Press Release
April 25, 2023

SENATE MEDIA INTERVIEW OF SENATOR WIN GATCHALIAN ON BATANG MAGALING ACT, SCHOOL CALENDAR, SIM CARD REGISTRATION AND OMECO

SEN. WIN: May isyu kasi tayo ng kulang sa experience ang mga senior high school students natin. For example, yung work immersion program, 80 hours lang ang ibinibigay so kulang ang 80 hours na ibinibigay dahil exposure lang pero walang training na nakukuha. That's number one. And number two, yung soft skills, yung soft skills kasi hindi naman yan natututunan sa loob ng classroom, sa labas ng classroom yan. For example teamwork, yung teamwork natututunan mo yan sa trabaho na eh. Kaya comment din ng CHR na kulang sa soft skills ang mga graduate natin dahil kulan din sa immersion ang ating mga estudyante. So maraming dapat gawin, ayusin sa senior high school students. Yung senior high school program natin para maging job ready siya at college ready, ngayon kasi hindi ganun ang nangyayari.

Q: On national certification

SEN. WIN: Isa sa pinakamalaking problema tawag ko nga deadend para doon sa mga senior high schools natin dahil pagkatapos ng two years nila wala silang certification from TESDA. Sila pa mismo ang kukuha ng sarili nilang certification, maghahanap sila ng testing center, magbabayad sila ng sarili nila para ma-certify. Ang kagandahan almost 97 percent ng kumukuha ng certification pumapasa pero ang masama 80% hindi kumukuha ng certification dahil nga may gastos. Umaabot yan probably between P2,000 to P5,000 depending sa course nila. So ang proposal natin gobyerno na ang sumagot so nagkakahalaga yan ng about P300 million. Para pag graduate mo ng senior high school automatically meron ka nang NC 1 or NC 2. National Certification 1 or National Certification 2.

Q: Nakakatulong ba yun para sa employment?

SEN. WIN: Nakakatulong yun, in fact kanina sabi ng ECOP yung Employees Confederation of the Philippines na game changer siya dahil for example ang aking senior high school track ay agriculture, makukuha ko na ang certification ko madali na akong magtrabaho ngayon sa agriculture sector. Or kung for example ikaw ay nasa let's say tourism, let's say sa Cebu ka, kaagad may certification ka ng tourism mabilis ka nang makakakuha ng trabaho. So game changer siya talaga na admittedly lahat ng resource persons natin sinabi na yun ang pagkukulang natin sa senior high school natin.

Q: Paano yung operation sa certification?

SEN.WIN: Unang-una budget na kanina kinompute namin mga P300 million ang kailangan so not so big. Considering na ang budget ng DepEd is P700 billion so it's not so big. Ang magiging challenge dyan ay yung assessment centers. Dahil ang assessment centers natin ay limitado lang so isa sa mga aayusin din natin na padamihin ang assessment center ng TESDA. So for example gusto mo mag-assess kaagad pwede ka nang pumunta sa assessment center.

Q: Lahat ba TESDA ang mag-assess?

SEN.WIN: For the techvoc kasi iba yung diploma is academic yun para sa college. Yung assessment and certification ay para sa techvoc at iba pang mga strand for example accounting ngayon meron na ring assessment and certification. So pwede ka nang makuha. Kapag nakuha mo yun pwede ka nang diretso ka nang magtrabaho.

Q: Kapag Civil Service sa government walang distinction sa senior high school?

SEN. WIN: Actually yun nga nakakadismaya dahil almost 5 years na ang senior high school graduates natin pero hanggang ngayon ang gobyerno walang kaibahan between the 10 year graduate and the senior high school graduate, wala siyang kaibahan. So ang treatment nya sa senior high school graduate natin ay kapareho lang ng 10 year graduate natin. Pero malaking kaibahan dahil ang additional two years, nagdagdag tayo ng skills na itinuturo natin doon sa senior high school graduate natin kaya malaking-malaki. At yun nga ang nakakadismaya dahil unfair para sa ating mga senior high graduate na ang treatment sa kanila ay pareho lang sa 10 years pero ang dagdag na dalawang taon sa kanya, malaking bagay na yan dahil mas mataas ang sweldo na makukuha niya, mas magandang trabaho ang makukuha nya.

Q: TESDA lang?

SEN. WIN: TESDA lang ang agency na pwedeng mag-certify.

Q: Mga regional centers?

SEN.WIN: Meron silang mga private certification centers rin. Maraming mga private so for example may mga inacredit silang certification centers. Marami rin.

