag-evolve ba ang mga online gambling outfits dito into scam hubs dahil mas malalaki ang kita, o ito ba ay diversification of revenue streams?

###

You may also check our Viber group for media releases:

https://invite.viber.com/?g=eRr1YhxDwE7SB-TbH5C-3YXxSFpxGVUZ

Please visit our social media platforms:

https://www.facebook.com/hontiverosrisa

 https://twitter.com/risahontiveros?s=20

https://www.instagram.com/hontiverosrisa/

News Latest News Feed