Press Release
May 11, 2023

Tulfo wants one-strike policy vs abusive employers

Senator Idol Raffy Tulfo is proposing a one-strike policy for abusive employers who are not complying with the country's minimum wage law and are not giving the benefits due to their workers.

During the Senate Committee on Labor hearing yesterday, May 10, Tulfo said employers should immediately be penalized and obliged to pay when a worker presented strong evidence against them.

Tulfo, Vice Chairperson of the Labor Committee, lamented that the country's current labor law appears to be toothless because non-compliant employers are not afraid of it due to lack of implementation.

"Dapat one-strike policy ang pairalin laban sa mga isinusumbong na mga tiwaling employer sa DOLE. Kapag may iprinisentang matibay na ebidensya ang manggagawa laban sa kanyang amo na hindi nagbibigay ng tamang pasweldo at benepisyo, kailangan agad-agad patawan ng parusa si amo at obligahin na magbayad. Ito na ang dapat na bagong patakaran. Wala nang marami pang satsat!" he said.

Apart from the penalty such as a higher fine, for example, Tulfo said that the employers facing complaints should immediately pay the employees without complaining.

Under the current policy which Tulfo criticizes, when an employee reports his erring employer to DOLE, the worker still needs to go through tedious and long process despite presenting strong evidence that his complaint is legitimate.

Tulfo shared that DOLE would start by issuing letter to the employer asking for explanation, and if said employer fails to respond, it would still be given another chance to reply. Tulfo said this process is being exploited by abusive employers because for them, it is a way to delay the worker's chance of getting justice.

Tulfo added that another policy that is favorable to abusive employers is the rule stating that the complaint of workers should still need to undergo mediation, which could reach up to three hearings.

And if they cannot reach into agreement during mediation, DOLE will then forward the complaint to National Labor Relations Commission (NLRC) which will only exhaust the money of workers because said worker needs to go back and forth to NLRC. Worst case scenario, the case could last up to decades before getting resolved.

That's why in the new system proposed by Tulfo, he wants this lengthy anti-poor process to be removed. According to him, the Rules of Procedure in DOLE will be revised in such a way that employees must immediately pay workers who managed to present overwhelming evidence that he was abused. ###


One-strike policy laban sa abusadong employers, tinutulak ni Tulfo

Kinagalit ni Sen. Idol Raffy Tulfo ang animo'y bungal na batas sa labor sapagkat hindi ito kinatatakutan ng mga tiwaling employer dahil kulang sa implementasyon.

Kaya sa ginanap na hearing sa Senate Committee on Labor kahapon, May 10, ang ginawang suhestiyon ni Tulfo ay patawan agad-agad ng parusa ang isang employer na hindi compliant sa minimum wage law at 'di nagbibigay ng tamang benepisyo sa oras na makapagpakita ng matibay na ebidensya ang isang manggagawa laban sa kanila.

"Dapat one-strike policy ang pairalin laban sa mga isinusumbong na mga tiwaling employer sa DOLE. Kapag may iprinisentang matibay na ebidensya ang manggagawa laban sa kanyang amo na hindi nagbibigay ng tamang pasweldo at benepisyo, kailangan agad-agad patawan ng parusa si amo at obligahin na magbayad. Ito na ang dapat na bagong patakaran. Wala nang marami pang satsat!" saad niya.

Bukod sa parusa gaya ng mataas na multa sinabi ni Tulfo na kailangan din bayaran agad ng employer na inirereklamo ang kanyang manggagawa na "wala ng marami pang satsat."

Sa kasalukuyang patakaran, kapag sinumbong ng tauhan sa DOLE ang kanyang amo, maraming proseso ang dadaanan kahit pa nakapagpakita na ng mga matitibay na ebidensya ang manggagawa bilang patunay na lehitimo ang kanyang sumbong.

Mag-uumpisa ang DOLE sa pagpapadala ng sulat sa inirereklamong amo para humingi ng paliwanag at kapag hindi tumugon, bibigyan pa ito ng ilang pagkakaton para sumagot. At ang prosesong ito ay napagsasamantalahan ng mga abusadong amo dahil para sa kanila, ito'y isang paraan upang magkaroon ng delay ang pagkamit ng manggagawa ng hustisya.

Dagdag pa rito ay ang nakasaad na patakaran na kailangang dumaan sa mediation ang sumbong ng manggagawa na pwedeng umabot hanggang sa tatlong hearing. Sa huli, pabor na naman ito sa mga abusadong amo.

At kapag hindi pa talaga nagkasundo sa mediation, ipapasa naman ng DOLE ang sumbong sa NLRC kung saan madudurog na ang manggagawa sa gastos dahil magpapabalik-balik na siya sa NLRC. Kapag siya'y minalas-malas, aabutin pa ng deka-dekada ang kaso hanggang sa maresolba.

Sa bagong sistemang gustong mangyari ni Tulfo, na Vice Chairperson ng Committee on Labor, tatanggalin na ang pagkahaba-habang anti-poor na prosesong ito at babaguhin ang Rules of Procedure sa DOLE.

News Latest News Feed