Q: Pag-shoulder ng pamahalaan ng P350 million DepEd lang o TESDA?

SEN.WIN: DepEd, DepEd ang magsho-shoulder nun. So yun ang aming proposal na immediately pwede nang gawin. Hindi na kailangan ng batas yan. Para naman ang mga senior high school graduates natin certified na sila. Hindi na sila mag-aantay pa na pumunta sa certification center, part na yan ng curriculum.

Q: Sir, tungkol lang po sa sobrang init ng panahon, nahihirapan ang mga estudyante, on your part Sir ano ang pwedeng solution?

SEN. WIN: Actually, unang-una ang mga principals natin under the Department Orders of DepEd ang pinaka importanteng responsibilidad ng principals natin ay yung kapakanan o welfare ng ating mga estudyante. Kung nakikita nila na sobrang init o may bagyo o anumang hindi maganda sa kanilang lugar, pwedeng mag-cancel ng klase ang ating principals, pwedeng mag-suspend ng klase ang ating principals. Pwede rin sila ngayon mag-blended learning allowed na yan ngayon. So depende yan sa sitwasyon ng isang lugar. So hindi natin pwedeng i-apply na suspindihin buong Pilipinas dahil iba-iba ang sitwasyon. Like for example, dito sa Metro Manila hindi naman gaano kainit compared sa Tuguegarao na sobrang init doon. So call talaga yan ng principal na pag suspend at pagkansela ng klase. At kailangan lang nating i-remind ang ating mga principals na tignan nila ang klima, tignan nila ang forecast, magbasa sila ng news sa internet para malaman nila kung ano forecast sa mga susunod na panahon. Dahil hindi natin pwedeng kanselahin ang klase kung nakapasok na ang bata. Tignan din natin kung bukas eh papalo ng 40 or even higher, kanselahin na agad.

Q: Hindi kailangan ng Department Order?

SEN. WIN: No, may existing department order na yan. I actually reviewed yung existing department order at meron nang ganyan na existing department order.

Q: Pagasa is saying to 50 degrees celsius. Paano kapag ganun?

SEN. WIN: Definitely kung may isang lugar na aabot nang ganun, yung principal dapat mag-cancel na ng klase. And also DepEd, national should monitor the situation. Admittedly ang klima ngayon iba. Mas mainit, mas humid so we have to monitor the weather conditions.

Q: Ano ang pwedeng maging consideration din sa part ng teachers and non teaching personnel?

SEN. WIN: Ang consideration dyan for example yung mga activities. Yung extra curricular activities saka co-curricular activities nila. Sa mga ganitong panahon, let's avoid having external o mga outdoor activities dahil mainit nga. I think meron tayong mga cases na nagkaroon sila ng earthquake drill, lumabas ang bata, mainit. So kung alam natin next day mainit ang klima wag na tayo gumawa ng outdoor activities. Mag-indoor activities na lang muna tayo. Gamitin nila ang MOOE nila. Lahat ng schools natin may MOOE, bumili sila ng electric fan. Bumili ng gamit para naman medyo lumamig naman ang condition ng classroom.

Q: May pondo ba ang DepEd para bumili ng additional electric fans?

SEN. WIN: Meron naman. Meron silang pondo, they can use their own funds but ang school merong sariling MOOE yan. Alam ko for example like in Valenzuela bumibili ang mga principals namin ng mga electric fan. Yung PTA, actually maraming PTA yan ang paboritong project nila magbigay ng electric fan so community rin ang nagtutulong-tulong para maging mas maaliwas ang classrooms natin.

Q: Hindi kailang lahat ipasa sa PTA?

SEN. WIN: Yes. Ang schools natin may pondo yan through the MOOE. So the principals again can buy electric fans if they need or other things like tubig, or other things na pwedeng maging para gumaan naman ang condition ng eskwelahan.

Q: Parents?

SEN. WIN: Parents voluntary if they want to help. Alam ko kasi ang mga PTA natin yan ang kanilang paboritong project yung electric fan so if they want to help, they can help.

Q: Pero Sir ang gusto ng PTA dahil sa sobrang init aircon ang gusto nila?

SEN. WIN: Tingin ko hindi kaya yan. Wala pa akong alam na public school na merong aircon. Halos 99% ng public school natin ay open classrooms at ganitong panahon ng COVID I think it is also recommended na ang ventilation maganda. So you have to also remember na wala pa tayo sa normal situation in terms of pandemic so recommended pa rin ng mga health experts na maaliwalas pa rin ang mga classrooms natin.

