Press Release May 8, 2023 STATEMENT OF SENATOR RISA HONTIVEROS ON THE RESCUE OF 1,000 HUMAN TRAFFICKING VICTIMS AT CLARK The hearings of the Senate Committee on Women have been bearing fruit, with the recent rescue of 1,000 human trafficking victims at Clark. I wish to thank the Philippine National Police and local authorities in Clark who have not only participated seriously in our hearings but also continue to investigate the 'super-scamming' operations that continue to proliferate locally. The scamming network runs as deep and wide as the apparent corruption at our borders. We expect all agencies to be at full throttle to end the massive scamming operations that put our Filipinos and fellow Asians in danger. If these scam networks are using POGOs as a legal cover, we also need to blow the lid off that. We cannot tolerate such abuses and twisting of the law. Over the years, since we exposed the pastillas scam, we have sounded out on BI reformation, but we have yet to see the results of any improvements done. Dapat dalhin ng Bureau of Immigration ang buong bigat ng patong patong na panloloko, human trafficking, at labor abuses sa iba't ibang nasyonalidad. PAHAYAG NI SENATOR RISA HONTIVEROS SA PAGSAGIP SA 1,000 BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING SA CLARK Nagbunga ang mga pagdinig ng Senate Committee on Women sa kamakailang pagkakasagip sa 1,000 biktima ng human trafficking sa Clark. Nais kong pasalamatan ang Philippine National Police at mga lokal na awtoridad sa Clark na hindi lamang aktibong lumahok sa aming mga pagdinig kundi patuloy ding nag-iimbestiga sa mga "super-scamming operations" na patuloy na lumalaganap sa bansa. Malalim at malawak ang scamming na ito gaya ng tahasang katiwalian sa ating borders. Inaasahan namin na puspusan ang operasyon ng lahat ng mga ahensya ng gobyerno upang wakasan ang scamming operations na naglalagay sa ating mga Pilipino at kapwa Asyano sa panganib. Kailangan ding nating paalisin ang mga scam network na ginagamit ang mga POGO para gawing lehitimo ang kanilang negosyo. Hindi dapat kinukunsinti ang ganitong pang-aabuso at pagbaluktot sa batas. Mula nang ilantad namin ang pastillas scam, nagpahayag na kami na kailangan ng reporma sa BI, ngunit hindi pa namin nakikita kung mayroon mang pagbabago. Dapat dalhin ng Bureau of Immigration ang buong bigat ng patong patong na panloloko, human trafficking, at labor abuses sa iba't ibang nasyonalidad. |
Thursday, June 12
|