Press Release
May 12, 2023

Gatchalian on end of COVID-19 global emergency: Focus needed on education recovery

Following the World Health Organization's declaration that COVID-19 is no longer a global health emergency, Senator Win Gatchalian emphasized the need to focus on the recovery of the education sector, one of the hardest hit during the height of the pandemic.

Gatchalian pressed the need for a full rollout of a learning recovery program to mitigate learning loss resulting from the lack of face-to-face classes for two years. According to UNESCO, the Philippines has the longest pandemic school closures in the world. The senator said the learning recovery program will be achieved with the passage and implementation of the ARAL Program Act (Senate Bill No. 1604), which he authored and sponsored. The measure was approved on third and final reading last March.

The Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program aims to help learners master essential learning competencies and make up for learning loss. Under the ARAL Program, learners will have access to well-systematized tutorial sessions and well-designed intervention plans.

The World Bank estimates that learning poverty in the Philippines is at 90.9% as of June 2022. This means that nine out of ten kids aged 10 in the Philippines cannot read or understand a simple story.

"Bagama't nalagpasan na natin ang pinakamalalang yugto ng pandemya ng COVID-19, patuloy nating dapat tugunan ang pinsalang dinulot nito, lalo na sa sektor ng edukasyon. Kailangan nating magpatupad ng mga programa para makahabol ang ating mga mag-aaral sa kanilang pagkatuto. Kailangan din nating tiyakin na magiging mas matatag ang sektor ng edukasyon sakaling humarap tayong muli sa malawakang krisis," said Gatchalian, Chairperson of the Senate Committee on Basic Education.

The senator also pointed out that the creation of a more inclusive and resilient education sector will be one of the aims of the Second Congressional Commission on Education (EDCOM II). Created by virtue of Republic Act No. 11899, the EDCOM II commenced the national assessment to review the education sector's performance last January.

The EDCOM II is also mandated to propose reforms that will make the Philippines globally competitive in the education and labor markets.


Gatchalian: 'Education recovery' tutukan sa pagwawakas ng COVID-19 global emergency

Matapos ideklara ng World Health Organization ang pagwawakas ng COVID-19 bilang global health emergency, binigyang diin ni Senador Win Gatchalian na kinakailangang tutukan ang pagbangon ng sektor ng edukasyon, isa sa mga pinaka-apektado noong kasagsagan ng pandemya.

Binigyang diin ni Gatchalian ang pangangailangan para sa ganap na pagpapatupad ng programa para sa learning recovery lalo na't nagdulot ng learning loss ang kawalan ng face-to-face classes sa loob ng halos dalawang taon. Upang maisakatuparan ito, muli niyang isinulong ang inihain niyang ARAL Program Act (Senate Bill No. 1604) na aprubado na sa huli at ikatlong pagbasa sa Senado noong nakaraang Marso. Ayon sa UNESCO, PIlipinas ang may pinakamahabang pagsasara ng klase sa buong mundo mula noong nagsimula ang pandemya.

Layon ng Academic Recovery and Accessible Learning Program o ARAL Program na tulungan ang mga mag-aaral na makahabol sa kanilang mga aralin at matugunan ang learning loss. Sa ilalim ng ARAL Program, magagabayan ang mga mag-aaral ng mga tutor sa ilalim ng mga well-designed intervention plans.

Tinataya ng World Bank na umabot na sa 90.9% ang learning poverty sa Pilipinas noong June 2022. Nangangahulugan itong siyam sa 10 batang may edad na 10 ang hindi makabasa o makaunawa ng maikling kwento.

"Bagama't nalagpasan na natin ang pinakamalalang yugto ng pandemya ng COVID-19, patuloy nating dapat tugunan ang pinsalang dinulot nito, lalo na sa sektor ng edukasyon. Kailangan nating magpatupad ng mga programa para makahabol ang ating mga mag-aaral. Kailangan din nating tiyakin na magiging mas matatag ang sektor ng edukasyon sakaling humarap tayong muli sa malawakang krisis," ani Gatchalian, Chairperson ng Senate Committee on Basic Education.

Ito rin aniya ang layon ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II). Nilikha ang EDCOM II sa bisa ng Republic Act No. 11899. Nitong nakaraang Enero, sinimulan na ng EDCOM II ang pagrepaso sa performance ng buong sektor ng edukasyon.

Mandato rin ng EDCOM II na magpanukala ng mga reporma upang gawing globally competitive ang mga Pilipino sa education at labor markets.

News Latest News Feed