Q: Iwasan muna ang outdoor activities, ano yung mga PE?

SEN. WIN: May mga gym sila so kung may outdoor activity use the gym, instead of going talagang sa labas. Alam ko may mga projects ang ibang eskwelahan for example mga field trip na outdoors, i-avoid muna ang mga ganun. Kasi nga mainit ngayon. So ang punto dito, ang principals natin and teachers natin should be aware, dapat alisto sila at maalam sila sa sitwasyon dahil kakaiba nga ang sitwasyon ngayon.

Q: School Opening

SEN. WIN: Yan ang kaugalian natin. First of all ang summer kasi ang bata typically nasa bahay. Kung lalabas sila normally hapon na so yung pagbabalik natin sa dating school calendar or summer natin is April, May may mga advantages yan. Unang una yung bonding time ng pamilya, pangalawa mainit yun so hindi sila papasok ng eskwelahan, nasa bahay sila. At pangatlo, if you remember ang election time natin every three years is May. So ginagamit natin ang classrooms and teachers for elections.

So we have to recognize that under our laws, ang election natin every May yan. Kaya talagang summer ang bakasyon para walang estudyante sa classroom.

Q: You agree to that?

SEN. WIN: I agree but I also admit that you can't do it instant. Kasi ang pag-aadjust ng calendar dahan-dahan yan gagawin natin so but we have to have a slow transition to our original school calendar.

Q: On Sim registration extension

SEN. WIN: Oo nga. Well, of course we respect the decision of DICT. Under the law naman they can extend for another 120 days. Ang aking punto lang naman, we should not expect na magiging 100 percent ang registration. Nung tinitignan ko yung statistics, 120 million sim cards, prepaid sim cards. Ang population natin is 109 million so ibig sabihin pati ang sanggol at bata ay may prepaid. But that's not the case, ang alam natin kasi marami tayong mga kababayan na more than 1 ang kanilang prepaid sim cards at marami rin sa ating mga kababayan na hindi nila nireregister na yung kanilang multiple prepaid sim card. So that's why I don't think in my analysis, hindi tayo aabot ng 100 percent. But then again, to give chance to everyone we respect the decision of the DICT to extend it because under the law naman 120 days is allowed to extend.

Q: Yung 120 days sobra bang mahaba?

SEN. WIN: Ako I respect that if they think that's appropriate and we just have to respect that.

Q: On power shortage sa Mindoro

SEN. WIN: Nag-file ako ng resolution today, isasubmit ko ang resolution today. Itong issue ng OMECO medyo matagal-tagal na rin ito. And nakita ko meron ding pagkukulang ang management ng OMECO, marami silang mga power supply agreement na hindi pa nasasubmit sa ERC, hindi pa naaprubahan so talagang kung di masasubmit wala ka ring maaaprubahan. So ang immediate solution dito number 1, yung mga generators ng National Power Corporation dalhin na doon kasi ang shortage nila konti lang naman, about 20 megawatts lang. So ipadala na doon. Pangalawa, magsubmit na sila ng mga power supply agreement sa ERC under the emergency purpose para magkakontrata na sila ng mga bagong supplier. So ito yung dalawang immediate solution para lang madagdagan ng kuryente. Ang pinakaproblema dito kulang lang ng kuryente. Dapat madagdagan lang immediately.At kailangan nila is about 20 MW.

Q: Meron sila agad makukunan?

SEN. WIN: Meron namang readily available. Ang mga suppliers naman they can deploy. Unang-una ang NPC government yan. Meron silang mga available generators na pwedeng ideploy sa Occidental Mindoro. They can solicit sa private sector din para pumasok and under the emergency purchase rules kahit na wala munang bidding pwede silang kumontrata.

Q: Pwede naman palang gawin?

SEN. WIN: Kaya nga. That's why for me it's a management issue. Importante ang management gumalaw din. Hindi pwedeng iasa lahat sa gobyerno. Alam naman natin ang kuryente nakadevolve na yan sa mga electric coop so dapat sila ang gumawa ng mga solutions. Hindi nila pwedeng iasa sa national yan. Dahil may sarili silang management, may sarili silang board. Sila ang dapat gumawa ng hakbang.

Q: Yung NAPOCOR bakit hindi pa ginagawa?

SEN. WIN: DOE yan. That's why dual role yan, ang electric coop dapat gumagalaw. Ang Napocor dapat gumagalaw. Ang NAPOCOR short term lang yan. Dadalhin nila ang generator nila doon shortterm maybe in 30 days. Ipupullout nila para dalhin sa iba. For emergency lang talaga ginagawa yan.

Q: Ang Occidental ba nasa?

SEN. WIN: Spot area sya, nasa isla siya. Yung Occidental Mindoro at Oriental Mindoro ay spot area..

Q: So paano?

SEN.WIN: So ang long-term solution dyan is ikabit na ang Mindoro sa Batangas sa underground transmission line, matagal nang proposal yan. DOE should look at that para talagang kumuha na siya ng kuryente dito sa main island.

Q: Liability ng OMECO?

SEN. WIN: First of all kung merong dahil management issue ito ang gobyerno pwede nang itakeover ang OMECO. Meron tayong tinatawag na step in rights under the law. So kung management issue ang gobyerno pwede nang pumasok doon para ayusin na pero short term lang at titignan nya kung ano ang mga pagkukulang. Pwedeng maging issue yan ang negligence, pwedeng issue ang mismanagement. So government may come in and analyze the issue. Importante in the short term may kuryente muna kasi ang investigation will take time. So importante may kuryente na maipapadala.

Q: Government?

SEN. WIN: NEA

Q: About time na?

SEN. WIN: Dapat na. Kasi nakita ko state of calamity on power which is very rare. Actually ngayon lang ako narinig ng ganun so ganun na kalala. So government can actually step in already. Government meaning NEA, NAPOCOR.

Q: Nagtuturuan po kasi ang Omeco and supplier nila?

SEN. WIN: Well sa akin, management issue yan. Hindi dapat umabot ng ganito so management dapat managot sila. Management responsibilidad mong patakbuhin ang kooperatiba mo. So kapag hindi mo napatakbo ng maayos yan kasalanan mo yan.

Q: Gensets?

SEN. WIN: Short term, doable sya. But in the long term kailangan mas malalaki. Ang Mindoro kasi malaking island. Andyan ang Puerto Galera, andyan ang Calapan. Even nasa kabilang side it's a very big island. I think long term nyan kabitan na ng malaking kable para dito na sa main kumuha.

Q: Ang dami na nilang power interruption pero magtataas pa rin ng power rate?

SEN. WIN: Dapat hindi sila nagtataas ng rate, wala ngang kuryente so bakit sila magtataas ng rate. ERC should investigate also bakit sila nagtataas. Hindi sila pwedeng magtaas ng rate kung walang approval ng ERC.

Q: Takeover?

SEN. WIN: Stepping rights. NEA can take over the management ibig sabihin may problema na.

Q: Kanino manggagaling ang desisyon?

SEN. WIN: Sa NEA Board. Ginawa na nila yan in many electric coops. Talagang kapag nagkakaproblema ang electric coops, government can take over, temporary lang hanggang ma-stabilize ang situation.

Q: Ano itsura ng operation?

SEN. WIN: Typically, NEA will appoint a temporary operations head tapos mag fo-form sila ng task force , yung task force parang magiging interim board nila para magdecide kung ano ang mga ano.

Q: Kapag naayos na, babalik sa OMECO?

SEN. WIN: babalik sa OMECO pero mageelection yan dapat magkaroon ng election. Papalitan ang board, papalitan ang GM. Magkakaroon sila ng election, general membership assembly nila.

Q: Power ng board?

SEN. WIN: Kapag government na ang magtetake over, government na mag-aapply ng mga petitions nila. So that person, yung operations head na ilalagay nila temporary lang yun para maayos lang kasi importante short term.

Q: Dapat ba tignan na rin situation ng ibang lugar?

SEN. WIN: Marami tayong mga ganyang ano pero naaayos naman. For example nga yung DANECO, sa Davao. Marami namang naaayos. Like for example Casureco III sa Camarines Sur naayos yun. Marami ring hindi naaayos pero maraming naaayos. In fairness yung step in rights maraming naaayos yun.

Q: Dapat sabihin na dapat magtake over na ang gobyerno?

SEN. WIN:Yes, if you remember sa Palawan nagkaroon ng ganyan. Nagstep in tapos naayos na rin. Although may konting problema pa but generally na-stabilize. Importante lang ma-stabilize.

Q: 4 hours lang a day may kuryente.

SEN. WIN: I don't think dapat umabot sa ganun kasi may solution naman. Ang pinakaproblema doon kulang ng suplay so dapat dagdagan ang supply in the short term. So ang supply nila will come from the government in the short term.

Q: Barges?

SEN. WIN: Barges yan and generator, malalaking generator.

Q: On PCSO investigation

SEN. WIN: Hindi ko masyadong ano, I'm not so familiar, nababasa ko lang but di ko pa masyadong na-aanalyze. Headline ko lang nabasa yung sinabi ni Senator Pimentel. Pag-aralan ko muna.

Q: Chances of winning

SEN. WIN: Not very sure, di ako makapag comment kung ano talaga.Senator Pimentel mathematician yan.

Q: Proposal to extend estate tax amnesty?

SEN. WIN: Ako open ako doon sa extension ng estate tax. Second round na yan, nag-extend na tayo once. The reason why we extended it because panahon ng pandemic. 2019 ang estate tax inextend natin yan dahil panahon ng pandemic. Pero when I was telling this issue meron din akong nadetect na hindi maganda. Like for example na maraming reklamo na pinapahirapan ang mga nag-aapply ng estate, humihingi ng mga dokumento na wala naman sa ilalim ng batas. Marami rin lumalapit sa fixer so gusto ko munang maimbestigahan ang corruption issues at mga allegations of na pinapahirapan ang mga applicants. Dahil kung ang isyu ay ang proseso, ayusin natin ang proseso. Kung ang isyu ay corruption, ayusin natin ang corruption. Baka pinapahirapan nila para magbayad, obviously para kumuha ng fixer at magbayad. So its not an issue na ayaw ng tao. Its an issue na pinapahirapan sila. So I want to conduct a hearing para mainvestigate itong mga ganitong allegations of corruption, allegations of fixers para ayusin ito. But open ako sa extension kung kailangan talagang iextend. Ang target natin is P5 billion, ang nakitang collection is almost P 5billion na.

Q: Sabi ni Cong.Recto P8 billion ang target?

SEN. WIN: P5 billion ang nakita, kabisado ni Sen Recto yan because he is one of the authors.

Q: May chance ba na maaprub?

SEN. WIN: Kung pipilitin kakayanin, very tight pero kakayanin. Kapag ito ay sinertify as urgent kakayanin.

Q: May call nga na i-certify as urgent.

SEN. WIN: But we have to address the, let's say inextend natin pero may corrupt officials, hindi magagamot, pahihirapan pa rin nila ang mga applicants. At yun ang nadetect ko when I was doing may consultations. So may corruption issue and allegations of fixers. Kasi hindi mawawala yan, whether you iextend it now or you don't. Hindi mawawala yan. But open ako to extend.

Q: May proposal na dito?

SEN. WIN: Wala pa.

Q: TWG

SEN. WIN: Yes mag-TWG kami and then we will try to submit a committee report hopefully before sine die.

Q: Recommendations?

SEN. WIN: Three important things. Number one, ishoulder ng gobyerno ang certification ng mga senior high school students. Number two, dapat nag-uusap ang industriya at DepEd para alam kung ano ang kailangan natin na ituro sa bata. Number three, pahabain pa ang work immersion para humaba pa ang experience.

Q: Ibigay ang TVL sa TESDA?

SEN. WIN: Pag-aaralan namin baka structurally medyo mahirap yun kasi ang may control talaga ng schools natin, DepEd. So pag-aaralan namin yun kung paano ang administration ng ganyang paglilipat. Ang mga bata kasi nag-aaral sa DepEd Schools, doon din sila nagte-techvoc. So I don't know how TESDA can go in our DepEd Schools and teach the techvoc.

Q: Lack of instruments daw

SEN. WIN: Oo nga. Nakita rin namin na kulang talaga. So we will study that proposal.

Q: Work immersion gaano katagal?

SEN. WIN: Two things dapat ang work immersion yung mga industriya for example dapat ang industriya ang magdidictate kung saan mag-work immersion. For example, kung kailangan natin mas maraming computer engineers dapat sa isang computer engineering company sila nagwo-work immersion, so that's number one. And number two, pahabain ang 80 hours, may 200 hours or even 300 hours.

Q:Companies cannot refuse?

SEN. WIN: We will incentivize. Ang proposal namin deductible, kung kumuha ka ng estudyanteng magwowork immersion kung ilang hours yun pwede mong ideduct sa babayaran mong income tax.

Q: Hired din as regular members?

SEN. WIN: Hindi na, iba naman na ang hiring

News Latest News Feed